Chapter 41

2.1K 74 4
                                    

Chapter 41 – Her Initiation

Reeam (Nique)

Pakiramdam ko may nakadagan sa dibdib ko kaya hindi ako makahinga ng ayos. Lutang ang isip ko at hindi makapag-isip ng tama. Noong mga nakaraang araw, si Ciel lang ang laman ng isip ko at nawalan ako ng pake sa mga taong nasa paligid ko. Pero bakit ngayon... iba?

"Mahal kita, Reeam... patawad kung minahal kita,"

Walang ibang nasa isip ko ngayon kung hindi ang mga salitang 'yan.

Naluluha ako sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang mga eksena kahapon, ang naging usapan namin, ang bawat luhang pumatak mula sa mga mata niya. Sa mga mata niyang kitang-kita ko ang labis na kalungkutan at sakit.

Ang daming tanong sa isip ko. Gaya ng bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko napansin na ako pala ang gusto niya? Bakit ako? Naging manhid nga ba ako masyado? Sinadya ko ba talaga? Hindi kaya, napapansin ko naman talaga pero ipinagsawalang-bahala ko? Napapansin ko naman talaga, hindi ko lang maamin sa sarili ko? Paano? Paano nangyari na ako? Bakit? Paano?

Pakiramdam ko ikababaliw ko 'to.

Pero sa lahat ng 'yan, wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang humingi ng tawad kay Marrette. Patawad na hindi ko rin naman alam kung para saan. May kasalanan ba ako? Nagbigay ba ako ng motibo? Pinaasa ko ba siya? Hindi ko alam, e. Hindi ko talaga alam.

Ang sama pa ng pagkakataon na bumalik sa isip ko lahat ng pinagsamahan namin ni Marrette. Lalo na 'yong unang beses ko siyang makita sa main house namin, 6 years ago.

Flashback.

"Reeam Dominique, nandito ka na pala," lumapit ako kay Mom at humalik sa pisngi niya, ganoon din ang ginawa ko kay Dad.

"Kararating ko lang po,"

"Tamang-tama, may ipapakilala kami sa'yo," may maliit na ngiti sa labi ni Dad nang sabihin niya 'yan at marahan niyang iginiya sa harap ko ang isang babae. "Siya si Marrette, ang partner mo," mula kay Dad, inilipat ko ang tingin ko papunta sa batang babae.

"Hello!" masiglang bati niya. Hula ko, magkasing-edad lang kami nito. Hindi rin naman nalalayo ang tangkad namin sa isa't isa. "Ako si Marrette! Masaya akong makilala ka!" napakurap ako dahil kitang-kita sa mga mata niya ang saya. Para itong kumikinang habang nakatingin sa akin. "Uy, magsalita ka naman!" pangungulit pa nito.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now