Chapter 15

3.4K 117 3
                                    

Chapter 15 – The Special Date

Criza (Ciel)

Nagising ako nang maramdaman kong wala si Nique sa tabi ko. Kahit inaantok pa ay tumayo ako at tiningnan ang paligid.

Gabi na pala.

Saad ko sa isip ko nang makitang madilim na sa labas. May napansin naman akong sticky note sa side table kaya nilapitan ko 'to at binasa.

Hi. Get up, and take a bath.
Wear the white dress in the walk-in closet.
That's for you. See you—Nique.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kumilos na ako agad at ginawa ang sinabi niya. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko may magandang mangyayari sa gabing 'to.

Matapos ng mga paghahanda, sinulyapan ko munang muli ang sarili ko sa salamin. Napakasimple lang ng dress na 'to at aaminin kong bumagay siya sa akin. Maganda talaga ang taste sa damit ni Nique.

Agad na rin naman akong lumabas ng kwarto.

"Magandang gabi, binibini," halos mapatalon ako nang may magsalita sa gilid ko, bahagya pa nga siyang nag-bow sa akin. "Ako po ang tumatao dito, kapag wala si Ms. Imperio. Tayo na po, kanina pa po niya kayo hinihintay," mahinahong sambit niya kaya naramdaman ko ang paggaan ng loob ko sa kaniya. May edad na ang lalaking 'to. Maganda ang mga ngiting ibinibigay niya at mukhang mapagkakatiwalaan naman.

"Ano pong pangalan niyo, Manong?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami palabas ng bahay ni Nique.

Saan kaya kami pupunta?

"Noel na lang po ang itawag niyo sa akin, binibini," magalang pa ring tugon nito.

"Huwag niyo na po akong tawaging binibini. Criza na lang po," nakangiting sabi ko dito.

"Sige po, Criza," naiilang na sabi niya habang nakahawak pa sa batok niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang may matanawan akong nipa hut. Maliwanag sa gawing 'yon, dahil sa mga ilaw na nakapaligid. Maganda ang pagkakaayos kaya namamangha na naman ako.

Ang mas nakapagpaganda pa ay ang babaeng nakatayo sa harap ng nipa hut. Gaya ko ay naka-dress din 'to na kulay puti. Nakalugay lang ang buhok niya. Mukha siyang modelo dahil sa paraan ng pagkakatindig niya. Dagdag mo pa ang paglipad ng kaniyang buhok dahil sa malakas na ihip ng hangin. Nakangiti ito at mukhang kanina pa nga ako hinihintay.

Nang makarating ako sa harap niya, nakalahad na ang kaniyang mga kamay na masuyo ko namang tinanggap.

"Hi, beautiful," nakangiting sabi nito.

"Hello, gorgeous," pilyang sagot ko naman.

Mas maganda talaga siya sa akin.

Hinila na ako nito papasok sa loob ng nipa hut, at doon mas nakita ko ang kagandahan nito. Nakakalat ang white petals sa sahig, may naka-set na table for two, maliwanag ang kabuuan dahil sa mga nakahilerang maliliit na bumbilya. Nangingibabaw ang kulay puti sa kabuuan nito.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now