Chapter 2

8.8K 246 42
                                    

Chapter 2 – The Seyer

Reeam

"So, what do you think, dude? Is she telling the truth na wala siyang alam tungkol sa Vlic?" tanong ni Marrette nang makalabas si Louise.

"Yes," diretsong sagot ko saka humarap sa kaniya. I'm so mean! Tinalikuran ko si Louise kanina. Baka kung anong isipin niya. Matapos kong magbitiw ng mga salita kanina ay gaganituhin ko siya.

I'm so stupid.

"Paano mo naman nasabi?"

"I can see it in her eyes. She looks so confused and clueless about Vlic," seryosong sagot ko. Nang titigan ko siya kanina, halatang wala siyang alam. Diretso rin siyang tumingin sa amin kanina at confident siya sa sagot niya.

"Come to think of it, dude, kung 17 years old na si Criza, at kabilang siya sa Vlic, dapat pinakilala na siya noong annual celebration last year. Nasa tamang edad na siya noong mga panahon na 'yon. Kung hindi niya kilala ang Vlic, ibig sabihin wala siya last year," napatingin ako sa kaniya kasi may punto naman siya.

"Sinabi niya kanina na nagkasakit siya. 'Yon ang dahilan kung bakit nag-stop siya sa pag-aaral. Pero hindi niya nabanggit kung ano ang sakit niya. Pwedeng 'yon ang dahilan non," sagot ko nang maalala ko ang sinabi ni Louise kanina.

"Tama, 'yon nga siguro," tumatango-tangong pagsang-ayon niya.

"Grab your laptop. Alamin mo kung ano 'yong naging sakit niya," utos ko na agad naman niyang sinunod.

Bakit hindi ko agad na-realize na may posibilidad na parte siya ng Vlic dahil sa apelyido niya? Ang mga Velmon, ang mga tusong Velmon. Ang pamilyang hindi marunong manahimik. Mga taong takam na takam sa kapangyarihan. Pero lahat ng 'yan ay hindi ko nakita at naramdaman kay Louise. Iba siya sa kanila. Bakit doon pa siya napabilang?

"Dude," pag-agaw pansin ni Marrette. Tinanguhan ko naman siya bilang signal na magsimula na siya.

"Anak siya nina Laquise at Crizanta Velmon. She's the successor of Velmon Industries. Mayroon siyang sakit sa puso kaya nagkaroon siya ng heart transplant last year and it took one year para maging totally recovered siya, sa America siya inoperahan," nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong siya rin ay nagulat.

Kinabahan ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Napansin kong hawak-hawak niya ang dibdib niya kanina. Hindi kaya? Hindi kaya may naramdaman siyang sakit doon kanina?!

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu