Chapter 10

4.3K 134 1
                                    

Chapter 10 – Her Twin Sister

Marrette

Napahinga ako ng malalim nang magsimula si Reeam sa misyon niya. Pansamantala kong tinanggal ang earpiece na suot ko. Dahil alam ko namang wala na siyang importante pang sasabihin.

In-open ko muli ang document file na binabasa ko kanina.

VLIC Family
Division: White
Division Ranking: Rank 1
Overall Ranking: Rank 2

Members (Main Positions):
Quimon VLIC (HEAD)
Tarie VLIC (LADY)
Lour VLIC (REAPER)
Laq VLIC (HEALER)

Members (Other Positions):
Laq VLIC (HACKER)

Document file kung saan nakapaloob ang tungkol sa Vlic. Document file kung saan ko nalaman ang posisyon ni Criza sa pamilya niya. Katotohanan na alam kong sobrang makakaapekto kay Reeam.

Napagdesisyunan kong lumabas muna para tingnan si Criza pero pagkabukas ko ng pinto ay mayroong bumungad sa harap ko na isang estudyante.

"Yes? May kailangan ka ba?" nakangiting tanong ko.

"Ms. Marrette," nangunot ang noo ko dahil halos nanginginig ang boses nito.

"Okay ka lang ba?"

"Ms. Marrette, si Criza Louise Velmon po,"

"Anong mayroon kay Criza?" kalmadong tanong ko pero sa loob ko ay kinakabahan na ako.

"Sa garden po—," hindi ko na siya pinatapos at agad na akong tumakbo papunta sa sinabi niyang lugar. Hindi maganda ang kutob ko kaya umalis na ako agad.

Nang makarating ay naikuyom ko ang kamao ko dahil sa nadatnan ko.

"Criza!" natatarantang pagtawag ko sa kaniya habang hindi ko malaman kung saan siya hahawakan dahil punong-puno ng sugat ang katawan niya, pati na rin ang mukha niya. Ang unipormeng suot niya ay gusot at napakarumi. "Anong nangyari sa'yo?" nanghihinang tanong ko.

"Marrette,"

"Huwag ka nang magsalita, please,"

"Bakit... bakit ka u-umiiyak?"

"Sinabing huwag ka nang magsalita, e," agad kong pinunasan ang mga luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala. Saka ko siya binuhat at lakad-takbong pumunta sa parking lot. "Dito ka lang. Kukuhanin ko lang ang gamit ko sa opisina para masabihan ko si Reeam," sambit ko nang maihiga ko siya sa backseat ng kotse ko.

"S-sige," matapos niyang sabihin 'yon ay nawalan na siya ng malay. Napakagat-labi ako para mapigilan ang paghikbi ko.

Pagkarating sa opisina ay kinuha ko lang ang laptop at earpiece na gamit ko kanina saka muling bumalik sa parking lot at pinaharurot ang kotse papunta sa condo ko.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now