EPILOGUE

1K 15 0
                                    

"Happy monthsary nhie!" bati sakin ni Jovanni sabay halik nito saking pisngi! "here's my gift to you hope you like it!" dagdag pa nito sabay abot sakin ng maliit na box na kulay pink!

Ganyan lagi si jovanni sakin everytime na mag cecelebrate kami ng monthsary! Masyado siyang sweet at effort kung effort talaga! Para tuloy ako ang lalaki saming dalawa dahil mas bigay na bigay pa siya saming relasyon kaysa sakin!




5months...5months na kaming mag ka relasyon at sa 5months na yun ay wala akong pinag sisisihan dahil sabi nila naka-jackpot na ako kay jovanni and I must admit na totoo lahat ng sinasabi nila!


"nhie are you okay? Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko say--

"of course I like it and I really appreciate it!" singit ko naman! "thanks for this! you always made our day really special!" dagdag ko pa.

"walang hindi special bastat ikaw ang kasama ko Nhie!" sagot niya sabay hawak nito sa aking kamay pero mabilis ko iyong binawi na ikina kunot ng noo niya!

Ang totoo niyan ay may gagawin ako na hindi ko masimulan dahil ayokong itaon sa mismong special day namin! Lalo pa at nakikita ko kung gaano siya kasaya ngayon at tyak na masasaktan kami pareho sa kaylangan kong gawin!


Napabuntong hininga ako at napapikit sabay hawak muli sa mga kamay niya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata..


"sorry Jovanni but..lets end it here" mahina at puno ng emosyong wika ko!

Hindi niya binitawan ang kamay ko at hindin rin inalis ang pag kakatingin niya sa mga mata ko! Matagal kaming nag katitigan na animo sinisiyasat kung nag bibiro lamang ako!



"hahahaha" biglang tawa niya na nakahawak pa sa kanyang tiyan!
"haha..are you kidding me Stefanni? Hahaha..seriously? Its really funny!" dagdag pa nito habang hindi maawat ang pag tawa!


"Im...deadly...serious" tanging nasambit ko na ikinatigil niya sa pag tawa at naka-kunot noo na tumingin muli sakin!


"a-ano bang p-pinag sasasabi mo Stefanni Marie? Hindi na ako natutuwa huh! Its our monthsary today so please dont fooled me!" tugon nito sa seryosong tono.


Napalunok ako at muling nilabanan ang emosyong gustong kumawala sa mga mata ko! Ngayon palang ako maiiyak kung sakali sa relasyon naming dalawa because our relationship is almost perfect!



But today....I will ruin it!

"Im not joking Jovanni, mag hiwalay na tayo ngayon n--


"then tell me your reason!" sigaw niya na ikinalingon ng ilang kumakain sa lugar!


Nasa grill house kami malapit sa seaside! Ito ang paborito naming tambayan at kainan everytime na uuwi kami from school!


"dahil...

"dahil may iba ka na? Dahil hindi ka na masaya?!" umiiyak ng wika niya! Napaiyak nadin ako sa nakikita kong hinagpis niya!


"wala akong iba at kahit kaylan ay hindi ko naramdaman na hindi maging masaya kapag kasama ka!" lumuluhang tugon ko! "our relationship is almost perfect jovanni pero hindi ko kayang ituloy na ito kung wala na ako.." dagdag ko pa!


"w-what do you mean kung wala ka na?" garalgal na tanong niya!



"Im moving to Canada with mom, and its for good" sagot ko.



"so what? Yun lang makikipag hiwalay ka? Tatapusin mo tayo ng dahil lang sa aalis k--


"dahil hindi ko kaya! Hindi ko kaya na isapalaran ang relasyon ko sayo ng mag kalayo tayo at umasa nalang sa long distance relationship! Hindi ko kaya jovanni kaya please...tapusin nalang natin ito!" pamimilit ko pa!


Matagal bago ito nakapag salita muli.

"I didnt expect na susuko ka lang sa relasyon natin" wika niya na lalong nag pahirap sa aking nararamdaman!
"pero noon pa man alam ko naman na hahantong tayo sa pang iiwan mo sakin dahil duwag ka Stefanni! Ni hindi mo ako maipakilala sa mommy mo dahil takot ka! At ngayon natatakot ka dahil mag kakalayo tayo?" dagdag pa niya! Hindi nalang ako kumibo dahil totoo naman lahat ng sinasabi niya!




Never ko siyang pinakilala kay mommy dahil takot ako! Strict si mommy kaya hindi ako makapag open up sa kanya tungkol sa boyfriend ko na Si Jovanni hanggang sa napag pasyahan namin na maging tago nalang kami!




"so lets end it here...mag iingat ka sa Canada!" wika muli ni Jovanni sabay lapit sakin at halik sa aking noo!


Naiwan akong nakatingin sa kanya habang unti-unti siyang lumalayo sa akin! Tanging likod na lamang niya ang nakikita ko ngayon at ang mukha niya ay tuluyan ko ng hindi makikita.


Siguro hanggang dito nalang kami! Siguro nga parte lang to ng buhay pag ibig bilang teenager pa naman kami! Siguro nga ang masaktan ay natural lang sa nag mamahal at sumusuko..


Goodbye Jovanni...goodbye my first love....

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Where stories live. Discover now