chapter 6

565 5 0
                                    

Stefanni. . .

"mom mag jogging lang ako!" paalam ko kinaumagahan!









Suot ang aking sneakers at jogging pants na may ternong sando na hanggang tyan na pinatungan ko lang ng jacket ay lumabas na ako ng bahay!











Nag on muna ako ng music mula sa mini ipad ko at pinasak ko ang earphone sa mag kabilang tenga ko tsaka ako nag simulang mag jogging!











Ito ang matagal ko ng gustong gawin! Ang mag exercise!










Halos wala pang katao-tao sa lugar kundi ang iilan-ilang nag papahamog at nag jojogging na katulad ko! Medyo madilim pa kasi ng umagang yun!










Nag patuloy lamang ako sa pag jogging habang aliw na aliw sa tugtog na paramore sa ipad ko ng biglang..










Booogshh!!!









Napaupo ako sa kalsada dahil sa bumanggang kung ano sakin!











"ano ba?! Bakit hindi ka nag iingat!" sigaw ko sa lalaking nakahiga din sa tabi ko at ang bisekleta nitong nakataob din sa pagitan naming dalawa!











Ngunit nag taka ako ng hindi man lang ito gumalaw o nag salita!










Tumayo ako at marahan na nilapitan ang lalaki na nakahiga padin sa kalsada ngayon!










"h-hey! Are you o-okay?" kabadong wika ko habang nakasilip sa mukha nito! "hey! Ayos ka lang ba?!" pag papanic ko dahil hindi padin ito kumikilos! Naupo ako sa harapan niya at inangat ang ulo nito tsaka pinatong ko sa mga hita ko at bahagyang sinampal-sampal ito para magising! Wala naman na akong makitang ibang tao sa paligid para hingan sana ng tulong!












"ano ba? Huy! Sisigaw ak-- napahinto ako sa pag sasalita ng makita kong bahagya itong ngumiti dahilan para mapapikit ako sa inis at binitawan ang ulo nito na nakapatong pa mismo sa mga hita ko!











"awts!!" ungot nito habang ako ay tumayo na at nakapamaywang na nakatingin lamang sa lalaking sapo sapo ang ulo nito na naumpog ata sa semento dahil sa ginawa ko!
"bakit mo naman ginawa yun? Masakit huh!" asik pa nito sakin!











"at talagang nakuha mo pang mag reklamo?" inis na wika ko sa kanya sabay walkout!










"hey wait!" habol nito habang nag mamadali na kunin ang bisekleta nito sa sahig at sinakyan yun!












Sinundan niya ako habang nag lalakad ako at nakataas ang kilay sa sobrang inis habang siya naman ay nakasakay sa bisikleta niya!











"Im sorry! Hindi ko naman sinasadya na banggain ka! May iniwasan kasi akong pusa kaya--











"kaya ako nalang ang binangga mo? Ganon ka importante ang buhay ng hayop sa buhay ng tao?" sita ko pa sa kanya!











"sorry talaga! Animal lover kasi ako! Kaya please naman oh patawarin mo na ako!" pangungulit pa nito! Hindi ko siya pinansin!
"anyway, mukhang bago ka lang dito? Nga pala Jess!" pakilala pa nito! Hinarang nito ang bisikleta dahilan para mapahinto din ako at nilahad nito ang mga kamay nito sa harapan ko!












Ngunit hindi ko yun pinansin at lumigid sa bike nito para lampasan siya!











"LOVE SORRY NA!!" sigaw nito na ikinalingon ko at kitang-kita ko ang ngiti nito sa mga labi nito! "SORRY NA LOVE!! PATAWARIN MO NA AKO!!" sigaw pa nito na ikinalingon ng ilang tao na nandoon na sa mismong lugar na kinatatayuan naming dalawa!












Hindi ko mapigil ang sarili ko kaya naman agad ko siyang nilapitan at pinandilatan ng mga mata!











"are you insane? Anong Love ang sinasabi mo dyan?!" asik ko sa kanya!











"ayaw mo kasi akong pansinin kaya naman sisigaw ako ng sisigaw dito! KAYA PLEASE-- Tinakpan ko ang bibig niya!











"fine!" nakapikit na wika ko sa sobrang inis! "Steffie! Steffie is my name!" walang magawang pakilala ko!

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Where stories live. Discover now