chapter 23

350 4 1
                                    

Steffanie. . .

Tinatahak namin ang daan papunta sa bar na pinag tatrabahuhan daw ni jovanni!









Sadya ngang mahaba na ang panahong wala na akong balita sa kanya! Madami na akong na mis sa buhay niya at malaki nadin ang pinag bago niya!









Ang malambing na jovanni noon ay nag laho na at naging cold na!









Pero ang labis kong pinag-aalala ay ang pagiging cold namin sa isat'isa! Ayokong mahalata nila na may something different sa pagitan naming dalawa dahil magiging daan yun para malaman nila ang dati naming relasyon at ayokong mangyare yun dahil natitiyak kong lilikha ito ng malaking problema lalo na kay mommy at tito!










Sakay ng sasakyan ni jess ay sinundan namin ang motor ni jovanni! Si rhyka naman ay pinasabay nadin ni jovanni samin na labis kong ikinasiya dahil makitang mag kausap lang silang dalawa ay labis na panibugho na ang nadarama na alam ko naman na mali!










Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng bar na pinag tatrabahuhan ni jovanni!










Maayos naman ang lugar at mukhang disente hindi yung tipo na ma ra-rade ng mga pulis.










"whoah! Mukhang may special guests tayo pare" salubong samin ng isang lalaki at may dalawa pang lumapit sa gawi namin!











"mga kaklase ko" pakilala samin ni jovanni! "si rhyka, ang aspiring vocalist natin" pakilala naman nito kay rhyka!










"hi guys! Im rhyka" pakilala naman ni rhyka at nakipag usap na ito sa mga kabanda ni jovanni habang kami naman ni jess ay nasa isang sulok at umiinom ng juice!











Ilang saglit pa.










"good evening guys!" bati ni jovanni sa mikropono! "before I introduce to you our newest vocalist, let me sing you a song first...and this song is dedicated to the person who stole my heart and Still who owned my heart" dagdag pa niya na labis kong ikinakaba!











May parte sa puso ko na umaasa na ako ang tinutukoy niya lalo pa at nakatingin siya sa gawi ko! Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at uminom nalang ng juice.













~Your love / Allamid~








Nanindig ang mga balahibo ko sa kantang kinanta niya! Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili lalo pa at kaharap ko ngayon si jess!













Ang kantang yun...yun ang team song namin dalawa! Kaya ngayon ay natitiyak kong ako nga ang tinutukoy niya! Na ako padin ang nag mamay-ari sa puso niya.












"may problema ba steff?" untag sakin ni jess na hindi ko namalayan na nakatitig na pala sa aking gawi!











"ahmm n-nothing! N-nadala lang ako sa kanta" dahilan ko.












"sabagay! Maging ako ay nadadala din! Akalain mong talentado pala yang kuya mo?" mangha ding wika ni jess.













Hanggang sa matapos ang kanta nito at si rhyka naman ang sumalang! May boses din naman ito at may ibubuga kaya hindi nakakapag taka na matanggap ito agad sa banda! Samantalang hindi naman na ako mapakali sa aking kinauupuan lalo pa at nararamdaman ko na may dalawang matang sumusubaybay saking bawat galaw!

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Where stories live. Discover now