chapter 12

460 3 0
                                    

Jovanni. . .

Seaside grill house. . .


Dahil sa hindi malamang dahilan ay natuloy din kami sa pag punta sa lugar na iniiwasan naming puntahan ni Steffanie!










Naasar kasi ako sa lalaking kausap niya kanina na akala mo kabanda ko para makipag-close samin ni daddy kaya naman bilang ganti ay dito ako nag aya para makita ngayon ang malungkot na mukha ni steffanie!










Hindi ako pwedeng mag kamali sa nakikita ko!








Ang lungkot ng mga mata niya at wala siyang kibo mula pa kanina ng makarating kami sa lugar!









"my dear are you alright? Dont you like the seafoods?" untag sa kanya ni tita!









"n-no mom! I mean..I like it! Medyo sumama lang ng kaunti ang pakiramdam ko!" pag dadahilan niya na halata namang hindi totoo!










"mas mabuting mag lakad-lakad na muna kayo ni jovan ng ma relax ka naman steffie!" si daddy na lalong nag palala ng sitwasyon!









Kaya whether we like it or not, heto kami sa seaside at nag lalakad-lakad ng mag kasama!








Just like the old times! Kung bakit ba kasi naisip ko pang inisin siya tuloy na gui-guilty ako sa nakikita ko ngayon!











Kapwa kami tahimik habang dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin na nang gagaling sa katapat na dagat!










"p-pasensya na kung lagi ka nalang na aabala ng dahil sakin" panimula niya! "ewan ko ba! Masyado akong apektado sa lugar na ito at wala naman akong dapat pang ikubli tungkol doon dahil alam kong nararamdaman mo kung bakit ako nag kakaganito" dagdag pa niya.











''pasensya na kung dito pa ako nag aya! Alam ko naman na ayaw nating pareho na makapunta pa dito pero hindi ko din alam kung bakit bigla nalang akong nag aya dito!" wika ko.










Muling nabalot ng katahimikan sa pagitan namin!









Naupo kami sa isa mga bench doon.










"nakakatawang isipin na heto na naman tayo sa mag kaibang sitwasyon" panimula ko habang nakatanaw sa dagat! "alam mo bang ng umalis ka ay nag pupunta padin ako dito?" dagdag ko pa na ikinalingon niya!











"so-sorry kung umalis ako noon, akala ko kasi ay hindi na kami babalik ni mommy dito until she met your dad!" kwento niya na pinakikinggan ko naman ng mabuti!
"and I never expect na ikaw pala ang nag iisang anak na tinutukoy ni tito Gordon! What a really small world" dagdag pa niya!












"matagal ko ng kilala si tita Marie as my dad's girlfriend pero I also never thought na may anak siya at ikaw pala" kwento ko naman!
"kaya ng mag tama ang mga mata natin ay labis akong nagulat at hindi maka react na makita kita doon! But I must admit na gusto kong mag walkout nalang ng gabing yun pero hindi ko tinuloy dahil ayokong masaktan si daddy" dagdag ko pa.













"jo-jovanni gu-gusto ko sanang linawin yung nangyare sati--












"lets just forget it steff" putol ko sa nais niyang sabihin! "ang isipin nalang natin ay yung magiging sitwasyon natin kapag nakasal na si tita at daddy I mean ayokong malaman pa nila ang past natin siguro naman ay alam mo na ang ibig kong sabihin?" dagdag ko pa!













Bahagya siyang natahimik at napabuntong hininga bago muling mag salita para ako ay sagutin!











"ta-tama ka! Past is past" walang emosyong tugon niya "yung nakakapag-usap tayo ng ganto na walang ilangan ay ayos na atleast ramdam ko na wala ng pader sa pagitan nating dalawa" dagdag pa niya.













"dahil kaylangan natin yung gawin for the sake of our parents" tugon ko.












Hindi na siya kumibo pa hanggang sa tawagin na kami ni daddy at tita! Hindi na kami nag kibuan pa ni steffanie hanggang sa maihatid namin sila sa subdivision na kanilang tinutuluyan.

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Where stories live. Discover now