chapter 25

353 4 0
                                    

Steffanie. . .

Mabilis na lumipas ang panahon!
Palagi kaming mag kasabay pumasok ni jess at ganon din sa pag uwi!
Habang kami naman ni jovanni ay patuloy sa pag iwas sa isat'isa.










"my dear gusto mo bang sumama tonight? Balak naming pumunta sa bar kung saan tumutugtog si jovann para mapanood naman namin siya" untag sakin ni mommy isang umaga!












"hmmm may lakad po kami ni jess" pag sisinungaling ko kahit ang totoo ay wala naman akong balak na umalis ng bahay ngayon!











"ganoon ba? Okay! I'll tell to your tito nalang and jovann!" si mommy!
"by the way, may balak din kaming mag outing tayo bago sumapit ang engagedment party dahil naisip namin na magiging busy na kami sa pag aasikaso ng kasal kaya we planned na mag beach tayo! What do you think my dear?" dagdag pa ni mommy!














"o-okay" alanganin na tugon ko!












Hanggang sa mag paalam na ito at maiwan akong mag isa!












Umakyat ako sa taas para naman libangin ang sarili ko sa pamamagitan ng panonood ng korean drama pero talagang walang pumapasok sa isip ko kaya nag bihis ako at lumabas nalang ng bahay!













Nag lakad-lakad ako hanggang sa..











"steffanie iha!" tawag sakin ng mommy ni jess na noon ay nakasakay sa kotse nito!













Huminto siya saking tapat at lumabas ng sasakyan!












"saan ka pupunta? Halika sumabay kana!" aya pa nito sakin.












"ahmm o-okay lang po! Nag...nag lalakad-lakad lang!" tugon ko.












''you mean nag lilibang?" tanong pa nito! Bahagya akong tumango bilang tugon! "then come with me! Matutuwa si jess kapag nakita ka niyang dumalaw sa bahay!" aya nito sakin! Tatanggi pa sana ako ngunit nag pumilit pa ito kaya no choice ako kundi sumama sa kanya at pumunta sa bahay nila jess.














Pag dating ko doon ay inabutan kong nag papakain ng aso at ilang alagang hayop si jess! Bahagya pa itong nagulat ng makita ako!














"hi iho! May bisita tayo" wika ng mommy niya na abot hanggang taenga ang ngiti! "hindi mo man lang ba siya sasalubungin?" panunudyo pa nito.













"a-ahhh h-hi steffanie! Pasensya na nagulat lang ako na makita ka dito" utal na wika niya.














"nag kita kasi kami ni t-tita sa labas kaya sinama niya ako dito" paliwanag ko!













"tama siya iho! Kaya tama na sa kakatanong! Why not invite her inside?" suggestion pa ng mommy niya!










"o-oo naman! Lets go inside?" aya ni jess!














"o-okay" tipid na sagot ko sabay sunod sa kanya.

"My Half/Brother Is My Ex/boyfriend"Where stories live. Discover now