Kabanata 35

4.4K 125 4
                                    

Kabanata 35

Sophia's Point of View

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan, nasunod ang kagustuhan kong tumira sa bahay ni Zyren kasama siya at ang pamilya ko. Ako ang tuluyang nag-alaga sa kanya.

Samantala sina Darren at Ehdrey, nagsasama na sila sa dati naming tinirahan, sa bahay ni Darren.

Habang naglalakad ako ngayon papasok sa loob ng kuwarto namin ni Zyren, nakangiti lang ako. Nang makita ko naman siya, agad ko siyang hinalikan sa labi niya. Hinawakan ko rin ang kamay niya.

"Chocolate, kumusta ang araw mo rito?" Tinabihan ko siya sa kama. "Hindi ka ba nagsasawang matulog diyan? Halos tatlong buwan ka ng ganiyan, ah? Sige ka, hindi mo makikita ang new look ko ngayon. Tignan mo, bagay ba sa akin 'yong ganitong gupit?"

Bigla nalang akong napahinto nang maalala kong ako nga rin pala ang sasagot ng mga katanungan ko ngayon. Napabuntonghininga ako.

Hinaplos ko ang mukha niya, ang ilong niya, ang labi niya. Pinagmamasdan ko siya.

Nang muli ko siyang niyakap natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak.

"Alam mo Chocolate, miss na miss na talaga kita. Lagi ko nalang inaalala sa isip ko 'yong mga nagdaang araw natin na magkasama tayong dalawa. Sana gumising ka na. Sana magising ka na..."






Ehdrey's Point of View

Nakatayo lang ako ngayon sa labas ng bakuran sa dati naming bahay ng asawa kong si Zyren. Pinagmamasdan ko lang ito ngayon habang inaalala 'yong mga masasayang araw na pinagsamahan namin dito.

Pero tatlong buwan na ang lumipas, nagbago na ang lahat. Si Sophia na ngayon ang kinakasama niya at nawala na ako sa tabi niya.

Huli ko pa siyang nasilayan at nahawakan noong nando'n pa kami sa Hospital pero simula no'n si Sophia na ang tuluyang nag-alaga sa kanya.

Hindi lang ako makapaniwala na, ako mismo ang asawa niya, ako mismo ang hindi makalapit sa kanya. Miss na miss ko na ang asawa ko. Miss na miss ko na ang pagsasama naming dalawa.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumulo na pala ang mga luha ko kaya agad ko 'yong pinunasan.

Halos araw araw, minu-minuto, pinagdarasal kong sana, isang araw, bumalik na ang lahat sa dati. Sana magkamalay na si Zyren. Hindi ako mawawalan ng pag-asa na isang araw, magsasama ulit kaming dalawa.

Hindi na ako makapaghintay na hindi ulit mangyari 'yon. Maghihintay ako sa pagmulat niya. Maghihintay ako sa pagbabalik niya.

"I love you, Babe, binibisita kita palagi rito. Hindi mo man ako nakikita pero alam ko, nararamdaman ko, makikilala mo pa rin ako pagkagising mo."

Matapos kong sambitin 'yon sa hangin minabuti ko nang maglakad palayo. Hinding-hindi ako magsasawa na araw-araw, babalik-balikan ko siya rito.




Darren's Point of View

Napatingin ako sa kalangitan nang makita ko ro'n ang mukha ni Sophia. Napangiti ako at naipikit ko ang mga mata ko nang maalala ko 'yong mga nakalipas na taon nung mga panahong masaya pa kaming nagsasama.

Pero napasubsob ako sa lamesa nang makaramdam ako ng pagkahilo. Naitabig ko pa nga at nabasag ang ilang bote ng alak na nasa tabi ko.

Nang biglang may humaplos sa buhok ko kaya agad ko siyang tinignan, "Beb..." sambit ko.

"Buddy, pumasok na tayo sa loob. Mukhang madami ka na namang nainom."

Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang maaninagan at marinig kong hindi siya si Sophia. Siya si Ehdrey, si Buddy.

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon