Kabanata 15

4.3K 143 2
                                    

Kabanata 15

Zyren's Point of View

"This is my best birthday ever, Babe. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Matagal ko nang pinapangarap na mangyari 'to. Ang makasama ka rito habang pinagmamasdan natin 'yan ng sabay." Pareho naming pinagmamasdan ngayon ang Eifel Tower.

Hinalikan ko siya sa pisnge niya. "I love you, Babe. Thank you for everything," dagdag ko pa.

Masaya niya akong tiningala habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Babe, masayang-masaya rin ako ngayon, kami ni Baby. Pinapangako kong aalagaan ka namin. Hinding-hindi tayo maghihiwalay. Mahal na mahal din kita." Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya matapos niya iyong sabihin. Nagtagal din kami rito ng ilan pang oras.

*****

Kinabukasan, nilalambing ko siya. Kakagising ko lang samantala siya tulog na tulog pa rin. Mukhang pagod na pagod siya kakagala namin kahapon.

Minabuti kong bisitahin 'yong social media account ko. Pagkabukas ko, bumaha ng mga pagbati sa facebook wall ko nang biglang may magchat sa akin ngayon.

Sophia: Hi Zy! Belated happy birthday! :D

Napangiti ako nang siya iyong magchat. Agad ko siyang ni-replayan

Me: Salamat

Me: :)

Sophia: Ur welcome :D

Sophia is typing...

Sophia: Kumusta naman pala kayo ni Bestie riyan?

Me: Ok lang. Nag-eenjoy kami rito :)

Sophia: Wow! Sana makarating din kami ni Beb diyan pag may time :'>

Me: Bakit hindi mo siya yayain? Kumusta pala kayo riyan?

Sophia: Saka na Zy pag may oras na siya sa akin.

Sophia: Ok lang kami?

Me: Ha? Anong ibig mong sabihin?

Sophia: Sobrang busy niya. Alam muna about sa business :<

Me: You mean hindi kayo okay? Para sa inyo rin naman 'yung ginagawa niya

Sophia: Nevermind. Oo alam ko :<

Sophia: Nga pala, naasan si Bestie?

Me: Natutulog pa siya :)

Sophia: Naku! Baka naman nakakastorbo ako

Me: No. Im just chatting :D

Sophia: Baka may ka chat kang importante unahin muna. 'Wag mo na lang akong pansinin.

Sophia: Hihi :D

Me: Hindi. Wala naman akong ibang ka chat ngayon

Me: Ikaw lang

Me: :)

Sophia: Ah. Hahaha kasi naman naboboring ako rito sa bahay. Ikaw lang din ka chat ko ngayon :D

Me: Gusto mo ba ng chocolate?

Sophia: Chocolate?? :P

Me: Oo

Me: Bakit parang tuwang-tuwa ka na naman diyan hahaha

Sophia: Pahingi naman! :P

Me: Sure. Magkita tayo pag-uwi namin. Bibilhan kita rito

Sophia: Waah! Di nga?

Me: Oo. Promise

Sophia: Salamat Zy! :D Makakatikim ako ng imported na chocolate :D

Me: Salamat?

Me: May kapalit to Sophia. HAHAHA

Sophia: Nijojoke mo naman ako e :< Baka kung ano pa ang hingiin mong kapalit 'wag na lang!

Me: I'm just kidding :D

Sophia: Hindi kita bati!

Natawa ako sa reply niya.

Me: I'm sorry. Nijojoke lang naman kita :)

Sophia: :D

Sophia: Okay aabangan ko iyang promise mo :P

Me: No problem

Sophia: Sige na Zy. Maglag-out na rin ako. Baka kasi nakakastorbo na rin ako sa 'yo.

Me: Okay

Sophia: :D

Me: :)

No seen

Natapos na 'yong usapan namin ni Sophia ngunit itong si Babe, mukhang wala pa rin siyang planong gumising.







Ehdrey's Point of View

Hawak ko ngayon iyong papel na pinag-iwanan ng sulat sa akin ni Zyren. Sinabi niyang umalis lang daw muna siya at may bibilhin. Hindi man lang niya ako sinama pero ayos lang din naman.


At dahil maboboring lang ako rito kinuha ko iyong laptop niya. Binuksan ko iyong facebook ko.

Nakakamangha lang na napakaraming bumati sa birthday ni Zyren kahapon. Sikat na sikat talaga siya.

Nang bigla namang nagmessage si Darren sa akin ng Hi! Buddy kaya nagreply agad ako sa kanya.

Me: Hi rin Buddy :D :D kumusta?

Buddy Darren: Video call tayo Buddy. Nandiyan ba si Zyren?

Buddy Ehdrey: Wala :D sige na Buddy call ka na.


Buddy Darren

Video calling from Messenger

Calls your Wi-Fi or data plan

Remind me Message me

Decline Accept

Connecting...


"Hi, Buddy!" masayang bungad ko sa kanya sabay kaway.

"Hello! Kumusta kayo riyan? Bakit pala wala si dre? Nasaan siya?"

"May binibili lang. Okay na okay kami rito buddy nag-eenjoy kami."

"Wow! Good to hear. By the way, kaya napacall ako, gusto ko lang i-remind sa 'yo 'yong inaalok ko. Next week na kasi aalis si Ozu para bisitahin nila ng mga anak niya si Crystal. Nakapagpaalam ka na ba kay Zyren na magtatrabaho ka sa akin sa Kang Tower?"

"Hindi pa Buddy," nakayuko kong sagot.

"Kailan mo balak magpaalam? Uuwi na kayo sa isang araw 'di ba? Tamang-tama 'yon."

"Oo sa isang araw na. Hahanap nalang ako ng tiyempo Buddy, wag kang mag-alala."

"Papayagan ka naman siguro ni dre. Tatlong buwan lang naman 'yon e. Isa pa, kasama mo naman ako, hindi ka naman mahihirapan sa trabaho. Kailangan ko lang talaga ng makakasama."

Nang may biglang kumatok kaya agad akong nagpaalam kay Darren. "Tawag nalang ako sa 'yo Buddy ha? Baka si Babe na 'yon. Bye!"

"Sige. Bye!" Nilog-out ko agad 'yong account ko.

"Babe, I'm back," sabi ni Zyren kaya agad ko siyang sinalubong.

Pero nagtaka nga lang ako kung bakit napakadami niyang mga pinamiling chocolate pero hinayaan ko nalang 'yon baka kasi marami siyang gustong pagbigyan.




(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon