Kabanata 3

8.3K 318 7
                                    

Kabanata 3

Sophia's Point of View

"Best friend, ikaw muna ang bahalang tumingin-tingin sa mag-aama ko, ha?" huling bilin sa akin ni Crystal nang tuluyan na kaming maghiwalay dalawa.

Mag-isa ko siyang hinatid ngayon sa Airport dahil may panibago na naman siyang pinirmahan na kontrata roon sa Amerika na magtatagal nang tatlong buwan bilang model. Malungkot nga lang 'yong pag-alis niya dahil labag si Ozu na magtrabaho pa siya dahil nga walang mag-aasikaso sa twins nila.

Nakadagdag lungkot din sa akin na umalis na rin sina Jamie at Ezikiel kahapon dahil inasikaso rin nila ang business nila sa Utah. Tapos ngayon si Crystal naman ang umalis. Kami nalang ni Bestie Ehdrey ang natira ngayon dito sa Pilipinas.

Napabuntong hininga ako nang pagmasdan ko itong Airport. Naalala ko kasing aalis din nga pala si Darren papuntang Canada. Ngayon alam ko na 'yong pakiramdam na umapak dito tapos ihahatid mo 'yong taong mahal mo na wala kang kasiguraduhan kong babalikan ka pa niya.





*****

Darren's Point of View

Ito lamang ang natatangi kong naisip na paraan para hindi kami magkahiwalay ni Sophia, ang lumapit kay Ozu. Magbabakasakali akong baka may maibigay pa siyang extrang trabaho para sa akin para kapag kumita ako maibigay ko sa naluluging kompanya ni Mommy sa Canada.

Pinuntahan ko siya ngayon sa Kang Tower nang madatnan ko siya ritong busy na busy sa loob ng office niya.

"Yo!" pagbati ko sa kanya. Hindi niya inasahan ang biglaan kong pagbisita.

*****

"Darren, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na magtrabaho rito sa Kang Tower kung kaya naman namin ng mga king pag-ambagan 'yang pinoproblema mo. Isa pa, paano mo hahatiin ang oras mo kung may sarili ka ring kompanya?" aniya.

"Salamat nalang Pinuno pero hindi ko matatanggap 'yang inaalok mong pera sa akin. Kailangan kong pagtrabahuhan 'yong naluluging kompanya ni Mommy at hindi ko iaasa na hingiin ng libre 'yon sa inyo. Gusto kong may mapatunayan kay Mommy kaya 'yong hinihingi ko nalang sanang trabaho ang ibigay mo sa akin. 'Wag mong problemahin ang oras ko. I can handle it well."

"Okay, pero kung magbabago pa 'yang isip mo, nandito lang 'yong pera namin para sa 'yo."

Mabilis ulit akong umiling.

"Naalala kong minsan na rin akong inalukan ng malaking halagang tulong ni Zyren pero hindi ko rin tinanggap 'yon. Hayaan ninyong ako mismo ang gumawa ng paraan sa problema kong 'to. Kinakailangan kong doblehin ang oras ko sa pagtatrabaho."

"It's up to you. Ayaw na kitang pilitin pa. Sa susunod na linggo pamahalaan mo itong Kang Tower at iiwan ko sa 'yo 'to."

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Bakit? May pupuntahan ka?"

"Hindi kayang malayo ng mga anak ko kay Crystal kaya pinaplano kong sundan namin siya ro'n sa Amerika. Tatlong buwan ang itatagal namin do'n. Agree ka ba?"

"S-Syempre naman! Hayaan mo at paghuhusayan ko ang pagtatrabaho rito pansamantala hangga't wala ka."

Tumango siya. "'Yong kikitain mo rito sa loob ng tatlong buwan, maisasalba niyan ang kalahating halaga ng kompanya ng Mommy mo."

Masaya akong tumayo at nakikipagkamay ako sa kanya. "Salamat, Pinuno. Napakalaking tulong nito para sa amin ni Sophia."

"May tiwala ako sa 'yo Darren na makakayanan mong magtrabaho rito. Alam ko rin na malalampasan n'yo rin 'yang problema n'yo ni Sophia." Masaya akong tumango. "By the way, kailangan mo nga palang kumuha ng makakatuwang mo rito. Mayroon ka ba'ng mairerecomend?"

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon