Kabanata 2

10K 329 7
                                    


Kabanata 2

Zyren's Point of View

Nandito kami ngayon sa bahay nina Ozu at Crystal dahil sini-celebrate namin ngayon ang birthday ng twins nila. Lahat kaming mga king kompleto ngayon, pati mga asawa namin.

"Darren..." Napatingin kami kay Ozu nang tawagin niya si Darren. "malalim mga pagtingin mo kay Sophia?" tanong niya.

Nailipat namin ang tingin ngayon sa kinaroroonan nina Sophia, Ehdrey, Jamie, at Crystal habang nilalaro nila ang mga anak nina Ezikiel at Ozu. Samantala magkakatabi naman kami ng mga king at nag-iinuman.

"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya kung kailan ang flight mo?" suhesyon ko.

Tumikhim naman ng alak si Darren bago siya sumagot. "I have nothing to say," sabi niya at muling sinulyapan si Sophia.

"Mas maganda kung sabihin mo na sa kanya ang totoo kaysa nahihirapan ka ng ganyan. Malamang nakakahalata na rin si Sophia sa mga ikinikilos mo," turan naman ni Ezikiel.

Nakatingin lang kami ngayon kay Darren pero tahimik lang siyang nakatingin sa hawak niyang alak.

"Pinahihirapan mo ang sarili mo, Darren," dagdag pa ni Ozu. Uminom ito ng alak gano'n din si Ezikiel.

"Bakit hindi mo siya isama? Ayaw mong magkahiwalay kayo 'di ba? Sigurado rin na ayaw mangyari 'yon ni Sophia," ani Ezikiel.

Napangisi muna si Darren bago siya magsalita.

"Naisip ko na lahat nang 'yan pero hindi puwede. Alam ninyong hindi alam ni Mommy ang tungkol sa amin ni Sophia. Kilala n'yo si Mommy, hindi niya gusto ang mga tulad ni Sophia."

Napainom ako ng alak matapos niyang ikuwento 'yon.

"Kung gano'n, para saan pa at minahal mo siya? Bakit hindi mo siya magawang ipaglaban? Dalawang taon na kayong nagsasama pero hindi mo pa rin siya magawang ipakilala sa Mommy mo. Ni hindi mo nga siya kayang pakasalan."

Napatitig sa akin si Darren matapos ko iyong sabihin.

"Hon, pakihawak nga sandali si Jairel." Lumapit sa kinaroroonan namin si Jamie kaya napahinto kami sa pag-uusap ng mga king. Lalo na at sumunod na rin dito sina Crystal, Sophia at Ehdrey.

Kinuha ni Ezikiel ang anak niya kay Jamie samantala tumayo naman si Ozu.

"Nga pala, matutulog na kami ni Crystal. Inaantok na ang mga bata saka malalim na rin ang gabi. Huwag na kayong umuwi dahil pinaghanda namin kayo ng mga kuwarto n'yo kaya dito na kayo matulog," sabi ni Ozu.

"Mauuna na rin ako ro'n," biglang sabi ni Ehdrey kaya napatingin ang lahat sa akin. Nagkatampuhan nga pala kami kanina ng asawa ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Pupunta na rin ako sa guest room, Crystal," dagdag pa na sabi ni Sophia kaya mas naging awkward ang paligid.

Halata naman na siguro nila na may tampuhan sa pagitan namin ni Ehdrey at ako, si Darren naman at si Sophia. Sandali pa kaming nagkatinginan sa isa't-isa hanggang sa napagpasyahan ko ng tumayo at nilapitan ko si Ehdrey. "Let's talk, Babe." Hinila ko na siya paalis do'n.




Sophia's Point of View

Mabuti pa si Zyren naisipan niyang kausapin si Ehdrey, samantala si Darren hindi man lang ako magawang kausapin.

Nakatingin lang ako sa dalawa habang tinutungo ang guest room. Napalalim tuloy ako ng hininga.

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)Where stories live. Discover now