Kabanata 9

5K 206 2
                                    


Kabanata 9

Ehdrey's Point of View

Agad akong naghalf bath matapos namin kaninang ihatid sina Darren at Sophia sa naging kuwarto nila rito sa bahay namin.

Paglabas ko ng c.r nakita kong nakaupo si Zyren, nakasandal sa head board ng kama habang nagbabasa ng magazine. Tumapat naman ako sa aparador para kumuha ng damit.

"Babe, lakad na ro'n, ikaw na." Maghalf bath na siya, iyon ang ibig kong sabihin. Pero imbes na sa c.r siya dumeretso, nilapitan niya ako at niyakap.

Napangiti ako sa ginawa niya. Humarap ako sa kanya at niyakap ko rin siya pabalik. "Babe, hindi pa nga pala ako humihingi ng tawad sa 'yo. Sorry, ha?" sabi niya. "sa lahat ng mga nagawa ko." Sabay halik sa noo ko kaya napapikit ako nang gawin niya 'yon.

"'Wala na 'yon, babe. Kalimutan na natin 'yon. Ang mahalaga, magkabati na tayo ngayon. Ang saya-saya namin ni Baby!" nakangiti kong sabi.

Pinisil naman niya ang ilong ko. "Bakit ba kasi hindi mo agad sa akin sinabi na magkakababy na pala tayo?"

"E, kasi, so-sorpresahin sana kita. Kaya lang sa tuwing gagawin ko 'yon, nagkakatampuhan naman tayo. Sorry din ha kung may pagkukulang ako sa 'yo."

Napangiti siya. "Ano ba kasi ang tumatakbo sa isip mo at ayaw mong magpa—" Lumihis siya ng tingin. Alam ko na kung ano iyong tinutukoy niya.

"Gusto ko lang ingatan si Baby."

"E, paano siya tuluyang mabubuo niyan?"

Mukhang may pinapahiwatig talaga siya kaya napangiti ako. Tapos napakamot siya sa ulo. "Maliligo na nga muna ako," sabi niya sabay talikod pero pinigilan ko siya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. Maya-maya pa, tinanggal ko ang bathrobe ko na siya niyang ikinagulat. Wala ng kahit anumang saplot sa buong katawan ko ngayon.

"B-Babe, hindi mo kailangang gawin 'to," sabi niya pero hindi na ako nagpapigil.

Alam kong isa ito sa nararapat kong gawin na matagal na niyang hinihiling sa akin. Agad ko siyang hinikayat patungo sa kama. Ako na mismo ang gumawa ng moves para ganahan siyang makipagtalik sa akin.




Sophia's Point of View

Nagising ako nang maramdaman kong kumikirot ang paa ko. Sa sobrang sakit hindi ko maiwasang hindi mamilipit. "Beb," tawag ko kay Darren.

Hihingi sana ako ng tulong sa kanya pero hindi siya nagigising. Napakahimbing ng tulog niya.

(12:54 am) ayan 'yong oras na nakikita ko ngayon. Higit dalawang oras pa lamang simula nang matulog kaming dalawa.

Naisipan kong lumabas ng kuwarto kasi mukhang hindi talaga siya magigising. Pumunta ako ng sala. Susubukan kong maghanap ng kahit anong ointment dito sa bahay nina Ehdrey at Zyren pero wala akong makita.

Nahalughog ko na yata 'yong mga cabinet pero wala talaga. Naupo na lamang ako sa sofa habang namimilipit. Napakasakit talaga. Nakahawak nalang ako rito.

"Sophia?"

Napalingon ako sa harapan ko nang makita ko rito si Zyren. Kalalabas niya lang galing sa kuwarto nila ni Ehdrey. Parang bagong ligo siya. Nakabathrobe pa kasi siya.

"Zy..." sambit ko nang muling kumirot ang mga paa ko. Napakasakit talaga. Napapikit pa nga ako.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya sabay lapit sa akin.

"Y-Yong paa ko kasi kumikirot. Ang sakit!" Hindi na maipinta ang mukha ko.

"Nasaan si Darren?" hanap niya. Nakita kong nag-alala siya sa akin.

"Tulog na tulog siya. 'Wag mo nang istorbohin kaya ko pa naman 'to."

Naupo siya sa harapan ko at hinawakan niya ang paa ko na siya kong kinagulat. "Z-Zy, okay lang ako." Nabigla ako sa ginawa niya. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Hayaan mong tulungan kita. Natapilok ka ba?" tanong niya. Tumango naman ako. Wala na akong nagawa pa.

"Pero baka kasi hanapin ka ni Ehdrey."

"Sandali. Hintayin mo ako rito." Hindi man lang niya pinansin 'yong sinasabi ko. Nagtungo siya ro'n sa kusina kaya sinundan ko lang siya ng tingin ngayon. May kinuha siya roon sa isang cabinet na medicine kit.

Natatanaw ko siya mula rito sa kinauupuan ko. Nang makabalik siya naupo ulit siya sa harapan ko. Binuksan niya iyong medicine kit tapos hinawakan niya ulit ang paa ko.

"Z-Zy, dahan-dahan lang. Masakit!" utas ko.

Napapikit ako at napahawak ng mariin sa balikat niya. Bahagya pa nga akong napayakap sa kanya.

Pagkadilat ko nakatitig pala siya sa akin kaya nang malaman ko ang nagawa kong pagyakap sa kanya, agad akong nagbitaw. "S-Sorry."

Napangiti siya. "Okay lang. Sige, dadahan-dahanin ko lang 'to. Konting tiis lang. Humawak ka nalang dito sa balikat ko. Kung masusuntok mo man ako okay lang din naman," pagbibiro niya kaya palihim akong natawa.

"Lagyan muna natin ng ointment, ha? Saka ko bebendahan," dusong pa niya.

Tumango ako. Napatitig ako sa kanya. "Thank you."

Matapos kong sabihin 'yon napatingin din siya sa akin. "You're welcome," nakangiti niyang sabi.

Mabilis kong nilihis ang tingin ko sa kanya at tinignan ko na ang paa kong hawak-hawak niya.

Nag-umpisa na rin niyang nilagyan ng ointment ang paa ko kaya napahawak na ako ng mariin sa balikat niya.

Konting tiis lang, Sophia.

Tiniis ko lang talaga pero sa totoo lang namimilipit na ako sa sobrang sakit. Ang sakit kasi talaga. Inabot siya ng ten minutes kakaasikaso sa akin. "Ayan, okay na," sabi niya habang nililigpit iyong mga pinaggamitan.

"Zy, thank you talaga, ha?" ani ko.

"Again, you are welcome. Kaya mo ba'ng pumunta mag-isa ro'n sa kuwarto n'yo?"

Tumango agad ako. "Oo, saka nawala na rin naman na 'yong kirot kahit papaano. Salamat ulit ha? Sige, babalik na ako sa kuwarto namin."

Tinalikuran ko na siya at kumakapit na lang ako sa mga nadadaanan kong cabinet kasi kapag dinidiinan ko ang paglalakad, masakit pa rin naman.

Pero hanggang sa nagulat nalang ako nang alalayan ako ni Zyren. Hinawakan niya ako sa bewang ko tapos kinuha niya iyong kaliwa kong kamay at nilagay niya iyon sa balikat niya.

"Zy, okay lang ako." Nagkatinginan kami.

"Para kasing hindi, e." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Nahalata niya sigurong hirap na hirap ako sa paglalakad. Wala na ulit akong nagawa kundi ang hayaan siya sa magandang hangarin niyang pagtulong sa akin.

Nagkangitian kami habang naglalakad dahan-dahan. "Nga pala, Zy, pasensiya na sa nangyari sa inyo ni Darren, ha? Ako na ang humihingi ng despensa. Nag-away kayo ni Ehdrey nang dahil sa kanya."

"Wala 'yon, Sophia. Wala na sa akin 'yon. Pero may gusto nga pala akong ipagpasalamat sa 'yo, 'yong pagtitiwala mo sa akin na sinasabi mo sa akin kagabi nung magpunta ako sa bahay n'yo ni Darren."

Napangiti ako nang maalala ko iyong tinutukoy niya. "Zy, alam ko naman kasing mahal na mahal mo si Ehdrey kaya naniniwala ako sa 'yong hinding-hindi mo siya magagawang lokohin."

Napangiti siya sa sinabi ko. "Napakasuwerte sa 'yo ni Darren."

Napatitig ako sa kanya matapos niya iyong sabihin sa akin. "Paano mo naman nasabi?"

"Napakabait mo, Sophia."

Nagkatitigan kaming dalawa matapos niya 'yong sabihin tapos napangiti ako. "Salamat Zy. Salamat na rin dahil hinatid mo ako rito sa kuwarto namin ni Darren."

Binigyan niya rin ako ng isang kaaya-ayang ngiti. "Wala 'yon. Sige na, matulog ka na. Babalik na ako sa kuwarto namin ni Ehdrey."

Tumango agad ako. "Good night."

"Good night. Sige, maiwan na kita."

"Umh..." Tumango lang ako at pinagmasdan ang likuran niya habang naglalakad palayo. Hindi ko alam kung bakit napangiti nalang ako bigla dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina. "Masuwerte rin si Ehdrey sa 'yo, Zy," nakangiti kong sabi sa hangin.




(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)Where stories live. Discover now