Kabanata 34

4K 121 3
                                    

Kabanata 34

Sophia's Point of View

Panay pa rin ang tulo ng mga luha ko matapos kong iwanan doon si Darren.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya lahat nang 'yon kanina.

Ang tanging masasabi ko lang sa sarili ko, ang tanga-tanga ko matapos kong mapakinggan ang lahat ng mga paliwanag niya pero huli na ang lahat. Huli na ang lahat para sa aming dalawa.

Hindi man lang niya ako nagawang pahalagahan. Sinira na niya ang tiwalang pagmamahal ko para sa kanya. May lamat na kaming dalawa.

Nang makapasok na ako sa loob ng private room kung saan nando'n si Zyren, bigla nalang akong napahinto nang makita ko rito si Ehdrey sa loob na umiiyak habang yakap siya. Hindi ko alam kung bakit kusa nalang din akong napaatras.

Sinarado kong muli ang pintuan at napasandal ako sa likod ng wall.

Mas lalo akong napaiyak. Napapikit na rin ako.

"Please, Chocolate, gumising ka na," bulong ko sa hangin. "Ngayon kita mas higit na kailangan. Nakikiusap ako gumising ka na."

Sandali pa akong nagtagal sa labas at kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang pumasok sa loob para harapin si Ehdrey.





Ehdrey's Point of View

"Anong ginagawa mo rito?" Kusa ko nalang nabitawan ang kamay ni Zyren nang maabutan ako ni Sophia na naririto sa loob ng private room niya.

Napatayo ako kasabay ng pagpupunas ko ng luha.

"Ah, k-kasi gusto ko lang sanang mahawakan ang asawa ko, Sophia," mahinahon kong sabi. "Matagal ko na kasi siyang h-hindi nakiki—"

"Bakit sa tingin mo ba kung magising siya ngayon gugustuhin ka niyang makita rito?" putol niya sa sasabihin ko kaya muling tumulo ang mga luha sa pisnge ko. Napayuko ako. "'Di ba hindi?" dugsong pa niya. "Kayo ang dahilan ni Darren kung bakit nangyari 'to sa kanya."

Nananatili akong nakayuko habang umiiyak sa harapan niya. Hindi ko magawang makapagsalita.

"Umalis ka na sa bahay ninyo ni Zyren," bigla niyang sabi dahilan para iangat ko ang ulo ko at gulat na mapatitig sa kanya.

"B-Bakit ko naman gagawin 'yon?" mabilis kong sagot kaya napakunot ang noo niya. "Ako ang asawa niya k-kaya mas may karapatan ako sa kanya, Sophia," lakas loob kong sabi kahit umiiyak.

Matapang naman niya akong hinarap at mataray niya akong tinitigan. Pero hindi ako magpapatinag sa kanya. Hindi ako makakapayag sa gusto niya dahil ako naman talaga ang mas may karapatan kay Zyren kaysa sa kanya.

Magkatitigan lang kaming dalawa ngayon nang bigla niya akong bigyan nang isang malakas na sampal na siya kong kinagulat.

"Lagi mong sinasabi sa akin noon na ako ang dahilan kung bakit kayo nagkalapit at nagkakilala noon ni Zyren kaya palagi mo akong pinapasalamatan hindi ba? Pero sa maniwala ka o hindi, ako rin ang magiging dahilan nang pagwasak ng relasyon n'yo at paghihiwalay ninyong dalawa."

Kusang umagos ang mga luha ko matapos kong marinig 'yon mula sa kanya. Pero hindi ito ang tamang oras para ipakita ko sa kanyang mahina ako at ipaubaya ko ang asawa ko sa kanya.

Lakas loob ko rin siyang nilapitan at binigyan ng katumbas ng pagkakasampal niya sa akin. "Hindi ko magagawa ang gusto mo, Sophia."

Sinabi ko 'yon sa kanya habang tumutulo ang luha ko.

Napangisi siya sa ginawa ko. "Kung ayaw mong umalis do'n, hindi rin naman ako makakapayag na ikaw ang mag-alaga sa kanya dahil sa bahay ko siya titira," bunyag niya. "Sa ayaw at sa gusto mo, kung gising lang si Zyren ngayon, sigurado akong lalayuan ka rin niya at sa akin siya papabor."

I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)Where stories live. Discover now