Chapter 39-The Who?

5.1K 80 19
                                    

MAHAL KITA,

MAHAL MO SYA,

MAHAL NYA IBA.

MASAKIT DI BA?

===================================================

Den's POV

Nagising ako at agad na hinanap ng mga mata ko ang unang taong gugustuhin kong araw-araw na makita bago magsimula ang araw ko.

Pero nabigo ako. Wala na sya sa higaan nya. Ang alam ko naman ay dito sya natulog kagabi kasi nag-sorry pa nga sya sa akin dahil napag-alala nila kami, nagpaliwanag pa nga sya ulit at saka nag-goodnight pa.

Saan na naman kaya nagsuot yun? Hilig talaga mag-disappear.

Tumingin ako sa orasan.

7:00 na ng umaga. May pasok ako ng 9am kaya napagdesisyunan ko na rin na bumangon at maghilamos na para bumaba at mag-almusal.

Pagkatapos kong maghilamos, bumaba na ako at dumiretso sa kusina nang may marinig akong nag-uusap mula dito kaya mas lumapit ako.

Mukha atang seryoso sila?

Nang tingnan ko kung sino ang mga ito, nagulat ako kasi si Aly pala at si Ella ang kausap nya kaya awtomatikong napabusangot ang mukha ko.

Di ko alam kung baki. Selos ba? Whatever. Oo ata. Ahm. Sige. Oo na nga. Hahaha :P

Pinakinggan ko ang usapan nila..

Aly: Ganun pala kami? Di ko ata masyadong napansin. Nakasanayan ko na kasi na ganun ako and alam ko na ganun din si Gretch at A.Ilang taon ko na rin kasing nakasanayan na maging ganun. Ito na ako, eh. Pero, Ells, naisip ko lang at sa palagay ko, kailangan ko na atang magbago at maging bukas naman sa ibang tao. Hayaan nyo, magpapakilala kami unti-unti. Ilang buwan na rin tayong magkakasama at sorry kung nahirapan kayo dahil sa amin. Hayaan nyo, we'll change.. For the better. Salamat, Ella, ha?

Aba at mukhang ang saya ni Ella sa pag-uusap nila ni Aly? Naunahan pa akong magkaroon ng alone time at masinsinang pag-uusapa kasama si Aly kaya mas lalo akong napabusangot -_______-

Ako: Sus, ano ka ba? Okay lang yun. Tsaka mahalaga ka kaya sa akin.. ay I mean, sa amin.. sa buong team. :)

Luh? At talagang walang prenong sinabi na mahalaga sa kanya si ALy. Psh >__<

Aly: Kahit na. Parang pabigat na rin kami nun. Sorry ulit, Ells. Bawi kami, pangako yan. :))

Ako: Promise talaga yan, ha?

Aly: Promise. *raise right hand*

At nagawa pa talagang magtawanan. Di man lang napansin na nandito na ako sa likuran nila at enjoy na enjoy sa pag-uusap. Di 'to pwede! Tss -________-

Ako: Oh, mukhang masaya ata kayo dyan? Ay, teka, Good morning pala.

Lumingon si Aly at Ella nang nagsalita ako mula sa likuran nila at mukhang nahalata rin nila na nakabusangot na ako, eh, ke aga-aga palang.

Nilampasan ko lang sila ni Aly at nagsalin ng kape sa tasa at saka lumabas at dumiretso sa sala. Narinig ko naman na nagsalita si Aly at tinanung si Ella kung ano ang posibleng nangyari sa akin.

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon