Chapter 31-Gretchen's

4.7K 62 14
                                    

At dahil mahal ko kayo, Readers, eto pa po isa. Hahaha :">

Enjoy Reading.

Godspeed! :)))))

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gretchen's POV

Nasa rooftop ako ng company ni Daddy dito sa New York. Actually, nakahiga ako sa gitna ng helepad.

Bakit?

Ewan. Baliw na ako.

Sa totoo lang kasi, di ko pa rin sya makalimutan.

Mag-iisang buwan na mula nung umalis ako ng Pilipinas.

Isang buwan na rin ako na ganito.

Nakatulala, laging tahimik, laging nag-iisip, nababaliw.

Naka-move on na ba ako?

Ang sagot?

Isang napakalaking..

HINDI!

Noong umalis ako sa Pilipinas, noong ni-reject nya ako, nagdesisyon ako na kakalimutan na sya at pipilitin kong magmahal ng iba.

Pero hindi ganun kadali yun.

Kasi hindi natuturuan ang puso.

Kahit gaano ko kagusto na limutin sya, kahit gaano ko kagustong magmahal ng iba, di ko talaga magawa.

Noong dumating ako dito sa NY, natuwa sila Daddy at Mommy kasi sa wakas daw, umuwi ang pinakamamahal nilang Unica hija. Pinilit kong ipakita sa kanila na okay lang ako. Na wala akong problema at nandito talaga ako dahil sa pagdalaw sa kanila.

Dinalaw ko naman talaga sila. Sobrang miss na miss ko na sina Mom and Dad. Pero ang talagang mas totoo ay hindi lang sila ang naging rason ng pag-uwi  ko.

Gusto kong lumimot.

Yan ang pinaka-dahilan.

Inisip ko na baka maghilom ang sugat sa puso ko kapag lumayo ako at wag na syang makita muna. Pero tama, naghilom nga ang sugat pero nandito pa rin yung pilat na hinding hindi na mawawala pa.

Mahal na mahal ko pa rin si Fille hanggang ngayo at nalaman na yun nila Daddy at Mommy. Wala naman silang naging pagtutol sa pagmamahal ko ng kapwa ko babae. Alam na rin ng buong angkan ko kasi nabanggit ni Daddy nung minsang magkaroon kami ng Family gathering. Lahat sila nakasuporta sa akin. Lahat sila tanggap ako. Lahat sila..

Bukod sa mismong taong minamahal ko..

Noong unang linggo dito, gabi-gabi akong nagpupunta sa Bar at naglalasing. Dami ko din nakilalang boyfriend at girlfriend material pero kahit isa sa kanila, wala man lang humigit kay Fille, kahit pumantay man lang o kahit nakarating man lang sa kalinkingan ni Fille. Natauhan naman kaagad ako sa pinaggagawak kong pag-inum at pakikipag-flirt nang minsan akong pinagsabihan ni Mommy.

Naaalala ko pa yun. Sabi nya nang isang gabi umuwi ako na lasing na lasing.

"Anak, ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Gusto mo bang masira ang buhay mo? Lulunurin mo nalang ba lagi ang sarili mo sa pag-inum? Anak, hindi ka na bata na kung saan ang sugat ay nilalagyan ng alcohol para gumaling at maghilom. Nasasaktan ako na nakikita kang nasasaktan at nagkakaganyan. Pati ang Daddy mo, sobra nang nag-aalala sayo. Kung talagang mahal mo kami, fix yourself. I know masakit pero I know din how strong you are. Mahal mo sya di ba? So, imbes na magkaganyan ka, fix yourself. Be the best of what you can be. Nandito lang kami ng Dad mo in every step that you'll make to support you and guide you kahit ilang beses ka pang madapa. Mahal na mahal ka namin at kahit anong mangyari, nandito kami para sa'yo. Kahit na iwanan at ayawan ka pa ng buong mundo."

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now