Chapter 36-Why so sweet?

4.8K 82 13
                                    

Di ko kayo matiis, eh. Eto na muna sa ngayon. Hahahaha :)))

============================================================

Aly’s POV

Nakauwi na ako sa dorm. Medyo gabi na rin. May inasikaso pa kasi ako pagkatapos kong ihatid si Bang.

Kung ano? Secret na muna. Gusto ko kasi maayos na ang lahat sa buhay ko. Nakakapagod din kasi talaga yung magulo na yung lovelife mo tapos magulo pa yung buhay mo. Buti nalang nga at maayos naman ang career ko sa volleyball, ang pag-aaral ko at ang career ko sa pagiging model/endorser. That’s the only consolation I have in my life now. Sobrang hirap mamuhay araw-araw na may mabigat na dinadala sa dibdib. Yung palaging merong bagay na bumabagabag sa pagkatao. Yung mamuhay ng napakaraming sekretong tinatago

Si Ate Kara ang nagbukas sa akin ng pinto. Wala pa daw sina Gretch at A.  Di ko alam kung nasaan yung dalawang yun.

TInanong ko rin si Ate Kara kung nasaan si Denden. Kanina pa daw umakyat at nakatulog dahil sa pagod, di pa nga daw kumakain. Gabing-gabi na kaya. Kawawa naman si Labidabs ko. Hay L

Umakyat ako sa kwarto. Nakapatay ang ilaw. Pero paspasok ko, agad kong naaninag ang magandang mukha ng babaeng sobra kong minamahal na mahimbing na natutulog. Di pa sya nakapagbihis ng damit at may sapatos pa.

Naku, Denden, masyado mo atang pinapabayaan sarili mo? Ano bang nangyari sayo? Sino ba kasi yung nanakit sayo at nagkaganyan ka?

Napansin ko kasi kanina na medyo namayat si sya. Lubog yung mga mata na tila ilang araw nang kapos sa tulog.

Nilapitan ko sya at tinanggal ko ang sapatos na suot nya. Gusto ko rin sana syang gisingin para pakainin at pagpalitin ng damit pero naaawa ako kasi parang himbing na himbing sya sa pagtulog at alam ko na kailangan nya ‘to.

Pagkatapos kong tanggalin ang sapatos nya, kinuha ko yung kumot nya at inilagay ko sa kanya.

Umupo ako malapit sa kanya at tinitigan sya.

Sobra yung pagka-miss ko sa kanya to the point na gustong gusto ko na talaga syang yakapin ng mahigpit at wag nang pakawalan pa pero pinipigilan ko lagi ang sarilli ko kasi alam ko na di pwede </3

Habang nakatitig ako sa kanya, di ko namalayan na may pumatak na palang luha mula sa aking mga mata.

Pesteng luha. Di man lang nagbigay ng abiso bago tumulo.

Ilang minute na akong nakatitig sa kanya nang mapagdesisyunan ko nang tumayo at pumasok sa banyo para maligo at makapagpalit.

Medyo pagod na rin kasi ako at alam ko na kailangan ko na magpahinga

Paglabas ko sa banyo, nilapitan ko ulit si Denden, inayos ko ang kumot nya, inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya, ipinikit ko ang aking mga mata at hinalikan sya sa noo.

Ako: Goodnight, My Love. I will always be here waiting for you even if it takes forever.

At natulog na rin ako.

Fille’s POV

Nasa kalagitnaan na ako ng kaantukan nang may naramdaman kong may pumasok sa kwarto. Tunog palang ng mga hakbang nya ay alam ko na kung sino sya..

Sya si Lotus feet T.T

Di. Joke lang po.

Si Gretchen.

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora