Chapter 30-A's

4.9K 61 2
                                    

Hi There, Readers!

Kumusta kayo? Hahaha :">

Nasobrahan na ako sa kape.

Nakaka-6 na cups ako everyday.

Adik na ako. Superb.

At dahil dyan,

Magkakape ulit ako.

Ito muna sa ngayon.

Enjoy reading :))))

Maraming-maraming salamat sa pagbabasa ng di ko maipaliwanag na kwentong ito. Hahaha :)))

Salamat sa patience.

Labyu :">

Godspeed!

=================================================================

A's POV

Isang buwan na pala ang lumipas.

Isang  buwan na nagdaan na akala ko makakalimutan ko na sya.

Naging maayos naman ang lahat sa Japan.

Gumaling si Dad at nagkaayos kami.

Nagkita na rin kami nung bestfriend ko na matagal kong iniwasan. Ang bestfriend ko. Nagkapatawaran na rin kami at nakapag-usap. Inamin ko sa kanya na yung naging dahilan ng paglayo ko.

*Flashback*

Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko, nagulat ako nang may sumalubong sa aking pagkadami-daming media man.

Lahat sila tinatanong kung bakit ba ako biglang nawala ng lampas dalawang taon at kung bakit daw ba ako nagbabalik ngayon? At kung magbabalik na daw ba ako sa pagiging teenstar at pamumunuan ang business ni Daddy ngayong may malubha syang karamdaman.

Wala akong nasabi sa kanila kundi ang tunay na dahilan ng pag-uwi ko.

Ang makasama ang Daddy at Mommy ko at ang ayusin ang nakaraan na iniwan ko at pinilit kong takasan.

Dumiretso kami sa ospital, kasama ko ngayon si Kuya Tao.

Agad-agad kong pinuntahan ang kwarto ni Daddy.

Pagpasok ko, nagulat ako sa nakita ko pero sobrang naging masaya yung puso ko.

Si Daddy, nakahiga sa kama at natutulog habang si Mommy naman, nakaupo sa tabi nya habang magkahawak sila ng kamay.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at nilapitan sila.

Napatingin sa akin si Mommy ng mga sandaling iyon at nginitian namin ang isa't isa.

Hinalikan ko si Dad sa noo, pansin ko ang pamamayat nito at ang tila paghabol ng hininga nito. Alam ko, sa mga sandaling iyon, nahihirapan sya.

Nilapitan ko si Mommy at niyakap ng mahigpit.

Mom: I missed you so much, Anak. *habang naka-hug pa rin sa akin*

Ako: I missed you too, Mom. Kayo ni Dad. And I'm sorry, I really am.

Mom: Kalimutan mo na yun, Anak. Ang mahalaga ngayon ay nandito ka na.

Sakto naman na nagising si Dad at nakatingin sa amin ni Mommy. Tila automatic yung sumilay na ngiti sa kanyang maputlang mga labi. Inilahad nya ang dalawang kamay nya sa akin na nagpapahiwatig ng isang yakap kaya agad akong lumapit sa kanya para yakapi sya, di nga lang mahigpit kasi baka di sya makahinga.

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα