Chapter 27-Lost

4.9K 68 17
                                    

Kara's POV

Ella: Nasan na ba si Aly? Kanina pa sya nawawala.

Halatang alalang-ala si Ella kay Aly. Tawagan nyo nga.

Jem: Baka kung ano nang nangyari dun. 

Dumating naman si Marge na hingal na hingal at halatang galing sa pagtakbo.

Nandito kami ngayon sa may sala ng bahay na inarkila ng team.

Marge: Coach, guys, nakita nyo ba si Ate Gretch? Kanina ko pa sya hinahanap.

Hala! Pati si Gretchen nawawala rin?

Tapos biglang umiksena si Bea.

Bea: Guys, pati si A. Kanina ko pa rin sya hinahanap kasi may itatanong sana ako sa kanya.

Coach Charo: Nasaan na kaya yung mga yun? Ano bang nangyari sa kanila? Gabing gabi na ah?

Nag-aalala na ang buong team sa kanila.

Napansin ko naman na tulirong naka-upo sina Den, Fille at Dzi sa isang tabi. Hindi sila nagsasalita.

Hindi kaya tama ang iniisip ko?

Wag naman sana. Problema ito.

Saan nanaman kaya nagsuot yung tatlong yun? Kinakabahan na ako.

Kara: Coach, guys, maghiwa-hiwalay tayo. Hanapin na natin sila. Gabing-gabi na. Baka kung ano nang nangyari sa kanila.

CC: Oo, mabuti pa nga hanapin na natin sila. Tara na, guys.

Sana makita na namin sila.

Dali dali kaming lumabas at naghanap sa paligid.

Sinuyod na rin namin ang tabing-dagat pero walang kahit ano mang bakas ni Aly, Gretch o A.

Wala kaming nakita.

Kahit isa sa kanila.

Umuulan pa rin kaya grabe ang pag-aalala namin sa kanila.

Sina Den, Fille at Dzi ay halatang tuliro at di mapakali.

Biglang napukaw ang atensyon namin nang biglang sumigaw si Jirah.

Jirah: GUYS, HALIKA KAYO!!!

Kumaripas naman kami ng takbo para tingnan kung ano man ang dahilan ng pagsigaw nito.

Kara: Ano ba yun, jih?

Jirah: Di ba kay Aly itong phone at tsinelas?

Ella: Oo nga. Sht. Asan ba si Aly?! Nasan na ba kasi sila?!

Nagulat kaming lahat kay Ella.

Tumatakbo namang lumapit sa amin si Marge mula sa kabilang dako ng beach.

pansin ko lang, lagi nalang itong tumatakbo.

Ganun din si Bea na humihingal.

Marge: Ate Kara, may nakuha kaming gamit ni Ate Gretch sa may batuhan. Yung phone at jacket nya.

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now