Tune up-Turned up Part II

4.3K 89 48
                                    

Third Person's POV

Pagpasok nila ng BEG, maraming estudyante at taga labas ang nandoon para mapanood ang larong magaganap. Bibihirang pagkakataon din kasi ang mapagsama-sama ang mga manlalaro mula sa iba't ibang unibersidad.

Umingay ang mga fans at supporters ng ALE nang makita nilang papasok na ng gym ang mga ito. Nauna naman sa loob ang makakatunggali nilang koponan.

Tulad ng inaasahan at alam ng mga Dudes, kilala na nga nila ang makakatapat nila sa Friendly Game slash Tune-up Game na ito na ikinatuwa nila. Kaya naman awtomatikong pumorma ang ngiti sa kanilang mga labi at binati ang mga ito.

Pero mukhang taliwas naman ito sa nararamdaman ng Bebes na awtomatiko namang napabusangot at simangot ang mga mukha nang masilayan ang mga pamilyar na mga mukha na kabilang sa koponang makakalaban nila sa umagang iyon.

Biglang may lumapit kay Dennise na isang istudyante na mula sa La Salle para bigyan ito ng suporta. Hindi ito napansin ni Aly na noon ay kausap ni Bang at Rad na napupuluputan ng braso ng mga ito.

Kay Fille naman ay may kapwa Atenista na lumapit at nagbigay ng bulaklak. Hindi rin ito napansin ni Gretch na abala sa pagtanggal ng pagkakayakap ni Michele at Cha Cruz na parang ayaw na syang bitiwan.

Habang si A naman ay pilit na inilalayo ang katawan nya kay Pam kaya naman di nya  napansin ang kausap na lalaki ni Dzi at tila ayaw nang tanggalan ito nang tingin.

Sina Mika, Kim, Jessey at Tricia ay pinagtatawanan lamang ang mga kaibigan dahil sa kalokohang ginagawa at di alintana ang mga tao sa paligid.

Ang ALE naman ay natatawang nakatunganga sa mga ito at may pailing-iling pa ng ulong nalalaman.


Nang sa wakas ay nakawala na ang Dudes sa mga nakapulupot sa kanila, lumapit kay Gretchen si Marge at binulungan ito.

Marge: Tumingin ka sa likod mo. May magandang tanawin. Siguradong ikakatuwa mo.

Humarap naman si Gretchen sa likod nya at napansin ito nina Aly at A kaya naman napasunod din ang mga ito, ganun din ang mga taga ibang koponan.

Kung kanina, ang Bebes lang ang busangot ang mga mukha ay ngayon naman, hindi na rin maipinta ang mukha ng tatlong babaeng nakatingin sa minamahal nilang may kausap na tatlong asungot na lalaking mukhang ewan.



Mae: Mukha atang nabaliktad ang mga pangyayari.

Jem: Oo nga, eh. Kani-kanina lang, sila yung di maipinta ang mga pagmumukha. Ngayon ---

ALE and others except Dudes: HAHAHAHAHAHAHAHA :">

Bang: Wag nyo pagtawanan, pagnabadtrip lalo yang tatlong yan, tayo ang lagot mamaya.

Jessey: Oo nga. Mukhang dragon mode on na ang tatlong 'to.

Kim: Epic faces, Dudes.

All except Dudes: BWHAHAHAHAHAHAHAHA :D

Coach Cha: Tama na nga yan. Girls, balik na kayo sa kanya-kanyang side nyo. Magsisimula na tayo.

Nagkanya-kanya namang punta sa lugar nila ang dalawang teams. Habang di pa rin maipinta ang mga mukha nina Aly, A at Gretch. Lumapit na rin sina Den, Dzi at Fille sa team matapos magpaalam sa tatlong asungot na mukhang ewan.

Magsisimula na ang game pero walang imik lang na nakaupo ang Dudes at Bebes na di naman nakatakas sa paningin ng ALE. Walang anu-ano ay nagsalita si Mae mula sa kawalan at sinadyang iparinig ito sa tatlong pares.

Mae: Bakit ba naman kasi sa isang love story di nawawalan ng epal?

Marge: Anong epal ba ang pinagsasasabi mo? Ang sabihin mo MGA epal.

Jirah: Nagtaka pa kayo. Malamang naman kasi walang thrill ang love story kung walang papapel at manggugulo,  diba?

Jem: Tama si Baby Jih. Nasa kanila nalang yan kung papaapekto sila or ipaglalaban nila yung pagmamahal nila despite of the epals hanging freely around..

Ella: Oo nga.. And pagsubok lang yan. Dyan masusubukan kung gaano talaga katatag ang pagmamahal nila or kung mahal ba talaga nila o nadadala lang sila ng sitwasyon.

Kim: aba, Ate Ella, may pinagdadaanan ka ba?

Ella: Wala naman. Totoo naman diba?

Kara: Tama kayo. Kasi kung talagang totoong nagmamahalan ang dalawang tao, malalampasan nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila kahit gaano man yan kaliit o kalaki at sa bandang huli masaya pa rin silang magkasama.

Sumang-ayun naman ang lahat sa sinabi ni Kara. Di nila napansin na nakikinig sa kanila si Charo na akala nila'y kausap ang referee a gaganapin na laro.

Charo: Kayo nga ay magtapat saken, may mga pinagdadaanan ba kayo?

Kanya kanya namang iling ang ALE. Kahit ang Dudes at Bebes ay naki-iling na rin sa kanila.

Charo: Kung makapagsalita kasi kayo dyan ang lalalim ha? Muntik na nga akong malunod. Osya, maghanda na kayo at magsisimula na.



-------

Someone's POV

Nandito kami sa BEG ngayon. Kasama ako sa pinaghalo-halong players para makabuo ng team at ipanglalaban sa ALE.

Nakikita ko ngayon ang taong mahal ko. Tama, ang taong mahal ko. Pero di ko pa rin matukoy kung sino ba ang tinutukoy ni Tanda na taong mahal nya. Wala kasi akong makitang sign na sya na yun o kung sino ba talaga.


Tahimik lang syang nakaupo katabi ang mga kaibigan at teammates nya.

Ngunit hindi  lang ito ang gumugulo sa isip ko.. Iniisip ko rin kung ano ba ang dapat na maging hakbang ko.

Susunod ba ako o ititigil ko ang kabaliwan na ito ng Matanda na iyon?

Alam ko ang magiging kapalit kung sakaling susuway ako pero.. Alam ko din kung ano ang magiging kapalit kung gagawin ko ito..

Isa pa, base sa mga nakalap kong impormasyon, hindi pa naman nila itinutuloy ang pinaplano nilang hakbang at may ilang araw pa naman silang natitira bago ang itinakdang araw ng Gurang na yun.


Sa ngayon, wala muna akong gagawing hakbang habang pinipilit kong timbangin ang mga bagay-bagay. Magmamasid muna ako sa paligid at sa mga kilos ng mga taong kailangan kong pagtuunan ng pansin. Hindi basta-basta ang mga nakatakdang mangyari, hindi madali ang gustong ipagawa ni Tanda. Isa pa, mali. Maling mali. Kaya wala na akong mahihiling ngayon kundi sana.. Sana, pag-isipan muna nila kung ano ba talaga ang gusto nilang mangyari at kung ano ang kailangan nilang gawin.. Dahil sa totoo lang, hindi lang buhay nila ang malalagay sa panganib.. Kundi pati na rin ang buhay ng mga taong mahalaga sa kanila.. Ang mga taong mahal nila.




Third Person's POV

Natapos ang laro kahit kahit aminadong hirap, nanalo ang ALE after 5 sets. Hindi naman kasi pwedeng itanggi na magagaling talaga ang nasa kabilang koponan. Sino ba naman ang hindi mahihirapan kung ang makakatapat mong team ay binubuo ng Mika Reyes, Ara Galang, Kim Fajardo, Bang Pineda, Rachel Anne Daquis, Michelle Gumabao, Dindin Santiago, Pam Lastimosa, Jessey De Leon, at Tricia Santos?

Hindi maipagkakaila at talagang mababakas ang determinasyon sa bawat manlalaro sa loob ng court. Walang gustong magpatalo. Tila isa itong championship game.. hindi, higit pa sa isangchampionship game kung tutuusin ang kinalabasan ng laban. Lahat bigay na bigay. At hindi rin nabigo ang mga nanuod sa nasaksihan nila kaya naman mas lalo pa silang humanga sa ipinamalas na galing ng dalawang koponan.. Halos pigil hininga ang mga manunuod sa mga kaganapan.

Paano ba naman hindi mananalo ang ALE, eh, naka-beast mode ata ang anim na manlalaro na kanina lang ay gigil na gigil ang paghampas at pagpalo ng bola.. At sa bawat pagpalo ay tila gusto nang bumaon ng bola sa sahig o di naman kaya ay mawalan na ng hangin dahil sa pagkabutas.. Kawawang Mikasa.. Napagdiskitahan.. Tsk..

Sa buong laro, gigil na gigil ang Dudes at Bebes sa bawat palo na papakawalan nila. Nahihirapan man, natatawa nalang ang kabilang team sa inasal ng mga ito at pati na rin ang ALE. Alam kasi nila ang ipinagngingitngit ng kalooban ng mga ito. At hindi rin nagpapansinan ang mga ito hanggang matapos ang laro kaya medyo hirap silang gumawa ng play dahil. Buti nalang naitawid nila ito with flying colors pa.

.

.

.

.

.

.

.

.

================

So, Guys. Hanggang dyan lang muna. Nangangapa pa ako ehh. Di ko pa alam kung papano ulit ako magsusulat. Siguro sa susunod na update maayos na.

Thank you for patiently waiting.

Thank you din sa mga patuloy na nagbabasa.. sa mga walang sawang sumusuporta.. kahit na medyo matagal din bago ko naisip sundan yung last chapter.

Since, medyo okay na man na ako at nagiging normal na ulit yung takbo ng buhay ko (though merong nawawalang parte na di ko alam kung ano), might as well bumalik na rin ako sa mga bagay na nakasanayan ko at sa mga bagay na ginagawa ko bago pa mangyari ang lahat ng nangyari kahit dahan-dahan lang muna.

Na-miss ko kayong lahat.

Bawi nalang ako next update.

GODSPEED! :))

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Apr 04, 2015 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu