Chapter 25-Fears

5.1K 56 6
                                    

Belated HAPPY BIRTHDAY, KIWI!!!

Heartstrong! :) 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Jirah's POV

Nandito kami ngayon ng team sa Gota Beach sa Caramoan Island. Last stop na namin ito bago bumalik sa Manila. Marami na rin kami napuntahay like the Mayon Volcano in Albay and the Misibis Bay. May natitira pa naman kaming 2days sa bakasyon namin. Susulitin na namin 'to kasi siguradong dikdikan nanaman kasi sa training pagkatapos nito.

Naka-upo ako sa buhanginan habang pinagmamasdan ko mga teammates ko na nagtatampisaw sa dagat. Nakaka-relax din talaga dito. Parang Bora lang. White sand at malinaw na tubig.

Sina Ate Gretch, Ate A at Aly, meron nanamang sariling mundo. Wala atang balak maligo. Sabagay, bawal nga pala si Aly maligo dahil sa "no physical activities thingy" na yun. Pero pati maligo sa dagat, bawal? Ano ba talagang meron? Minsan naghihinala na ako sa kanila kung ano ba talagang nangyayari sa kanila. Gusto ko na ring tanungin si Baby Marge kasi alam ko na may alam sya. Open naman kami ng Baby ko sa isa't isa pero alam ko kasi na seryosong usapan yun at nagtitiwala naman ako sa Baby ko kaya di ko nalang sya tinatanong. Mag-o-open naman yun pag alam ko na pwede.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang may nag backhug sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Nilingon ko sya at nginitian.

Marge: Hi, Baby. Wala ka bang planong maligo? (habang naka-backhug saken)

Jirah: Hm. Mamaya-maya na siguro, Baby. Ikaw? Ligo ka na dun.

Marge: Ayaw ko, Baby. Iitim ako. Hehe

Jirah: Hahahaha nag-sunblock ka naman di ba?

Marge: Oo nga pero ee basta ayaw ko. Haha

Jirah: Gutom ka nanaman, noh?

Marge: Hindi uy. Gusto lang kita makasama.

Ki-niss nya ako sa cheeks na naging sanhi para mamula ako.

Marge: Uy. Si baby ko. Namumula. Kinikilig. Hihihi :))

Jirah: Uy. Hindi aa. Kapal. Hahaha

Sumingit si Ella sa usapan.

Ella: Hindi daw. Hahaha namumula ka eh. Sweet nyo. Sami langgam. 

MaRah: INGGIT KA LANG! HAHAHAHA

Ella: DI ah. Bakit naman ako maiinggit? (habang kumakain)

Marge: Penge ako! Daya mo, ikaw lang kumakain. Tss

Ella: Ayaw ko nga. Yan nalang si Jirah kainin mo. Bwahahahaha ^_^

MaRah: ELLA!!!! -______-

Ella: Peace yooow! ^_^v

Marge: Hahaha ewan ko nga sayo, Ella. Lumot na utak mo. Wag ganun. Bad yan.\

Ella: Minsan lang naman eh. Hahaha

Matanung nga si Ella tungkol dun sa Videoke session namin nung nakaraan. Naiintriga pa rin ako eh. Hahaha Weird kasi mga kilos nito ngayon. Totoo kaya yung hinala namin 'bout dun sa pinapatamaan nya ng kanta?

Jirah: Ella, inlove ka ba?

Ella: (nagulat) Di ah. Saan mo naman napulot yan?

Marge: Sa mga mata mo. Hahaha

Ella: Hala? Di talaga. Swear.

Jirah: Totoo? Hindi? Wag ka magsinungaling. Iba ang sinasabi ng mga mata mo kaysa sa lumalabas sa bibig mo. Ella, yung totoo? Alam mo naman na mapagkakatiwalaan mo kami ni Baby Marge, di ba?

Ella: Alam ko naman yun. Pero di pa ako handang umamin ngayon. Darating din tayo dyan. Sa takdang panahon :">

Wala naman kaming magawa kundi respetuhin ang desisyon ni Ella na sarilihin muna ang nararamdaman nya. Ipinangako nalang namin sa kanya na nandito lang kami kapag kailangan nya ng tulong.

Gretchen's POV

Nag-uusap kaming tatlo kung papano namin sisimulan ang pagbabagong gusto namin. Atat na rin kasi kaming manligaw dun sa tatlo. Aminin man namin yun o hindi. Tinamaan na talaga kami. Galing nga ni Kuido, sakto sa puso. Hahaha

Grabe maka-plano itong si Aly. Sisimulan na daw niya yung panliligaw kay Denden. Agad-agad. Hahaha Lakas din fighting spirit eh. Pero elibs ako kay Aly kasi makikita mo talagang desidido at seryoso na sya kay Den.

Tanda ko noong una kong makilala si Aly sa UD World. Ibang-iba sa Aly na kilala ko ngayon.

Yung Aly noon, takot sa lahat ng bagay lalo na sa pagmamahal.

Oo, alam ko nangyari sa kanya noon pa man. Ang totoo kasi nyan, ako may pakana nung paglapit ni Marco sa kanya. Kilala ko na si Aly noon pa. Racer kami nung mga bata pa kami. Magaling sya, sya nga lagi kong kalaban noon tuwing may match. Pero di nya ata ako natatandaan. Pero alam na rin nya ngayon yun.

Noong sumali si Aly, nasa bar kami. Hindi totoong wala ako. Nandun ako the whole time. Pati nung nangarera na sila. Nakilala ko sya noong umorder ako ng shot sa barista. Nakita ko sya umiiyakl noon at dahil nga gago ako, sinamantala ko ang pagkakataon para maipasok sya sa grupo namin. Asset kasi sya talaga.

Noong try-outs namin sa volleyball, napangiti ako kasi players din pala sila. At di lang basta players, magagaling pa. Nakilala ko sila pero di nila ako nakilala. Madalas kasi kapag sumasama ako sa kanila, tinatago ko ang mukha ko. Madalas, naka-helmet ako o naka-sumbrero at natatakpan ang ibabang bahagi ng mukha.

Kilala din ni A si Aly pero nagmaang-maangan din sya na walang alam. In short, kilala na namin ni A si Aly pero di kami kilala ni Aly at di din ako kilala ni A.

Noong unang linggo namin sa dorm, nasabi ko na yun sa kanya at kay A. Naintindihan naman ako ni Aly, humingi ako ng tawad at napatawad nya naman ako. Pinangako ko sa sarili ko na puprotektahan ko sila ni A.

Ako ang pinakamatagal sa aming tatlo sa mundong pinasok namin. Alam ko lahat ng pasikot-sikot sa organisasyon. Natatakot ako sa maaring kahantungan ng pagkalas namin. Alam ko na hindi magiging madali ang lahat. Natatakot ako para sa kanilang dalawa. Natatakot ako sa mga bagay na pwedeng mangyari. Natatakot ako para sa mga buhay namin.

Pero kailangan ko manindigan para sa kanila. Di ko sila papabayaan. Handa ako ibuwis sarili kong buhay para sa kanila. Mahal na mahal ko silang dalawa. Para ko na silang kapatid kaya di ako papayag na tuluyang masira buhay at mga pangarap nila dahil sa mga kagaguhang ito.

Gagawin ko lahat. Pangako yan.

===========================================================================

Sabaw! Hahahaha

Sorry, Readers.

Depressed pa din ako eh. Hai -_-

Bawi next UD :)

Godspeed!

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now