003

355K 5.6K 591
                                    

Chapter 3 Mrs. Cuizon

Nicole's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Jewille. May plano kami para kila Jewille at William.

Yung plano kasi namin, pupuyatin namin sila William at Jewille. Knowing them, hindi sila mahilig mag puyat. Atsaka, mag katabi sila tapos pag inantok na sila, dahil nga sa mag katabi sila, masasandal yung ulo ni Jewille sa balikat ni William at si William naman masasandal yung ulo nya sa ulo ni Jewille na nakapatong sa balikat nya. Then, boom! Kukuhanan namin ng picture! Tapos ipapakalat namin sa buong campus! Perfect! Bakit ba namin 'to gaawin? Para ipamukha sa lahat na taken na si William!

Nasabi na din namin 'to sa iba, nung nasa school palang kami.

"Tulog na tayo! 1 am na oh!" Sabi ni Jewille pero hindi lang kami nag salita at nag play ulit si Harley ng panibagong movie.

Nakita naman namin na inaantok na si Jewille. Kaya automatic na nag katinginan kami. At 'yun nga ang nangyari! Bumagsak muna si Jewille sa unan na hawak nya. Kaya napatingin naman si William. Nakatutok lang yung mga mata namin sa TV pero nakikita namin sa gilid ng mata namin na nailagay na ni William yung ulo ni Jewille sa balikat nya. Mukhang gagana ang pllano!

Ilang minutes lang at nakatulog na din si William. Tapos nagkatinginan kami at tinanggal nanamin yung nakaplay na Movie. Tapos kinuha namin yung sari-sarili naming camera. At nipicturan namin sila sa kahit anong anggulo.

Perfect! Naka ilang shots din kami bago namin maisipang itigil na yung pag picture.

"Ang cute talaga nilang dalawa! Hahaha! Magugulat nalang yang mga yan sa Monday!" Sabi ko.

Nag tawanan naman din sila.

"Matulog na tayo. Kunwari nakatulog tayong naka upo, okay?" Dagdag ko pa.

Nag thumbs up at okay naman sila. Kaya ayun naman ang ginawa namin. Bahala na si Batman kapag sumakit ang aming Katawan.

Kinabukasan....

Jewille's POV

Naalimpungatan ako nung may tumama na maliwanag sa mukha ko.

Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko at nagulat ako ng nakasandal sa balikat ko si monster.

Napatayo ako dahilan ng pagkahulog ni monster sa pagkakasandal nya sa balikat ko, "Ohmygod! Bakit kita katabi?!" Sigaw ko.

Unti-unti naman silang nagising.

"Mag ligpit na kayo dyan ng mga kalat! Maliligo lang ako. 'Tsaka maligo na din kayo. Nandoon naman yung iba nyong damit sa guest room. Mall tayo pagkatapos natin kumain, para makapag bonding naman tayo!" Sabi ko sakanila na nakatunganga at mukhang inaantok pa. Anong oras kaya 'tong mga 'to natulog?

May mga damit sila sa guest room. Minsan kasi natutulog sila dito ng ilang araw, kaya nung isang linggo, nag dala sila ng mga damit nila.

Umakyat na ako sa taas at pumasok na sa kwarto ko para maligo, syempre.

Nagbabad ako sa bathtub. Ah, ang sarap sa pakiramdam.

Pagkatapos kong maligo, nag suot ako ng red dress na above the knee tapos nag doll shoes lang ako. Matangkad naman na ako, kaya hindi na ako mag he-heels. Nag he-heels naman pero minsan lang.

Tapos nung pag baba ko nandoon na lahat sila sa dining table, nakaligo na din sila. Ang bibilis naman nila maligo or matagal lang talaga ako maligo? Haha! 'Di ko alam!

Umupo na ako dun sa tabi ni Nicole.

"Ang tagal mo maligo ah! Halos isang oras!" sabi ni Nicole.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon