Makalipas ang ilang araw ay naging abala ako sa trabaho dahil unti-unti ng nalulugi ang kompanya ni Mr. Lagatuz. Kaya kung saan siya pumupunta ay lagi akong sumasama. At minsan ako na lang ang nakikipag meeting sa iba.

Pagkatapos nang trabaho ko ay niligpit ko na ang mga gamit ko at agad na nagpaalam kay Mr. Lagatuz. Pagkaraan ay naglakad na ako palabas ng building at habang naghihintay ako ng masasakyan na jeep ay may biglang huminto na isang itim na kotse sa harap ko kaya napaatras ako nang kaunti. Bumukas ang bintana ng driver seat at nakita ko roon ang driver.

"Ma'am, pinapahatid po kayo ni Mr. Lagatuz." Kumunot ang noo ko dahil wala namang sinabi si Mr. Lagatuz kanina nang magpaalam ako.

"Ay huwag na po, manong." Sagot ko at maglalakad na sana nang magsalita siya ulit.

"Ma'am, baka po kasi pagagalitan kami ni Mr. Lagatuz kapag hindi kayo sumakay." Pagmamakaawa niya. Wala akong nagawa kung hindi ang sumakay na lang.  Ang nakakapagtaka pa dahil may dalawa pang lalaki sa likod. Pinagbuksan ako ng isa ng pinto sa likod kaya napapagitnaan ako ng dalawa. Bakit naka itim silang tatlo? Mga tauhan ba talaga 'to ni Mr. Lagatuz? Pati kasi ang driver ay iba na rin at hindi ko kilala.  Kahit na nagtataka ay tumahimik na lang ako. Ngunit napatingin ako sa driver na may hawak na panyo at may inilagay  siya sa harap ng nilalabasan ng aircon. At sabay-sabay silang lahat nagtakip ng kanilang mga  ilong. Magpupumiglas sana ako ngunit huli na ang lahat. Unti-unti na akong nanghina at nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Parang naaalala ko kung kaninong kwarto ito. Kulay puti at itim ang kulay ng kwarto. At alam ko na agad kong nasaan ako. Agad kong naalala ang nangyari sa akin kanina sa sasakyan. Bumangon ako at saktong nagbukas ang pinto at pumasok si Harvey.

"Good evening, love. " Sinamaan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa aking tabi kaya umusod ako palayo sa kanya.

"Ano na naman ito, Harvey?" Naiinis kong tanong sa kanya. Ginawa niya na naman kung paano niya ako nakuha noon.

"I'm sorry, but I really miss you, love." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Nababaliw ka na, Harvey. Isusumbong na talaga kita sa mga pulis." Pananakot ko.

"Kaya mo ba?" Tanong niya.

"Oo. Gagawin ko talaga." Sagot ko.

"Are you hungry?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Uuwi na ako." Sabi ko at akmang tatayo na nang hawakan niya ang kamay ko na ikinatigil ko sa pagtayo.

"Please, stay." Aniya.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko upang matapos na itong kalokohan niya.

"You. I need you." Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.


"Ano bang kailangan mo sa 'kin?" Tanong ko.

"Just for tonight. I need you, Abby, darating ang parents ko galing America. At kailangang may ihaharap akong babae sa kanila bilang girlfriend ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay hindi pa rin siya nag-aasawa? Wala pa rin siyang pamilya.

"Marami namang iba riyan na pwede mong gawing girlfriend." Sagot ko. Kahit nga siguro gawij niyang asawa ay hindi tatanggi ang mga 'yon.

"But I want you, love." Mabilis niyang sagot.

"Pero ayaw ko, Harvey. At kahit kailan ay ayaw ko." Matigas kong sabi.

"Kahit ba ang kapalit nito ay ang muling pagbangon ng kompanya ni Mr. Lagatuz?" Tanong niya.

"Paano mo nalaman ang tungkol diyan?" Nagtataka kong tanong.

"Sa akin siya humihiram ng pera, love. At alam kong sa akin pa rin siya lalapit kapag tuluyan ng bumagsak ang kompanya niya." Saad niya. Ibig sabihin kilalang-kilala nila ang isa't isa.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now