MFALC Chapter 4: Baby

En başından başla
                                    

"Sigurado ka, Babe?" tanong kong muli sa asawa ko, aba mahirap na baka napipilitan lang ang isang ito dahil alam ko naman na busy si Tyron sa company dahil may mga bagong investors sila roon, kaya kailangan magpa-impress.

"Yes Babe," saka ako muling hinalikan sa labi. "Bukas na bukas din alis na agad tayo." nakangiti niyang usal sa akin.

Nakangiti akong tumango kay Babe saka muling isinandal ang likod ko sa dibdib nito. Tahimik kaming bumabad ni Tyron sa tub, hanggang sa namalayan ko na lang na gumala na ang mga kamay nito papunta sa tuktok ng dibdib ko na may bula.

"Babe, not now." ani ko rito saka hinawi ang mapaglaro nitong kamay.

Naramdaman ko na lang ang mainit na hininga nito sa tenga ko sabay sabi nang, "Babe, sundan na natin si Tyarra." bulong nito sa akin na nagpalaki naman nang husto ng mga mata ko.

"Tyron!" hindi makapaniwala kong singhal dito.

"W-what?" patay malisya na usal nito, na parang simpleng bagay lang ang hinihiling niya.

"Anong what?!" histerikal kong utas sa kanya saka mabilis na tumayo sa bathtub. "Puro ka kalokohan, ang liit-liit pa ni Tyarra gusto mo nang sundan!" inis kong sambit dito habang pinupunasan nang tuwalya ang mga bula sa buong katawan ko.

"B-babe..." natatawa nitong wika saka hinawakan ang kamay ko. "Sorry na po, hindi na mauulit." hingi nito nang pasensya na ikinairap ko naman sa kawalan.

"Babe..." ani ko rito saka bumuntong hininga. "Kakatatlong-taon pa lang ni Tyarra, ano na naman pumasok sa isip mo bakit ka humihiling ng kasunod?" kunot noo ko sa kanya, na halos mag-isang linya na ang mga kilay ko sa sobrang kainisan.

"Okay, I'm sorry..." malungkot na usal nito kaya napailing na lang ako saka inalis ang kamay nito sa pulsuhan ko. "Hey Babe, balik ka na rito."

"Sige na tuloy mo na 'yan, nawalan na ako ng gana." matamlay kong wika sa kanya saka naglakad palabas ng banyo, hindi ko na alintana ang hubad kong katawan. Wala na rin naman akong maitatago kay Tyron dahil nakita na niya ang bawat kasulok-sulukan ng katawan ko.



*****


"Talaga Naynay, pupunta po tayo sa Three Ty's Resort?" nagniningning ang mga matang sambit nang anak kong si Tyler habang binibihisan ito ni Mia.

"Yes Anak, kaya ayusin mo na ang mga gamit mo dahil aalis na tayo in 30mins." ani ko rito habang abala sa pagbibihis ng anak kong si Tyarra.

"Naynay..." napalingon naman ako nang tawagin ako ni Reese sa may bukana ng pintuan. Sumisenyas ito na puntahan ko siya dahil sa mustra ng kanyang kamay.

"Bakit Anak?" saad ko sa kanya nang makalapit ako sa kinatatayuan nito.

"Red days ko po ngayon." nahihiya nitong bulong sa akin at alam ko na ang ibig niyang sabihin na Red days. Ganyan ang tawag ni Reese sa buwanang dalaw niya kaya naman nginitian ko na lang ito.

"It's okay princess, pwede ka namang hindi magswimming sa Resort." ani ko sa dalaga kong anak saka tinap ang ulo nito.

Walang ganang tumango naman ito saka pumasok na rin sa kanyang kwarto.

Ilang oras ang aming ibiniyahe at sa wakas ay nakarating din kami sa Three Ty's Resort. Itong resort at ang Bake Shop ay pinangalanan na naming Three Ty's para na rin sa aming mga anak.

My First and Last Crush ✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin