Mint Academy ▒ Chapter seventy eight

Start from the beginning
                                    

Kiss on the forehead is much more sweeter than kiss on the lips.

Agad ko na rin naman inalis ang ngiti ko nang marinig ko ang ingay na pababa sa hagdan, aba naman syempre baka mamaya maasar pa nila ako at matawag na baliw dahil sa ngumingiti ako mag isa.

Baka ginising na din ni Marvin ang mga natutulog dahil oo nga naman marami pa kaming kailangan gawin specially para kay Kassey at kay Jullia dahil sa ganitong klaseng gawain silang dalawa ang maaasahan namin.

"Kaasar ka naman kuya eh ang ganda ng panaginip ko eh!"

"Hindi na baleng masira yang panaginip mo wag lang maghintay ang taong mahal ko."

Napanganga naman ako. Literal. Halos lahat kami nakatingin sa kanya at sya parang wala lang. Agad din naman nabaling ang tingin namin sa likod nila nang may magsalita.

"Oh akala ko ba kakain na bakit nanjan pa kayo?" Taas kilay na tanong sa amin ni Yana.

"Okay ka na ba yanyan?" Tanong ni Min at nag nod naman si Yana.

"Medyo medyo." Sabi nya at nag nod naman kami.

Tahimik lang naman kaming kumain at walang may gustong mag ingay, bakit nga ba kasi mag iingay kung masarap ba naman kasi ang ulam eh. At itong si Yana parang walang sakit dahil promise ang takaw takaw nya ngayon yung tipong parang isang linggo di nakakain.

"Oh anong tinitingin tingin nyo?" Aba ang babaeng to ngayon nya lang napansin na nakatingin kami sa kanya "Masarap ang ulam mahirap na maubusan."

"Marami talaga yan Yanyan." Sabi naman ni Jullia at nagkibit balikat si Yana bago magsalita.

"Marami nga eh ang nangyari sa akin kanina feeling ko lahat ng lakas ko nawala and thanks for the antidote guys dahil bumalik ang gana ko sa pagkain."

"Bakit wala ka bang gana kanina?" Tanong naman ni Kassey.

"She's scared to eat." Agad na sabat ni Henry "And stop interrupting her when she's eating."

Napairap naman kaming girls kay Henry maliban kay Yana na ngiting ngiti. OA much? Grabe naman. Mahina naman akong matawa habang naiiling na kumain.

Habang nakain kami ay may nag doorbell at agad din naman akong tumayo nahiya naman kasi ako sa mga kaibigan ko na sobrang sarap na sarap sa luto ko. I sigh.

"Sino yan?" Tanong ko habang papalapit. Mahirap na baka mapahamak pa.

"So ate Rohe mo to, Kesh."

Napakunot naman ako nang makaramdam ako nang kakaiba. Parang may sekreto na hindi pwede mabunyag. Binuksan ko ang pinto at hinayaan ko ang kapangyarihan ko na pakiramdaman ang nararamdaman ni ate Rohe.

Sorry ate kung mawawalan ka man ng privacy ngayon pero kasi kailangan ko talaga mag ingat ngayon.

"Bakit po?"

"Nanjan ba si Karl? I just want to say sorry dahil sa nangyari noong isang araw I didn't mean to offend any of your friends and also you." I smiles.

Hindi ko alam kung papaniwalaam ko sya o hindi. Half of her feelings said that she's sincere and yet of it are not.

And also bakit kay kuya sya magsosorry at hindi sa akin? Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sorry ate pero umalis po si kuya may pupuntahan daw po sya at kahapon pa din po sya di nauwi." Half lies.

Pinakiramdaman ko maigi ang pakiramdam ni ate Rohe at naramdaman ko na may alam sya at pinigilan lo ang sarili ko na mapakunot ng noo.

"Ah ganun ba. Eh sila tito nanjan ba?" Umiling din naman ako "Saan nagpunta?"

"Nagbakasyon po sila."

Ramdam ko ang pangungutya nya sakin deep down in her heart. Yung tipong kung ilalabas nya lang sa bibig nya baka sinabi nyang matalino ka ba talaga bakit parang ang bobo mo?

"Ah ganun ba... "

"Kesh." Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko Marvin ramdam ko rin na napatingin din si ate Rohe sa kanya "Kumain ka muna ng maayos baka maubusan ka nila." Nag nod naman ako saka sya umalis ulit.

"Boyfriend mo?" Nag nod naman ako at ngumiti sya ng nakakaloko, ngiting nakita ko na "Well you pick a nice and handsome man. See yah." And she winked at me.

She reminds me of someone.

***

After namin kumain ay kaagad din naman kaming nagsibalik sa kanya kanya naming trabaho pagkatapos kumain. Si Yana nakakain lang aba nawala na ang lagnat ibang klase pala ang babaeng to kapag nagkakasakit pagkain lang sapat na. Ikaw lang sapat na hastag bente quatro. Hahahaha.

"So what's the plan? Hindi ko makilala kung sino yang Rohely na yan." Sabi ni Kassey at bumuntong hininga.

Naiiling din naman si Jullia "Sa dinami dami nang mga nabanggit na pangalan sa akin kanina ni Kass walang ni isa doon ang nagmatch jan sa kaibigan ng kuya mo."

May sinabi pa din si Kass na nagpakaba talaga sa akin ng bonggang bongga. "Maybe hindi talaga Rohely ang pangalan nya di ba?" Napatitig naman kami sa kanya "Look. She don't have any social media such as facebook, twitter, instagram, wattpad, rabbit, we heart it, pinterest and others. Maybe, just maybe, Rohely is not her real name."

Bahagyang natahimik naman ako sa sinabi ni Kassey. Kahit ayaw ko man mag isip ng di maganda ay dun pa rin ako napupunta and also, bakit magkaparehas ng ngiti ang babae sa restau at si ate Rohe? Maybe a coincidence or maybe not.

"Pasensya na Kesia ah ayaw ko man paghinalaan ang taong pinagkakatiwalaan mo pero may punto si Kass." Napatingin naman ako kay Marvin. "I think she's not an ordinary person."

Mint Academy: The school for intelligentWhere stories live. Discover now