Mint Academy ▒ Chapter sixty

27K 866 119
                                    

Since hindi ako makakapag update bukas dahil may aasikasuhin ako ngayon na lang. :) Anyway napag isip isip ko na gusto kong pahabain tong story na to charot dami ng scene na nasa isip ko eh hahahaha.
ENJOY READING...

✴Moment ✴

In three days wala kamung ibang ginawa kundi ang pakainin ng pakainin, idaan sa medication, at palakasin ang mga pasyente. Sa fifteen thousand na pasyente na nandito ten percent lang doon ang gumamit ng shabu, yung talagang sa will nila and the rest ninty percent ay napilitan lang sila.

Pumunta din dito si Mister Vinle para tumulong sa amin, kahit sila Marvin at Aki nandito din ngayon. Nakausap na rin namin si Miss Jaja na kasama ni Mister Vinle tungkol kay Andrei. They confirm it, kakaiba nga ang lakas ni Andrei at may hinanap sila sa katawan ni Andrei and then book ayun totoo ngang sya sa mga chosen.

As for Amber and Adrian, si kuya Jared  ang nasabi na ang IQ nila ay around 200+ hindi nya lang mabanggit dahil wala sya sa academy, Amber and Adrian will be one of elementary students in Mint Academy.

Napaupo ako sa isang sulok dahil sa pagod. For almost seventy two hours nakatayo lang ako. Idlip lang ng five minutes then balik sa trabaho and then pahinga ng three minutes then balik sa trabaho pagkatapos kumain balik agad sa trabaho.

No one can handle our position aside from the six of us. Kami lang ang pwedeng pumasok sa laboratory room, although pwede makapasok ang iba pero dapat may pag oo namin.

Hinilot ko ang sintido ko at saka bumuntong hininga. May lumapit sakin and base sa nararamdaman ko alam ko na kung sino to.

"Marvin... "

"Magpahinga ka na kasi... "

Kahapon pa ako pinipilit ng lalaking to magpahinga pero may trabaho pa ako kaya naiinis na sya sakin.

"I'm okay. Konting pahinga lang to." sabi ko naman sa kanya.

"For patés sake Kesia ilang araw mo na ba sinasabi sakin yan?" nagulat ako sa pagsigaw nya at napatingin ako sa paligid nakatingin sa amin ang tropa "Bahala ka nga." at umalis sya saka lumabas ng laboratory room.

Bumuntong hininga naman ako. Alam ko naman na para sakin din ang mga sinasabi nya kaya lang kaya ko pa rin naman eh.

"Alam mo ikaw babae ka masyado kang abusado no?" tiningnan ko naman si Yana habang naiiling syang nakatingin sa akin.

"Bakit?" walang gana kong tanong habang hinihilot ang sintido ko.

"Tama naman kasi si Marvin, kailangan mong magpahinga."

"May trabaho pa ako Min-"

"Kasama sa trabaho natin ang magpahinga" napatingin naman ako kay Henry "Kung ayaw mo magpahinga wag ka na magparticipate sa mission ngayon."

"What?" nanlalaking mata kong sabi.

Nabigla ata ang pagtayo ko pati na rin ang pagsigaw ko kaya naman napahawak ako sa dingding, feeling ko umiikot ang mundo ko. Literal na umiikot.

"You suffered from anemia, you better sleep right now or else you wont be able to participate." napatingin naman ako kay Mister Vinle "Here. Its a ferrous sulfate. Makakatulong to sayo. You've been awake for almost seventy hours I'm not shock to see you in that state."

Wala na akong nagawa. Alangan naman makipagtalo pa ako kay Henry at sa isa sa phantom di ba? And besides si Mister Vinle yun for patés sake isa syang medical expert wengya! Tinulungan ako ni Yana at Min na pumunta sa quarantine room saka nila ako hiniga.

"Nasaan nga pala si Amber at Adrian?" tanong ko sa kanila.

Hindi ko sila nakita for almost two days dahil sa sobrang busy namin, minsan may naririnig akong boses sa labas ng laboratory pero wala pa rin kaming magawa kundi tumuloy sa ginagawa namin.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon