Mint Academy ▒ Chapter fifty six

26.9K 876 21
                                    

Finding the right person

Maaga naman kaming gumising para lang sa unang trial namin, ang pagtetest ng pills ay di basta bastang proseso sabi ni Nurse lica sa manual nya.

First. Kailangan namin mamili kung sino ang magiging unang gagamit nito pag dating sa drugs.

Second. Dapat may sapat itong lakas. Nakakain ng maayos at hindi nanghihina.

Third. Kailangan malaman namin kung makikipag cooperate ba ang pasyente o hindi, dahil kapag nalabas sila pwede itong magwala.

Fourth. Kapag nalaman na namin na makikiisa ang pasyente ay kailangan muna namin iexamine ang pasyente. Why? Ang sabi sa manual na baka may ibang sakit ang pasyente dapat malaman agad para maingat ang pagpapainom ng pills.

Fifth. Ang dugo ay wala dapat na kahit anong bacteria dahil pwede itong kalabanin ang pills at idenied ng katawan ng pasyente.

Lastly, try it.

"So kailangan muna natin pumili ng paseyente?" tanong nila sa akin.

"Yes. Dapat qualified sila." sabi ko naman.

"Eh paano kung hindi?" nag aalalang tanong naman ni Yana.

"We still have six days to finish this mission so don't worry. Three days is enough para palakasin ang isang tao sa pagkain." sabi naman ni Henry at kumalma sila.

Dama ko na kinakabanhan sila kahit na may tiwala sila sa ginagawa namin. Inaayos na namin ngayon ang gamit namin at suot na namin ang isa sa uniform namin kapag may gagawin kami. Although hindi pa kami naka lab gown maiindicate pa rin sa damit namin na may mataas kaming posisyon.

"Ate? Kuya?" napatingin naman kami kung saan natutulog si Adrian at ang kapatid nyang babae.

"Nagising ba namin kayo?" tanong naman ni Jullia at umiling ang dalawa.

"Di po. usto po amin sama." sagot naman ni Amber. Nagkatinginan kami at saka nag nod.

"Sure. Basta ba tutulungan kami ni Kuya Adrian" sabi naman ni Kassey.

Halos matawa kami sa ginawa ni Amber sa kuya nya para tumulong sa amin. Nagpacute ito at walang nagawa si Adrian kung hindi ang mag okay. Ibang klaseng bata hahaha.

"Oh isasama nyo sila?" tanong naman ni kuya Rod na kakatapos lang mag shower.

"Gusto daw nila eh." sabi naman ni Min.

"Hindi naman sila makakasagabal kung nanjan naman kayo para ipabehave sila." sabi ko naman.

"Wala namang problema yun sa amin." sabi naman ni manong na kakapasok lang sa kwarto.

Bakit ba manong ang tawag ko sa kanya at di lolo? Well, siguro lolo na lang para mukhang may respeto.

"Hindi naman kasi natin sila pwedeng iwan dito baka may mangyari lalo pa ngayon at may nadiskubre kami." sabi ni Yana.

Hindi na nagsalita pa sila lolo at si kuya dahil alam na naman nila sa sarili nila na isa itong napaka importanteng detalye. Ayaw nilang madamay at ayaw din naman namin silang madamay.

"Tara na?" tanong sa amin ni Jullia at nag nod naman kaming lahat.

Paglabas na sana kami ng makita namin si Andrei at halos di sya magkanda ugaga dahil pabalik balik sya sa labas ng kwarto namin.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya at bigla naman syang namutla.

"Miss. Miss. Miss I'm sorry! Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero miss nag cr lang ako pag balik ko wala na!"

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon