Mint Academy ▒ Chapter twenty four

38.3K 1.2K 24
                                    

  ✴Welcome back to academy✴  

"Kecy" dinig kong sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko. "Kecy malelate ka sa ginagawa mo eh tumayo ka na jan."

Napabuntong hininga na lang ako. Porque ba lagi akong late kaya ganito makasigaw si mama? Hello lang ah nasanay na ako sa mga nangyari sa academy actually nakabihis na nga ako ngayon eh. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si mama.

"Ma, grabe makasigaw ah." Nanlalaki naman ang mga mata ni mama ng makita nya akong bihis na.

"Bagong buhay nak?"

"Baliw ka ma nasanay na ako sa academy."

Sabay kaming bumaba at nakita ko naman sila papa at kuya na nakain na. Ngumiti naman sila sa akin at ganun din ako. Tahimik lang kaming kumain and after that kinuha na nila kuya ang gamit ko sa kwarto ko heck parang gustong gusto ata nila na wala ako sa bahay na to ah.

"Galingan mo Kecy ah." Sabi ni kuya at inirapan ko naman sya.

"Ako pa ba? Di na ko bobo, charrr hahaha." Natawa naman sila sakin. "Oh babye na po sa susunod na lang po ulit." Sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse na sumundo sakin. "Babye mama, papa and kuya please paki taasan ang grade, bleeh."

Pumasok na ko deretso ng kotse at saka naman ito agad umalis napabuntong hininga naman ako nang makita kong palayo ng palayo na pigura nila.

I am wearing a Mint Academy's uniform and riding in Mint Academy's car, yeah ganito daw talaga pag galing sa vacation sinusundo ng kotse ng school pero ang mga nasa rank lang daw.

Being in rank circle had their own privilege and this one is one of the privileges. Di naman ganun kalayo ang academy sa bahay kaya naman agad din ako nakarating and ng makapasok na ang kotse sa loob ng academy may naalala akong parang nakalimutan ko ng ilang araw.

Nang makababa na ang kotse they are all looking at me with admiration in their eyes. I walk like a queen char joke lang syempre nakakahiya ang daming transferee. May naramdaman akong umakbay sakin kaya naman nakarinig ako ng hiyawan.

"Ano Henry aalisin mo yang kamay mo o puputulin ko yan gamit ng arrow?" Kalmado kong sabi at natawa lang naman sya.

"Grabe ang aga aga high blood."

"Para ka kasing timang may paakbay akbay ka pang nalalaman alam mo namang maraming chismosa sa paligid." Sabi ko pa saka umirap pero ang loko tinawanan lang ako.

"Aba aga aga ah ganyan kayong dalawa." Napatingin ako sa likod ko nang makita ko si Kassey at Jasmine.

Kila Kassey na tumutuloy si Jasmine and since okay na rin si Kass at ang daddy nya kaya ayan welcome na welcome si Jasmine sa buong dalawang araw namin kila Kass wala kaming ibang ginawa kundi ang enjoyin ang karangyaan jusmiyo marimar juspordos ang yaman talaga nila Kassey. Niyakap ako ng dalawa at sinali na rin si Henry.

Class 1-A are treating each other as a family not friend or something but family and I found it comfortable.

"So ganun kakapasok lang yan agad? Sali ako." Agad din naman kaming dinamba ni Yana ng yakap kaya naman natawa kami.

Nang matapos kami sa pagreunion kahit ilang araw lang din naman kami nawala sa paningin ng isa't isa although nagtatawagan at nag vi-video call kaming lahat namiss pa rin namin ang bawat isa.

Maraming napapatingin samin since iba ang uniform naming mga nasa rank circle and medyo nasanay na rin naman ako. Dati rati naiinis sila sa aming tatlo nila Yana at Min dahil sa bobo daw kami at walang alam but look at us now we excel hindi nga lang sa written but oral.

When we arrive to our dorm my eyebrow suddenly raise, tiningnan ko ang mga kasamahan namin na akala mo pagod na pagod.

"What happened?" Takang tanong ni Henry.

"Buti naman nandito na kayo" Sabi ni Mark.

"What's with that face of yours? Mukha kang tae" At humagalpak naman ng tawa si Kass kaya binatukan sya ni Min "Aray ko naman bakit ba eh sa natatawa ako sa pagmumukha ng lalaking yan. Look ang iba kahit parang ewan mukhang tao pa rin pero sya? Heck hahaha."

"Sige tumawa ka lang tomboy pag narinig mo to ewan ko lang sayo." -Mark

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko naman.

Hinila na ni Arlene si Kass papunta sa upuan dahilan para matigil ito at nabalot kaming lahat sa katahimikan. No one talk until Victor can't take it anymore.

"We have tl prepare." Sabi ni Victor.

Kinabahan naman ako agad. Hindi ba to tungkol sa Twelve Academy? Inatake na ba sila ng mga Chase Phantom? May magagawa pa ba kami?

"Its not what you think Kesia." Sabi naman ni Ange at nag nod naman ang iba.

Para naman akong nabunutan ng kaba at saka naman tumingin sa kanila kung ano na ang sasabihin nila.

"Heck. Bakit kasi di kayo ang una dumating dito kanina? Late kasi kayo eh." Pagmamaktol naman ni Jullia.

"Kung sinasabi nyo na kasi kung ano yang kinakabahan nyo edi sana kami rin kinakabahan na." Sarkastikong sabi naman ni Yana.

"Eh kasi sabi ni kuya Jared kanina na kailangan daw natin tumulong para ngayong annual ceremony dahil marami daw transfer student. Since we are above them kailangan natin tumulong and guess what hindi lang yun dahil walang nadagdag satin." -Ange

Nganga. Its really a big deal dahil kahit isa walang natanggap sa amin ibig sabihin we will remain in thirty. Samantalang ang isang section aabot ng fifty and to think na kailangan nain tumulong para sa annual ceremony? Jusmiyo marimar juspordos. Napabuntong hininga naman kami.

"Kelan ba daw ang annual ceremony?" Tanong naman ni Kass.

"Bukas ng gabi." Sagot naman ni Ange

Annual Ceremony. Isa yan sa pinaka sikat na party sa academy dahil sa pwedeng makipaghalubilo ang ibang section sa hindi nila classmates also doon na rinipapakilala ang mga kasali sa Verdant Ellipse.

Verdant Ellipse is a group of the most respected students in the academy it will only consist of fourty student by class and year. Once na bumaba ang grade mo tanggal ka sa Ellipse.

"Mabuti pa magpahinga na muna tayo saka na natin alalahanin ang tungkol dito pag nakapagpahinga na tayo." Sabi naman ni Henry at nag nod kami saka kami nagpuntahan sa kanya kanya naming kwarto.

***

Nakatulala lang ako sa kisame dahil di naman ako makatulog di ko alam pero di talaga ako mapanatag ngayong araw feeling ko may mga nakatingin sakin, saamin na hindi ko alam kung ano o sino.

Tumayo ako at bumaba sa higaan ko at kinuha ang kahon na nakuha namin nila Henry, wala pa ring nakakaalam kundi kami lang.

"Kelan natin bubuksan yan?" Tanong naman ng isang boses, napalingon ako sa may pinto at nakita ko si Henry doon nakasandal sa pinto habang naka cross arm ayos din tong lalaking to ah.

"Oo nga." Tiningnan ko naman si Yana na akala ko natutulog.

"Di pa ba kayo makatulog?" Tanong naman ni Min.

"Tanghaling tapat di makatulog." Sabi ko at mag pout binaba ko naman ang box "Saka na natin to tingnan pag tapos na natin ang sa Annual Ceremony." Sabi ko pa at nag nod naman sila "Bakit ka pala nandito Henry?" Tanong ko pa.

"Pinapagising kayong tatlo mag memerienda daw." Nag nod naman kami saka lumabas ng room namin.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon