Mint Academy ▒ Chapter two

87.4K 2.6K 554
                                    

CLASS 1-A

"Um, Akesia? I guess kailangan natin kausapin si Head Master Dela Cruz?" nag-aalala na tanong sa 'kin ni Alyana.

Tumango naman ako. "I guess so."

"Alam ko na pupunta kayo rito," kaagad na bungad sa amin ni Headmaster Dela Cruz nang makapasok kaming dalawa ni Alyana sa office niya. "Pero hindi ko alam kung bakit kayo paparito," dagdag pa niya.

Wow, ang gwapo n'ya. Kung siguro 'di lang s'ya mas matanda sa amin ng mahigit sampung taon baka naging crush ko 'to na lalaking 'to. Nagkatinginan naman kami ni Alyana nang tumayo si Sir.

"Have a seat," kaagad niya na sabi at tumango naman kami saka umupo. "So?"

Nagkatinginan na muna kami ni Alyana at saka kami pasimple na bumunot nang malalim na hininga para magkaroon ng lakas ng loob.

"Headmaster—"

"Kuya Jared." Huh? Ano raw? "Kuya Jared na lamang ang itawag ninyo sa akin kapag tayong lang," nakangiti pa na sabi ni Sir—esti Kuya Jared. Wow, nakakailang lang na tawagin s'yang kuya.

"Ku-kuya Jared kasi..." shemay, nakakailang talaga! "Nagkamali ka po ata nang paglagay sa amin sa class 1-A. I mean, kung meron mang lower section ditto ay doon kami nararapat ni Alyana."

"Tama po si Kesia, Kuya Jared. Hindi kami magaling sa academics. Aminado ako na mahina ako sa lahat ng subject lalong lalo na sa English. Dinudugo pa nga ang ilong ko kapag nag-e-english ako e."

"Kaya po Kuya Jared, palipat naman kami ng class. Okay lang sa 'min kung nasa lower section kami."

Doon naman kasi talaga kami nababagay ni Alyana, sa lower section. Simula kasi noong bata pa ako ay lagi na akong nasa lower section na napupunta dahil sa mga mabababang grades ko. Nang titigan kami ni Kuya Jared akala ko ay may pag-asa na kaya nang magsalita s'ya para akong binuhusan nang malamig na tubig.

"Pasensya na pero hindi kami ang pumili ng section ninyo," nakangiti niyang sabi sa amin.

"Huh? Po? E sino po?" taka naman na tanong kaagad ni Alyana.

"Pagpasok na pagpasok pa lamang ninyo ay in-analize na kayong lahat." Napatingin naman kami sa may-ari ng boses at nakita naming ang kakapasok lang na babae. "Naramdaman n'yo naman 'yun, 'di ba?" tanong niya sa amin. "Ang kakaibang pakiramdam nang pumasok at makalampas kayo sa gate," dagdag pa niya at umango naman kami. "Dahil sa naramdaman ninyo 'yun, 'yun ang naging basehan sa kung saan kayo ilalagay. Hindi kasi basta basta 'yun mararamdaman ng mga ordinaryong tao. Isa pa, isa rin kayong special students na hindi na kinailangan na mag-entrance exam kaya sa class 1-A kayo nilagay."

"Tama si Raquel," sabi ni Kuya Jared at saka kami tiningnan nang maigi. "Ang barrier na nasa gate ay 'di talaga pangkaraniwan dahil gawa 'yun ng Twelve Phantom. Dahil gaya 'yun ng mga hindi pangkaraniwang tao ay mahirap 'yun pakiramdaman. Mas malalaman pa ninyo ang tungkol doon sa mga history lesson ninyo."

"Pero hindi po 'yan ang issue naming," pagpupumilit ko naman.

"Im sorry, Akesia Cyrene Mendrez and Alyana Marie Montaverde dahil hindi naming kayo matutulungan sa gusto ninyong mangyari. Ang Twelve Phantom ang pumili sa inyong mga class."

Nganga. Lumabas kami ni Alyana sa office ni Kuya Jared nang wala man lang napala. Sa ngayon nandito kami ni Alyana sa isang bench malapit sa soccer field. Nakatulala na lamang kami at nag-iisip sa kung ano ang pwede naming gawin para malipat kami ng ibang class. Ayokong makipagkompetensya sa mga taong sobrang tatalino dahil baka mamaya mabuan na ako.

"Ah!" Napatingin naman ako kay Alyana nang bigla na lamang siya sumigaw at saka ginulo ang buhok niya. "Mababaliw na ata ako, Akesia," naiiyak niyang sabi.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon