Mint Academy ▒ Chapter sixty three

23.6K 853 87
                                    

Here is the second and last update for today~

ENJOY READING...

✴Cutting the ties✴

Yana's Point of View

Hindi namin alam kung anong nangyari kay Marvin at Kesia pero ng dumating kami sa dorm hindi man lang lumabas si Kesia sa kwarto namin.

"Kesia! Hoy" sigaw ni Min at napailing naman ako "I know na may pinagdadaanan ka per please lang wag mo solohin ang kwarto gusto ko nang maligo oh."

Alam namin na gusto lang patawanin ng babaeng to si Kesia at para na rin lumabas sya pero walang effect kaya ending napabuntong hininga na lang kami.

Kaming anim lang ang nandito sa dorm at ang classmates namin ay binigyan ng chance makauwi sa kanila in one month since tumulong sila sa amin.

Napaupo na lang ako sa sofa sa tabi ni Henry saka bumuntong hininga.

"Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa pinto ng kwarto namin.

"Knowing Kesia? It must be that hurt to lock herself in your room." sabi naman ni Henry sa akin saka ako nag nod.

"Arg! Akala ko pa naman susundan ni kuya kanina si Kesia mali pala ako! Bwisit na yan pagnakita ko ang lalaking yun malalagot sya sakin kahit kuya ko pa sya!" napangiti naman ako. Kitang kita ko eh sobrang mahal ni Jullia si Kesia and that is good though.

"Gusto ko man maglagay ng screen sa harap ni Kesia at kausapin sya di ko naman pwedeng gawin." sabi naman ni Kasseg sa amin saka umupo sa harap namin "She needs to be alone."

"Yeah." yan lang ang nasabi namin.

"Mukhang nakikisali pa ang langit sa kanya ah." sabi ni Henry at napatingin ako sa labas "I never thought na magiging ganito ang relasyon nila."

"Sana saatin hindi." nag aalalang tanong ko.

"Kung mangyayari man to gagawin ko ang lahat para suyuin ka." napatingin ako kay Henry at nakita kong titig na titig sya sa kin "Dahil alam ko nankailangan kitang suyuin at isa yan sa responsibilidad ko bilang boyfriend mo. Mahal kita Yana kaya di ko hahayaan na masaktan ka pero hindi ako nangangakong hindi kita masasaktan k-"

"OH PLEASE! HUSTISYA NAMAN SA AMING TATLO DITO OH!" sigaw ni Min at napatingin kami sa kanila.

"Nalulong na naman sila sa sarili nilang mundo." sabi naman ni Kassey saka umirap.

"Ganito pala pag may boyfriend?" sabi naman ni Jullia saka bumuntong hininga.

Natawa naman kami ni Henry sa naging reaksyon nila. Kahit na nasa malungkot na sitwasyon si Kesia ngayon nagawa pa rin naming tumawa at alam kong narinig nya ang napag usapan namin dahil sa lakas ng boses ng tatlong to at least alam ko kahit papaano napangiti sya sa loob.

I know her kapag ganito ang usapan napapangiti sya dahil alam nya ang reaksyon ng tatlong to.

Halos mapatalon naman kami sa gulat ng may nag door bell kaya naman nagkatinginan kami. Sinong baliw ang pupunta dito sa dorm na sobrang lakas ng ulan sa labas na may kasama pang kulog at kidlat? Heck! Nagkatinginan kami saka pumunta sa pinto syempre si Henry ang magbubukas ayaw nya na kami eh.

Nanlaki naman ang mata namin nang makita namin si Marvin na nakatayo sa labas ng dorm namin, basang basa sya at napatingin naman kami sa langin at nganga ang lalaki ang patak!

"Kuya what are you doing?" nag aalalang tanong ni Jullia.

"Senior Marvin pasok po kayo." napairap naman ako kay Min.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon