Mint Academy ▒ Chapter seventy two

23.9K 759 40
                                    

Hello everyone. Sorry kung natagalan ang pag update ko medyo kaso namemental block ako walang napasok na scene sa isip ko kaya naman nag lie low muna ako sa pagsulat nito. But then heto na. Hahaha.

Salamat sa paghihintay ng update ko. Natagalan ba sobra? Feeling ko kasi hindi XD

Enjoy reading guys...

✴✴

Our names are all over the world. I mean dahil sa live tv sa buong mundo noong nasa conference kami and even up until now, kahit five hours na ang nakakaraan maingay pa rin ang nangyari kanina.

Nakashades nga ako kanina at nakamask nang pumunta kami ng mall ni Min and take note naka cap din kami. Ayaw naming may makakita sa amin baka mamaya madumog kami, charot joke lang ayaw lang namin na masabi nila na baka ginamit namin ang pera para sa amin.

"Nakakapagod ah." sabi ni Min saka humiga sa kama.

Kaming girls ang magkakasama sa iisang room sa hotel at ganun din naman ang boys. Secured ang hotel na tutulugan namin ngayon at ang buong floor ay para lang sa amin.

Yes sa amin lang.

"Nag shopping na nga kayo napagod pa kayo?" natagawa namang sabi ni Arlene habang nagbabasa ng chinese novel book.

"Mahirap kaya tumakas sa mata ng mga tao sa mall. And don't tell us na nagshopping LANG dahil may pinabili ka rin." sabi ni Min saka umirap natawa naman kami.

"Hey Ange can you open the television?" tanong ko.

"Okay."

Kanina pa kasi ako nacu-curious kung ano ang laman ng balita sa bansa. Kung negative ba ang nakukuha namin or positive.

"Hindi pa rin maiaalis ang usapan tungkol sa press conference na ginawa ng mga piling mag aaral ng Mint Academy. Isang shocking research ang kanilang isiniwalat at nabigyan ng pag asa ang mga tao. Narito si Rochel para sa kaniyang pahayag."

"Magandang gabi sa inyong lahat. Nandito ako ngayon sa hospital na sinasabing magiging number one investor daw ng Mint Academy sa Miracle Pills, ang Medika de Miracle Hospital."

Naglakad lakad ang host at saka tumigil sa isang pasyente.

"Ano pong masasabi nyo sa balita ngayon tungkol sa Miracle Pills?"

"Nakakatuwa na nakakalungkot. Nakakatuwa dahil sa mayroon nang gamot sa sakit namin, may pag asa na kaming mga may cancer na mabuhay pa ng matagal pero nakakalungkot na hindi namin afford ang presyo nito."

"Okay na okay sana kung bababaan nila ang presyo masyado ata nilang sinasamantala ito."

"Kung tutulong talaga sila dapat maliit lang ang presyo dahil di naman lahat mayayaman."

"Thank you sa paggawa ng Pills na to at least ngayon mabubuhay na ng matagal pa ang mama ko."

Pinatay ko rin ang TV saka bumuntong hininga at nagkatinginan naman kaming girls.

"Pinapangunahan na naman tayo." naiiling na sabi ni Jullia.

"As if naman gayan talaga kamahal nyan edi walang bibili." sabi ni Kassey saka umirap

"Mali ka jan Kass." sabi ni Arlene at tumingin kami sa kanya "Kahit mahal basta alam na nila na totoong gumagana ang pills gagawa sila ng paraan para makabili nito."

"Right. Kaya ang iba mukhang magagalit dahil sa mahal ito." sabat naman ni Ange.

Napabuntong hininga naman kami at napatingin naman ako sa cellphone ko at napangiti naman ako ng makita ko ang pangalan ni Marvin sa screen. Umalis ako sa circle namin at pumunta sa veranda saka sinagot ang tawag.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon