Mint Academy ▒ Chapter thirty seven

32.1K 1.1K 280
                                    

Hello guys, pakunswelo para sa matagal na di pag update hahaha. Oo nga pala, gusto ko lang linawin na ang pangalang Kevin ang tinutukoy ko dun si Marvin. Hindi ko alam kung bakit pero Kevin ang nasulat ko, nawili kasi ako sa pagbabasa ng crown Princess. Wengya. My apologies guys, eedit ko na lang.

Now let's proceed guys, enjoy reading.

Mint Festival's ✴

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako ngayong araw. May mangyayari ba?

"Ah girl?" Napatingin naman ako sa may pinto ng kwarto namin at nakita ko si Jullia.

"Bakit?"

"Nagtext sakin si kuya Marvin's kung pwede ka ba daw makausap."

"Huh? Bakit daw?" Nagkibit balikat naman sya.
"Hindi ko nga rin alam eh. Basta sinabihan ko sya na pwede naman ako ang tanungin ayaw nya sabi nya wala daw syang tiwala. Sabi ko naman mas maramis yang makukuhang sagotbkay Henry ayaw din daw nya, kakaiba tong kuya ko di ko alam ang trip kaya pasensya na."

"Ako talaga?" Nag nod naman si Jullia.

"Oo. Ewan ko ba kung bakit. Basta sabi nya sakin sabihin ko sayo na mamayang twelve after ng lunch mo punta ka daw sa likod ng building A."

"Wala naman sigurong binabalak na kaewanan yang kuya mo di ba?"

"Sure ako wala. Kilala ko si kuya, mayabang lang yun pero di yun bastos." And her smile made me feel at ease.

Bakit parang wala akong nararamdaman ngayon? Nasurpress ba ang power ko? Yes I know na may something sakin at napag alaman kong may power din ako gaya ng mga taga Mint Academy, kaya kong maramdaman ang nararamdaman ng iba, in short I have this ability called empathy.

"Okay sige."

***

Habang naglalakad ako papunta sa café namin ay nakakunot ang noo ko, di ko kasi talaga alam kung bakit makikipag kita sa akin si Marvin.

"Lalim ng inisip ah. Pahukay nga baka may kayamanan." Muntik ko na masapak si Henry dahil sa pagsulpot pero imbis na masapak natawa na lang ako.

"May gold dito wag ka akin lang to." Natawa naman sya.

"Pero ano iniisip mo?"

Sasabihin ko ba? Wala namang masama di ba?

"Ah. Eto kasing senior natin na kapatid ni Jullia, si Marvin. Gusto makipagkita sa akin mamaya may pag uusapan daw kami."

Napatingin ako kay Henry at nagtataka ako sa mukha nya, mukhang naiinis na ewan? Basta nandilim ang mukha nya. Pero bakit parang wala akong maramdaman ngayong araw? I mean di ko maramdaman ang mga feeling ng mga nakapaligid sa akin. May expiration ba ang power ko?

"Bakit daw?" Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam. Di nya sinabi kay Jullia. Malalaman ko rin naman mamaya eh."

"Pag may ginawa sayong di maganda sabihin mo sakin ah?" Natawa naman ako. Over protective naman si bes.

"Okay. Pero sabi sakin ni Jullia mabait naman daw kuya nya mayabang lang."

"Mayabang talaga." Napatingin ako kay Henry.

"Huh?"

"Wala." Tapos tumingin sya sakin "Mauna na ako Kesia kailangan na nila to sa café eh." Nag nod naman ako at saka sya tumakbo palayo sa akin.

Napabuntong hininga naman ako. Pwede naman kaming sabay pumunta sa café bakit kailangan pa nyang mauna? Ay naku bahala na si batmat.

***

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon