Chapter 24: He Saved Me

Start from the beginning
                                    

Nakatingin siya sakin na gulat na gulat ang mukha. 

Tumayo ako sa kama at galit na tumingin sa kanya.

"Ano? Masakit ba yung sampal ko? Tama lang yan sayo! Akala mo kung sinong tao!"

Biglang bumukas yung pinto. Isang matandang babae ang pumasok na may dalang damit.

"Um... Excuse me, sir. Ito na po yung pinalabhan niyong damit." sabi nung matanda.

Tumayo siya at lumapit dun. Kinuha niya lang yung damit tas pinalabas na.

Nagulat ako. Kapareho kasi nung sinuot kong damit ni Kyle yung hawak niya. Yun kasi ang suot ko bukod sa undies at bra ko.

>/////<

Lumapit siya sakin at binigay yun. Pero di siya nakatingin sakin. Di rin umiimik. Ako naman, tulala. Di makapaniwala sa nalaman ko.

Hiyang-hiya ako dahil sa pinagsasabi ko kanina sa kanya. Ramdam kong nag-iinit ang mukha ko.

"Pinalabhan ko yan dahil basang-basa ka kanina sa daan. Wag mo ring isiping ako ang nagpalit sayo..." seryoso niyang sabi. "Si manang Tessie ang gumawa nun."

Nakonsensya tuloy ako. Mabagal kong kinuha yung damit. Tiningnan ko naman yung suot ko ngayon.

Naka-dress pala ako. Tas kulay white pa. Bagay sa kama, parehong puti pati na rin ang kwarto. Maaliwalas tuloy tingnan at ang sarap ng pakiramdam.

"Um... Salamat." nahihiyang kong sambit.

"Kumain ka muna. Andyan sa table yung pinahanda ko. Mainit pa yan. Kung may kailangan ka tumawag ka lang." tas naglakad na siya palabas.

Tumango na lang ako. Bigla kong naalala...

"Teka!" tumigil siya pero di lumingon. "Pwedeng malaman ang pangalan mo?"

Naghintay ako ng ilang segundo bago siya sumagot.

"TJ Montes." at lumabas na.

TJ Montes.

Haay. Ano bang ginawa ko? Ako na nga 'tong tinulungan ako pa ang may ganang magalit kanina.

Pero kahit na noh, mali pa rin siya sa ginawa niya. Di porke't tinulungan niya ako pwede na niya akong halikan.

Tiningnan ko yung pagkain sa tabi ng kama. Hmm... Yun pala yung kanina ko pa naaamoy na mabango.

Nagugutom na rin ako. Kinain ko na agad. Ang sarap pa naman. Parang gusto ko pang humingi. Lels.

Nung tapos na ako, inaliw ko na lang ang sarili sa pagtingin sa loob.

Nakakasilaw yung kulay. Bukod sa flatscreen TV sa wall tas component at maraming DVDs, at maliit na mga furnitures at curtains, wala ng masyadong gamit sa loob.

Pagtingin ko sa table clock (meron bang ganun?), almost 6 na. Malapit na palang maggabi. Baka hinahanap na ako ni Kyle sa bahay. Di ko pa naman alam kung saan ako ngayon. Tas naiwan ko pa yung phone ko.

Aish! Pano 'to? Nung tingnan ko naman sa labas, sobrang lakas ng ulan. Anong gagawin ko? Nakakahiya naman kay TJ kung magpapahatid pa ako.

Pero naglakas-loob pa rin akong lumabas ng kwarto.

@____@

Waaah! Ang lawak ng bahay nila. Pangmayaman yung hallway. Parang di 'to normal na bahay ah! Akalain mo ang daming kwarto at pare-pareho lang ang design. Hirap hanapin kung saang kwarto ka.

Naglakad ako. Sinalubong ako ng ngiti ng mga maid habang dumadaan ako sa harap nila. Yung iba ginigreet pa ako.

Parang prinsesa tuloy ako dito. Where's Kyle my prince? O__o Ano daw?

Intimate ObsessionWhere stories live. Discover now