Chapter 43.1: his birthday wish..

4.1K 68 6
                                    

OOOPPPPPZZZZZZ!!! BAKA PO MA LAKTAWAN NYO YUNG CHAPTER 42! DALAWA PO ANG UD KO NGAYON! ^_______^ (palakpakan! Hahahaha)

Chapter 43.1: his birthday wish..

----JAYCEE’S POV----

“iho… mukhang malungkot ka…may problema ka ba??”

O___________O

Pambihira naman si lola!

Nag dadasal ako tapos bigla nalang sisingit..

Nandito ako ngayon sa simbahan..halos araw-araw na akong nandito para ipag dasal na magising na si jamilla….haaaaaaayyysss…

“opo lola..yun po kasing kaibigan ko ay naaksidente at comatose sya ngayon..nalulungkot po kaming mga nagmamahal sa kanya…” ako..

“apo..wag kang mag alala.. mabuti ang ating panginoon.. hindi sya nag bibigay ng pagsubok sa atin na hindi natin kayang lagpasan..baka ang mga nangyayari ngayon ay isa lamang sa mga pagsubok na ibinigay nya sa inyo para mas lalo kayong maging matatag”.

“salamat po lola..”

“ito, iho..mag tirik ka ng kandila mabisa yan para mas madinig nya ang mga panalangin mo…dalawang piso lang ang isa”

-_______________- ano daw??

Si lola talaga magbebenta lang pala ng kandila kung ano-ano pa sinasabi.. galing din nitong mag sales talk..

“sige na nga po.. pabili po ng lima” saka ko sya inabutan ng 100 pesos..

“ay apo wala akong panukli..” si lola.

“sige na po lola sa inyo na po yung sukli..”

“ay salamat apo..”

“walang ano man po” saka na ako nag tungo dun sa tinitirikan ng kandila..

Si lola talaga…. Pero kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa na magigising na si jamilla dahil sa mga sinabi nya..

Sinindihan ko muna ang mga kandilang binili ko kay lola saka ako nagdasal sa harap nito..buti ako lang ang tao dito..

“Lord, Birthday ko na bukas… ang nag iisang birthday wish ko lang ay sana magising na si jamilla.. halos mag iisang buwan na din po kasi simula nung mangyari ang aksidente.. sa madaling salita..sobrang namimiss ko na talaga sya kaya po please sana pagbigyan nyo ako sa birthday wish ko ngayon…”

Tama ang nabasa nyo…magiisang buwan na ang nakakalipas simula nung maaksidente si jamilla..january 15 na ngayon (sabado) at bukas birthday ko na..pero alam kong hindi kumpleto ang birthday ko kapag hindi makiki join si jamilla.. kaya naisipan ko na sa ospital nalang mag celebrate kasama ang barkada… at kung matatanong nyo naman kung anong nangyari nung pasko at bagong taon..ayun! pagkatapos mag noche Buena ng barkada kasama ang pamilya nila ay nag tungo na ang lahat sa ospital para ibigay ang gift nila kay jamilla..tinatanong nyo kung anong gift ko?? Secret ko muna yun (A/N: kasi nag iisi pa ako -_______-) at nung bagong taon naman lahat kami ay sa ospital na nag celebrate…in short..parang ginawa nanaming bahay ang ospita buong Christmas break..araw-araw nandun kaming lahat at pagka gabi na saka lang umuuwi..

At ngayon..papunta na rin akong ospital nandun na daw silang lahat bakit daw wala pa ako…ay sorry naman pumunta pa akong simbahan..

Nag sign of the cross naman ako bago nilisan ang simbahan..

Haaaaaaaayyy..please Lord, grant my birthday wish…

--end of jaycee’s POV—

Crazy High School Life(Completed)Where stories live. Discover now