Chapter Four

7.7K 110 2
                                    

Chapter Four: freak sisters!

Jamilla’s POV…

"ok class. mag kakaroon tayo ng activity bukas. ire-recite nyo ang lupang hinirang ng individual para malaman ko kung sinong mali-mali ang sinasabi kapag kinakanta ang philipine national anthem" WHHAAAAT?? NO!!! HINDI MAAARI!!! unang activity sigurado BAGSAK agad ako nito! HALER!! laking ibang bansa kaya ako. so anong inaasahan nyong alam ko sa kultura dito sa Pilipinas? WAAAAAAAAAAHH!!! hindi ko alam ang national anthem dito eh! huhuhu hala kang bata ka..

"hayysssssss" ahah naman eh!kahit kumanta pa ako ng sampung kanta sa harapan gagawin ko ‘wag lang ang lupang hinirang na ‘yan.T.T

.

.

.

.

.

."hayyssssss" ahah anong gagawin ko?! sana alam ni Chix! si Chix nalang ang pag-asa ko.

*rrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnnngggggg*

"YES!!!!" hala! anong nangyayari dito kay Kent? parang hindi kumain sa kanila parang excited na excited mag recess. Hihi cute!^.^

"Kent, may problema ba?" -teacher

"ahh......nothing ma'am" ayiieeey ang cute nya talaga lalo na kanina nung natutulog sya! akala ko nga matutunaw na ‘yan dahil sa titig ko eh. ang tangos ng ilong nya, ang ganda ng mata nya parang mas mahaba pa nga yung eye lashes nya kesa sa akin eh, tapos ang lips nya kissable pa! ang pula grabe ANG SARAP IKISS!!! Hahaha! pinagnanasahan ko kanina ang tulog! pero Jamilla hindi ka pa pwedeng magsaya! may problema ka pang dapat ayusin.

"ok class dismissed"-teacher

"JAMMY!! halika dali bili na tayo ng food gutom na ako" hmmp! sasabihin ko na ba kay Chix na magpapaturo ako? Aigoo! ano ba ‘yan nakakahiya!! mamaya nalang.

"sige tara"

"hoyy!!Jammy, Chix pasama kami!!!" eto nanaman ang CB's ang ha-hyper talaga ng mga babaeng ‘to.

"ok sige! bilis!!"-Chix

*cafeteria*

ahah ano ba! Kainis naman kasi eh! unang activity hindi ko alam! tatawagan ko si mommy mamaya. sasabihin ko sa kanya kung bakit hindi nya tinuro sa akin ang bayang magiliw o lupang hinirang  eh kung ano man ‘yon! Uugghhh!

"oi Jammy bakit ganyan itsura mo?"-Chix

"oh anong meron sa itsura ko? panget na ba ako?"

"hindi! ang ibig kong sabihin bakit naka busangot yang mukha mo?” ahh sorry naman hindi ko naintindihan eh.

"wala naman. may iniisip lang"

"ano naman ‘yon?"-Pau, chismosa ‘tong babaeng ‘to..

"wala na kayo dun"

"ai ang taray! meron ka ngayon?" –faye

"loka!! kakatapos ko lang"

"HI GIRLS!!" tapos biglang may tumap sa balikat ko. kilala ko ‘to eh si ano…si….ano nga palang pangalan nito?

"hi!! Jaycee nga pala" oo si Jaycee ung member ng TCWI. ang cute rin nito eh. pero mas cute ang crazy love ko. inabot nya sa akin yung kamay nya. edi inextend ko din yung kamay ko.

"ahh oo kilala na kita. pinakilala na kayo sa amin ng CB's"

"ganun ba? buti naman hehe" asan kaya si Kent (tingin sa paligid) ayun nasa kabilang table. mainit yata ang ulo. naka simangot kasi.

Crazy High School Life(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon