Chapter Two

10.5K 148 10
                                    

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami at hindi parin ako maka get over kay cutie boy na nakita ko kanina! Hihi!

sya na ang CRAZY LOVE KO!! Myghad!!>//////<

"Jammy ok ka lang?" tanong sa akin ni chix out of the blue

"Yes! Ok na ok! Chix, ipapakita ko na sayo yung picture ni cutie boy slash crazy love ko"

"nako Jammy pag ‘yan hindi gwapo at mukhang tinapang nilublob sa suka itutuktok ko talaga sayo ‘tong siyanse na hawak ko!!" kaya may hawak syang siyanse nagluluto sya ng pancake pang midnight snack daw namin. ahchee what everrr!

"here oh!" tapos inabot ko yung phone ko sa kanya..

Then….

"WOAH!!  he's so freakin cute!! JAMMY AKIN NALANG!!"

"HOY!! FIRST COME FIRST SERVE ‘YAN ‘NO!! MAG HANAP KA NALANG NG SA’YO!!" aba! may balak pang mang-agaw ah.

"oo, alam ko naman na sasabihin mo ‘yan eh, at ginawa mo pa talagang restaurant may pa first come first serve ka pang nalalaman diyan! as if naman na mag kikita pa kayo ng crazy love mo na ‘yan! Haler! Laki kaya ng Pilipinas"

"magkikita pa kami nun ‘no! nase-sense yan ng heart and mind ko" ^.^

"eew! Jammy you're getting crazy na talaga!"

"Chix, wala ka bang naaamoy parang ang baho amoy sunog"

"oo nga ‘no? ang baho amoy sunog" tapos biglang nanlaki yung mata nya "JAMMY YUNG PANCAKE!!!" tapos tumakbo na sya agad

"EEEEW! SIGE CHIX TULOG NA KO. HINDI NA AKO KAKAIN NG MIDNIGHT SNACK! WAHAHA HINDI AKO KUMAKAIN NG SUNOG NA PANCAKE EH HAHAHA. IKAW MATULOG KANA RIN WAG MO NA MASYADO CAREREEN YAN!! WAHAHA" haha may pa eew eew ka pang nalalaman huh..haha^____^

"CHEEE!!!" haha asar na ang loka.

pumasok na ako sa room ko para matulog. hindi parin mawala sa isip ko si crazy love,  hayy sana makita ko ulit sya kahit sa panaginip lang..

JUNE 4,(MONDAY)

Ngayon nga pala ang start ng pasukan pero tinatamad pa akong bumangon inaantok pa talaga ako. as if naman kasi kung kasing kacu-cute ng crazy love ko ang mga magiging kaklase ko >.< naririnig ko na si Chix tinatawag ako at shineshake ang katawan ko..

"JAM! JAMMY! JAMILLA MARCHELLA CRISOSTOMO JOON!! GUMISING KA NA START NA NGAYONG ARAW ANG KLASE! MALELATE NA TAYO!!!"

"AAARGG! CHIX HINDI NAMAN KELANGAN SUMIGAW UMAGANG UMAGA NAMBUBULABOG KA MAHIYA KA NGA SA MGA KAPIT BAHAY!!"

"aaai, sorry naman, bilisan mo maligo ka na" umalis naman agad si Chix. malala na talaga tong babaeng ‘to aba, siguro ganyan din yung iba naming mga pinsan

Hinanda ko narin naman yung sarili ko. naligo,nagbihis,nag paganda, kumain at nag pahatid na kay manong driver. pagdating namin sa school dumeretso na agad kami sa office para kunin yung section naming. hmm parehas kaming A section ni Chix^.^ hinanap na namin yung room nakakahiya grabe! nandun na yung mga estudyante sa loob ng mga class room nila late na late na talaga kami ni Chix.

At sa wakas nahanap na namin yung room- nasa second floor lang naman. nandun na yung mga classmate naming. Kumatok ako sa door..binuksan naman agad nung teacher..

"good morning! Do you belong in this section??"

"yes ma'am. me and my cousin"

"ok, come in"

nako po buti nalang mabait yung teacher kung hindi masasampolan kami. eh kasi naman first day of school late!! kamusta naman kaya ‘yon!?

"ok class these two girls are also your classmates" tumingin silang lahat sa amin tapos nag smile sila."girls introduce your self to the class"

Crazy High School Life(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon