Chapter Three(Part 2)

7.6K 111 2
                                    

Chapter 3.2 : Confirmed!!!

TUESDAY

second day of school...

maaga akong pumasok. 6:15am palang nung dumating ako. nandito ako ngayon sa may field ng school. sigurado naman ako na mamaya pa ang dating ng tropa lalo na si Jaycee pero dun yata ako nag kamali. nandito na sya, mukhang good mood naka smile pa..

"oii sweetie" tapos bigla syang tumango yung parang kumusta ka na look.

"hoy, himala at maaga ka yatang pumasok ngayon?!"

"ewan ko nga ba, nahahawa na ako sayo eh"

"tss" nagtataka na talaga ako dito kay jaycee. lagi nalang natutulala. parang laging nakakakita ng kung ano "hoyy Jaycee! ano ka para kang nakakita ng multo ahh?!!"

"ahh..........ehh.............hindi multo ang nakita ko"

"eh ano?"

"anghel" ano daw?

"ano ba naman yang pinag sasasabi mo Jaycee! Umagang-umaga binabangungot ka!!" tumingin ako sa tinititigan ni Jaycee. tss siya lang pala. Teka...teka...ano?!

si....

Jamilla! Tsk! I smell something fishy.

"hoyy Jaycee umamin ka nga sa akin. na love at first sight ka ba jan kay ms.Joon??"

"ahh.....ehh...hindi 'no!"

"oh! sige ideny mo pa! eh halatang-halata naman na deadz ka na!"

"aba!! ewan ko parang oo,parang hinde. ewan!!!"

"tss. kapatid masama na 'yan. tara pasok sa room"

"ayoko mamaya nalang"

"sige bahala ka diyan" hindi naman talaga ako aalis. mag tatago lang ako titignan ko kung kapag umalis si Jamilla ay aalis din itong si Jaycee.

5 minutes..

7 minutes...ang tagal naman..

10 minutes...ngawit na ako+.+

'yon! umalis na sila Jamilla. Tsk! CONFIRMED!!! Ang best friend ko inlove nanaman!!! umalis din sya nung umalis sila Jamilla. tss sana lang hindi matulad sa nangyari sa kanila dati ni Kristelle..

pumasok na ako sa room marami narin palang kaklase ko ang nasa loob. nandito narin yung iba kong tropa. ano na bang nangyayari sa mundo? kasi pag dumarating ang tropa late na talaga..

"hoy! Kent ano't nakatulala ka diyan?" hindi lang pala si Jaycee ang mahilig mang gulat dito, pati rin tong si Anthony..

"huwag kang mag-alala makakahanap ka rin ng bago" tapos sabay tap sa balikat ko ni Jem.

"loko ka Jem!" sabay ngiti. tumingin tingin naman ako sa paligid. Kaya pala. nandito na pala si Lizzy at nakatingin sya sa akin. tsk Lizzy 'wag mong papansinin ang mga sinabi nitong si Jem! kaw lang naman talaga eh. nga pala sya si Lizzy Nica Gomez my ex-girlfriend. minahal ko talaga 'yan. kahit hanggang ngayon naman. Pero nakipag break ako sa kanya at alam ko hanggang ngayon mahal na mahal parin nya ako sinasabi nya sa akin 'yon kapag nag uusap kaming dalawa. bakit ba kasi nag iba ang ugali nya nung naging kami? kaya ayon kahit na mahirap para sa akin hiniwalayan ko nalang para marealize nya kung ano yung mga nagawa nya. oh tama na ang drama! takte!! nakaka bakla aba!

"HI JAM!!!" oh sino naman kaya yung Jam na tinawag ng CB's?(tingin sa paligid) si Jamilla pala..

"JAMMY!! I HAVE SOMETHING TO TELL YOU!!" sigaw ni thyrelle. nakakairita talaga ang boses nitong babaeng 'to..

"HOYY!! THYRELLE!!! PWEDE BANG HINAAN MO YANG BOSES MO?!!" sigaw ko naman. ihahanda ko na ang tenga ko kasi alam kong hindi papatalo 'yan..

"HOY!! KENT RAPHAEL KUNG WALA KANG MAGAWANG MATINO MANAHIMIK KA NALANG DIYAN!!" sabi ko na nga ba kaya hindi nalang akong sasagot dahil alam kong diratrat ang bunganga nyan. napansin ko lang nag taka si Chix at si Jamilla sa sigawan naming. bahala sila..

dumating na ang teacher namin sa science and technology buti naman at matatahimik na ang bunganga ng mga kaklase ko. kung ano-anong mga pinag uusapan. tungkol dun sa mga pinapanuod nilang korea novelas..nakakairita+.+

inaantok ako. kanina pa dada nang dada ang teacher wala namang pumapasok sa utak ko!! pwede bang mag practice nalang ng basket ball?

.

.

.

.

.

nakatulog pala ako at ngayon andito na pala yung teacher namin sa social studies..

"ok class. mag kakaroon tayo ng activity bukas. ire-recite nyo ang lupang hinirang ng individual para malaman ko kung sinong mali-mali ang sinasabi kapag kinakanta ang philipine national anthem" tsss, kailangan pa ba 'yon? napaka t*nga naman yata ng pilipinong hindi alam yan!!

"hayysssssss"-??

--___--

"hayyssssss"-??

^___--

"tssssk"

sino ba 'yon?? kanina pa buntong hininga nangg buntong hininga ahh, nakakairita! napatingin ako sa right side ko, itong si Jamilla parang wala sa sarili naka busangot ang mukha at saka parang pusang hindi mapatae. anong problema nitong babaeng 'to?

*Rrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnnngggggg*

"YES!!!!"uuhhm napalakas yata ang pagkakasabi ko napatingin sa akin ang mga kaklase ko..takte nakakahiya.

"Kent, may problema ba?" -teacher

"ahh......nothing ma'am" nak ng! nakakahiya.

"hoyy sweetie! ano bang nangyayari sa'yo?? bakit parang excited ka yatang mag recess?" dadali nanaman tong si Jaycee ng bigla-biglang nasulpot. isa pa sapok na ang abot nito..

"tss..mag tigil ka nga"

"oh chilax baka ma high blood ka haha"

"ok class dismissed"-teacher

"oh ayan tara baba na tayo baka nagwawala na yang mga bulate sa tiyan mo" -Jaycee

"tumahimik ka nga diyan Jaycee! hindi ako gutom naiinip lang talaga ako"

"sweetie, umamin ka nga sa akin" anong aaminin ko sa kanya bigla yata akong kinabahan.

"What?" grabe ang taong 'to, bigla nalanflang nag seseryoso ang mukha.

"Kent Raphael"

"ano??!!"

"Kent"

"abay ano nga 'yon??!!"

.

.

.

"may.......................................monthly visitor ka ba??" tapos bigla syang tumawa ng napakalakas, nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin

"AAARGG!!! JAYCEE TUMIGIL KA NA!!"

"ok! Chilax!hahahahahahahahahahahah" malala na 'to.

"Jaycee, inaatake ka nanaman ng JAYCEETOPAKINSYNDROME MO!!!" pagkatapos nun lumakad na ako palayo baka hindi ko matantsa 'tong si Jaycee masasapok ko na 'to.

"oooyyy! sweetie hintay!! pasama ako!!" tss akala ko makakatakas na ako sa unggoy na ito hindi pa pala! hindi naman ako makakatanggi dito dahil lalo akong kukulitin nyan..

TAO KA BA JAYCEE!!!!!!?????

Crazy High School Life(Completed)Where stories live. Discover now