Chapter 64: The Final Blow.

3.3K 52 2
                                    

Chapter 64: The Final Blow.

Vinielle’s POV

No! No! This can’t be! No! pakiramdam ko ay kinakain ng konsensya ang buong pagkatao ko.

Nakatago ako sa isang puno malapit sa kinaroroonan nila. narinig ko lahat. Lahat ng pinag-usapan nila. Her father. No! ‘pag usaping ama ay hindi ko kaya.

Lumaki ako ng walang ama. My dad died when I was 6 years old. Kahit napaka-bata ko pa noon I can still feel that f*cking feeling! Sobrang sakit. Napakasakit lang Makita na nasasaktan ang mommy ko habang nahihirapang nakahiga sa hospital bed noon si daddy. At lalong pinunit ang pagkatao namin nang tumigil na ang heartbeat ni daddy.

Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng ama. Alam ko kung gano kahirap makitang nagdudusa sa sakit ang mahal mo sa buhay. Parehas kami ni Jamilla. namatay din ang daddy ko dahil sa pesteng Leukemia na ‘yan. at sa nakikita ko ngayon. parang bumalik lahat ng sakit. I can feel her pain. Ramdam ko ang sakit sa bawat paghikbi nya.

Bakit ba hindi ko pa sinabi ang totoo kay Lizzy? Alam ko ang totoo. Alam kong mag bestfriend lang sila. Narinig ko mismo sa lalaki. Narinig ko mismo nang pagalitan sya ng tinatawag nyang kuya.

I started to walk palayo sa bahay nila Jamilla. kaya ko pang itama lahat. Kaya ko pang ayusin ‘to. Vinielle, gawin mo ang tama. FORGIVE AND FORGET THEN MOVE ON. ‘yan nalang. Panghahawakan ko ang mga salitang ‘yan. bukas na bukas din aayusin ko lahat. Tama na ang kalokohang ‘to. Marami na pala akong sinisirang buhay. Kaya ko ‘to. I can fix all these mess.

Lizzy’s POV

*riiinngg* riinngg* riiinngg*

Someone’s calling! It’s Vinielle.

“Yes?”

(Where are you?)

“Kent’s house. Why”

(Good. Much better. Who’s with you?)

“Ha? Marami kami dito. My friends”

(Ok. See you)

“What? See you? What are you talking about?”

(We need to talk! I need to tell you something) she hanged up.

Wait! Pupunta sya dito? Pero galit sa kanya ang mga kaibigan ko. What is she thinking?!

Nandito kami lahat. Dito na kami tumuloy after ng naudlot na swimming party kagabi. Yeah. Because of her nawalan ng gana ang lahat. Geez! Such a b*tch!

Lumabas ako ng bahay para abangan si Vinielle. Alam nya ang bahay ng mga Smith. Patay na patay sya dati kay Kent, remember? Tss.

I went outside at naghintay sa tapat ng gate. After I think 10 minutes ay dumating narin si Vinielle. Ano bang ginagawa ng babaeng ‘to?!

“Why are you here?!”

“I need to tell you something! Sa inyong lahat! Lalo na kay Kent!”

“What? About what?”

“It’s about Jamilla! Can we just go inside? So hot here, you know?” she rolled her eyes. Ghad! Kahit kailan talaga hindi na sya magbabago.

Pumasok ako sa loob at sumunod naman sya. Nasa living room silang lahat. Pati na rin si Kent na siguro kakalabas lang . Nasa kwarto kasi sya kanina. Walang kaemo-emosyon ang mukha nya. And again, it’s because of that b*tch!

“Guys! I’m with V---“

“Vinielle?! Why are you here?!” it’s Thyrelle. Halata ang gulat sa mga hitsura nila. kahit ako naman magugulat. Kaaway mo tapos pupunta sa bahay nyo? Great! Makapal lang talaga ang mukha nitong pinsan ko. tss. Yung iba pinili nalang na tumahimik. Ilang araw na silang ganito. Kahit sino hindi makuhang ngumiti. Lahat galit sa kanya. You can’t blame us. She’s a cheater. Kent loves her very much pero niloko lang nya. Tss.

Crazy High School Life(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon