Chapter 59: Unfamiliar Feeling!

3.6K 56 1
                                    

Chapter 59: Unfamiliar Feeling!

 

ITO NA YATA ANG PINAKA MAHIRAP NA CHAPTER NA GINAWA KO! HUHU! Curious? Just read it! Enjoy!

Thyrelle’s POV

 

“Hoy Kent! Umayos ka diyan ah! Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nagalit si Jammy tapos mag e-emo ka diyan!”

“tss” eto talagang kapatid ko!!! Kahit sino naman maiinis kung hindi man lang magtxt o tumawag yung jowabelz mo diba? Kaloka talaga! Tapos ngayon nag-iinarte dito sa kwarto ko. Yeah! pumunta talaga sya dito sa kwarto ko! Akala mo pinagsakluban ng langit at lupa, At nilunod ni Dyesebel sa imburnal!

“hoy! Kung nag-iisip ka kaya ng paraan kung paano sya aamuin? Hindi yung nagmumukmok ka diyan at isa pa you ruined my oh-so-precious-peaceful-sleep! myghad! Kung ‘di lang kita kuya nasapak na kita ng padaplis-daplis!”>.<

“Thyrelle”

“Ano?!”

“Don’t shout at me. Gusto mong batukan kita?” sabi ko nga eh! Ayaw nya ng sinisigawan sya. Tsaka ayaw nya ng maingay ewan ko ba diyan! Ang bilis sumakit ng ulo nya kaya bawal diyan stress eh. Masyado nang epal yung migraine nya. Lagi akong pinapagalitan ni mommy ‘pag inaaway ko si Kent. Nakakaloka! Favorite talaga sya>.< anyway highway! I’m dad’s favorite naman so fair lang ang buhay. Muwahahaha!^.^

*tok tok tok*

“Ma’am Thyrelle, nakahanda na po ang dinner. pinatatawag na po kayo ng mommy nyo”

“Ok, manang! I’ll go downstairs na! hoy Kent tara kakain na!” lumabas naman agad ako ng kwarto. Narinig ko din na bumukas at sara yung pinto kaya naman alam kong nakasunod na sa akin si Kent.

“Hi mhy!” I greeted my mom as I reach the dining table.

“You two, take a sit na. wala pa ang daddy nyo. Nag-over time eh. Maraming inaasikaso sa office” bakit parang laging haggard ang mga tao sa bahay namin? Ako lang yata ang laging fresh eh. Si daddy halos isubsob na yung ukha nya sa mga papers na lagi nyang hawak. Si mommy naman parang may laging iniisip these past few weeks actually nitong weekend, pati si Kent ay nadamay sa pagka-busy nilla. Isinama sya ni mommy kung saan eh. Tapos pagka-uwi nila tinanong ko kung saan sila galing at anong ginawa nila, ang sagot lang naman sa aking ng mabait kong kapatid ay. “It’s all about company matters. Ano? Sama ka rin sa susunod?” syempre ako naman si iling-iling. Ayoko nga ‘no! publishing company at house appliances ang negosyo ng pamilya namin. ‘di bale kung clothing line ‘yon. pssh-__- pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit company matters agad eh magsi-sixteen palang si Kent. Our dad told us na pag nineteen na kami tsaka nya lang ipapakilala sa amin ang business world. Ay ang gulo! Bahal sila>.<

“Kent, kumain ka ng marami. Bakit kokonti ‘yan?” napatingin ako kay mommy na parang worried kay Kent. Enebeyen! Hindi naman ako nagseselos. Pero ako yung bunso eh>.<

“Thyrelle, ikaw naman? Buti hindi ka tumataba, baby? lamon na ‘yan hindi na kain”

Crazy High School Life(Completed)Where stories live. Discover now