MFALC Chapter 2: Ang Babaeng "Suman"

Start from the beginning
                                    

"What?!" histerikal kong sambit rito. "Hindi mo ba ako kilala?" mataray na wika ko sa kanya.

Jusme mga bes pigilan niyo ako, baka tsinelasin ko mukha nito. Hindi purkit matangkad siya at 5'3 lang ang height ko ay magmama-asim na ang isang 'to!

"Sorry po Maam, but I don't know you. Kaya lumabas ho muna kayo ng pintuan," anito saka kami pilit pinapalabas ng pinto. "Guard!" tawag pa nito sa security.

Mukang gusto nitong makaranas ng "The Devilish Side of Amara" ahh!

"H'wag mo akong hawakan!" bulyaw ko rito dahilan para umalingawngaw ang boses ko sa buong opisina ni Tyron.

"Kaya nga Maam, lumabas ho muna kayo kasi wala kayong appointment kay sir Tyron." maarteng usal nito kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

"So you're new here, right?!" mataray kong saad sa babaeng suman.

Tumango naman ito sa akin tanda ng kanyang pagsang-ayon. Pero bwiset! Taas noo pa rin ang babaeng pilita de suman. Paanong hindi ko siya sasabihan ng suman. Jusme! Ang suot ni Ate Girl hapit na hapit, anong connect ng suot niya sa trabaho niya di ba? Kakagigil lang. Tssss...

"Listen Miss... Tawagin mo ang boss mo sa loob para naman maipakilala niya ako sa'yo." nakangisi kong sambit rito saka siya tinaasan ng kilay.

Nasa ganoong sitwasyon kami nang biglang bumukas ang pintuan sa opisina ni Tyron, "Gin, nadala mo na ba 'yung papers..." hindi na natapos ni Babe ang sasabihin niya nang mapansin nito ang presensya ko.

"Babe!" gulat na sambit nito saka lumapit sa akin para halikan ako sa labi. "What are you guys doing here?" masiglang usal nito sa mga anak namin saka binuhat ang bunso na si Tyarra.

Tumaas lang ang gilid ng labi ko nang tumingin sa akin ang babaeng suman. Rumehistro agad ang pagkakagulat sa kanyang mukha, dahilan para mapatawa ako ng palihim. Na-realize na niya siguro kung sino ako.

"Babe, why don't you introduce me to your NEW Secretary." sarkastiko kong saad kay Tyron saka idinuldol ang salitang NEW habang nakakawit ang kamay ko sa braso ng asawa ko.

"Oh! Sorry about that Babe. Anyways, Ginger this is my wife Amara and my kids. Tyreese, Tyler and our bunso Tyarra. Babe, she's Ginger my new hired secretary." pagpapakilala ni Tyron sa amin ng mga anak niya sa babaeng suman.

"I-I'm so sorry Maam Amara, sorry po." hinging pasensya nito pero ramdam ko na hindi sincere sa paghingin ng sorry ang babaeng 'to. Tsss...

Hindi ko naman ito sinagot at diretsong pumasok na sa loob nang opisina ni Tyron, call me rude but I don't like her. Parang may mali sa babaeng 'to at 'yon ang aalamin ko.

Nang makarating ako sa loob naramdaman kong biglang pumulupot ang mga braso ni Tyron sa bewang ko, "Babe, bakit parang mainit ang ulo mo ngayon?" he said while kissing my neck.

Mabilis naman akong kumawala sa pagkakayapos nito at hinarap ang asawa ko nang may matalim na tingin.

"Hey... What's with the scowled face, Babe?" natatawa nitong saad at ginaya pa ang itsura kong nakabusangot. Letsugas!

"Bakit bago ang secretary mo, anong nangyari kay Sheena? iritable kong saad dito.

"Hahaha!" halakhak lang nito. "She had to resign, dahil pupunta na raw siya sa Dubai next month." he said while caressing my right cheeck.

"Eh saan mo naman nahagilap ang suman na 'yan?" inis na sambit ko rito saka umirap sa kawalan.

"Su-suman what?!" nahihiwagaang usal ni Tyron dahilan para makagat ko ang sarili kong labi. "Babe, why are you calling her suman?" pangungulit pa nito sa akin.

Yan kasi Amara, ang daldal-daldal mo. Kainis!

"Hey Babe." Ani Tyron.

"Suman naman talaga 'yung bago mong secretary eh, tingnan mo 'yung damit hapit na hapit!" Iritable kong sambit sa aking asawa.

At nang akmang aalis ako sa harapan niya ay mabilis ako nitong hinablot sa bewang at ginawaran ng isang mapaglarong halik sa labi.

Napapikit ako nang mga sandaling iyon, para na naman akong lumulutang sa ulap sa tuwing masuyo akong hinahalikan ng asawa ko, na punong-puno nang pagmamahal.

Nasa ganoong posisyon kami nang biglang pumasok ang aming anak sa opisina ni Tyron. "Naynay, matagal pa po ba kayo? I'm starving." maktol ni Tyler dahilan para madali akong humiwalay kay Babe.

"Yes sweetie, susunod na kami ng Daddy niyo." alanganing nginitian ko lang ito habang ramdam ko ang kamay ni Tyron na pumasok sa loob ng damit ko at pataas na hinimas ang likod ko.

Nakabusangot na tumango lang si Tyler sa amin saka lumabas ng kwartong ito. Maagap ko namang hinuli ang kamay ni Babe para suwayin ito sa kalokohan niya.

"Stop it Tyron!" inis kong sambit dito.

"Bakit Babe, anong gagawin mo kapag hindi pa ako tumigil?" he smile at me with his boyish grin.

"Let's go B-babe, n-nagugutom na ang mga b-bata." shemay bakit ba ako nauutal?

"Haha! Alright, for the sake of our children's hunger. Pero mamaya I will make sure na hindi ka na makakawala sa akin." nang-aakit na usal nito kaya mabilis akong naglakad palabas ng pintuan.

Wheeew! Kamuntikan na ako do'n ahh. para akong nabunutan ng tinik nang makalayo ako kay Babe, grabe lang talaga itong lalaking 'to, hindi mapigil.

When it comes to sensuality, si Tyron ang numero uno sa mga kahalayan. Kahit na sampung taon na kami, hindi pa rin siya nagsasawa sa katawan ko.

I know it's a good thing for me, dahil hindi siya naghahanap ng iba. I want him to be My First and Last Crush. Kahit saan pa kami dalahin ng pagnanasa namin para sa isa't isa.



*****

Harot-harot talaga nila ohh. 😂😂😂

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

My First and Last Crush ✔️Where stories live. Discover now