Chapter Three

Começar do início
                                    

Habang kumakain, puro kwentuhan lang ginawa namin, anak pala siya ng isang businessman kaya ang kinukuha niyang program ay about sa business din. Nag-iisang anak lang siya kaya naman binibigay lahat ng gusto niya which is nakita ko na kanina... Hindi niya pinoproblema ang pag labas ng malaking pera.

Matapos namin kumain ay sumakay na kami ng kotse agad. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasan tumingin sa kanya, tila siya isang karakter sa isang fairytale kung saan ako ang prinsesa at siya ang prince charming ko pero syempre isa lamang itong imahinasyon na malayo sa katotohanan. Isa akong dukha at isa siyang mayaman, ganun pa man masaya ako ngayong araw at nakilala ko pa siya... Dapat rin ba akong magpasalamat sa natapong kape ko?

"So paano, see you around?" Nasa tapat na pala kami ng dormitory namin, hindi ko napansin dahil sa malalim na pag-iisip ko.  Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"J-July, thank you sa lahat ha? Hayaan mo babawi din ako sayo at sorry napagastos ka pa tsaka--"

"I don't mind it. I had a great day with you."

Parang kiniliti ang kalamnan ko kasabay ng pagnipis ng hangin dahil sa mga ngiti niya.

"So... pahinga ka na baka may kailangan ka pang aralin and sorry 'di ka nakapasok ngayon dahil sa akin."

Yumuko siya sa manibela niya at naririnig ko bawat paghinga niya.

"Ay! A-ano July w-wala yun kasi--" natetense ako.

Bigla siyang lumingon sa akin, ang gwapo niya talaga.

"You know what Rara? You're so cute."

Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin dahil alam kong namumula ako.

Biglang tumunog yung phone ko, pagtingin ko si Isay tumatawag... Patay ako nito.

"July, salamat ha? Mauuna na ako, salamat ulit."

Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya lumabas na ako agad ng kotse . Kumaway na ako kay July at saka siya umalis.

"Hello, Isay?" sagot ko naman agad sa tawag.

"Nasaan ka? Bakit sabi nila Che 'di ka daw pumasok?"

"Sorry Isay... basta kwento ko na lang sayo ha? Long story kasi makakatulog ka pagnagkwento ako sayo. Sige na, pauwi na rin ako may dadaanan lang."

"Nako! Siguraduhin mong ikukwento mo yan. Pagkain ko ha? Bye."

Tignan mo yun? Imbis na sabihin ay 'ingat', pagkain pa ang binilin. Minsan iniisip ko kung true friend ko ba talaga si Isay.

Tinignan ko yung oras pwede pa sasaglit muna ako...

••••••••••••••••••

Cielo

"Mich, any appointments left?"

Nandito ako sa office katatapos lang ng meeting and I swear, I hate it.

"Ma'am wala na po for now and tomorrow also, but on Sat--"

"You can go now." Walang atubili kong sabi. Alam ko na ang sabado na iyon.

"Y-yes, Ma'am."

Agad na umalis sa harapan ko si Mich dahil alam niya na kapag may pinaalis ako sa harapan ko, siguraduhin mong hindi ka aabot ng ilan pang segundo sa paningin ko.

Hinilot ko ang sentido ko dahil nagsisimula na naman sumakit ang ulo ko. I'm tired, too many meetings, launching and conferences. Kailan ba ako makakatikim ng pahinga? I breathe deeply, then I decided to end my day.

I get my case and leave my office. The good thing is, pinag-leave ko lahat ng body guards ko. Actually, gusto ko na silang sisantihin kaso naging loyal sila sa akin kaya pinag-leave ko na lang sila and soon pagbabantayin ko na lang sila sa mansyon dahil naaalibadbaran na ako, hindi ako makakilos ng gusto ko pagkasama ko sila.

Sumakay ako agad sa kotse ko, it's my wheel this time. Pinaandar ko kaagad paalis ng hotel ang magarang sasakyan ko papunta sa park na napuntaham ko ilang araw na ang nakalipas. Pero habang nagmamaneho, napaisip ako...

Hindi ko alam papunta sa park na iyon.

"Damn!" hampas ko sa manibela. Hindi ako sanay nang mag-isa kapag nasa lansangan. Hindi ko pa rin kabisado mga lugar dito sa Manila, ano na ngayon ang gagawin ko?

Itinabi ko muna yung sasakyan dito sa mapunong bahagi. Hindi ko inaasahan ang mahahanap ko nang biglaan ito.

"It's a freaking park."

So stupid! Tatlong kanto lang pala ang layo nito sa Hotel. Napaikot nalang ang mata ko sa katangahan.

Lumabas ako ng kotse, kaunti na rin ang tao dahil medyo dumidilim na. Naglakad ako papuntang fountain at sa likod ng mga malalaking puno.

"Finally..."

Umupo agad ako sa lumang bench kung saan ako unang naglagi. Tinanggal ko ang salamin ko at sandaling pumikit.

"Aray ko!"

Nagulat ako at napatayo, nakita ko ngayon mula sa likod ko ang babaeng nakadapa sa damuhan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa itsura niyang nakasubsob.

"Aray! Ang sakit!"

"How stupid? Ikaw na nga lang nandiyan na dadapa ka pa?"

Hindi ko na napigilan hindi matawa, paano ba naman ay talagang tanga lang ang madadapa mag-isa.

"Sige! Tawanan mo pa ako imbis na tulungan mo ako ay magtatawa ka pa! Ang sakit ng paa ko kaya wag kang tumawa diyan!"

Lumapit ako papunta sakanya. Hindi ko siya kilala at wala ako balak kilalanin ang isang babaeng hindi marunong tumingin sa dinadaanan niya.

"Let me see." Irita kong tanong.

Umupo ako at tinignan ang paa nya na medyo namumula. Hindi ako doctor pero I know na sprain siya. Napailing nalang ako sa babaeng ito..stupid and clumsy.

"It seems that you hurt yourself. Can you help yourself?"

Unti-unti siyang tumatayo at kumapit siya sa puno but she's shaking up. I offer my hand para tulungan siya, hindi naman ako ganoon kasama but still, tinitignan pa rin niya ang paa niya.

"Kahit titigan mo yan, hindi yan gagaling lalo na yang pagiging tanga mo sa daan."

Inangat niya ang ulo niya at ngayon nakatingin nang masama sa akin. Hindi siya ganoon kagandahan at normal lang. Bakit ko ba pinansin iyon?

"Alam mo? Ang ganda mo ang panget naman ng ugali mo! "

Tinulak niya yung kamay ko sabay tumalikod sa akin habang iika-ika. Bwisit na ito? Tinutulungan mo na nga tapos gaganunin ka pa? Stupid.

"Ikaw na nga tinutulungan? You know what? I'll just leave you here."

Umupo ulit akong prente sa bench. I don't have time for such person.  I closed my eyes and breathe deeply...

"Aray! Aray!"

Napamulat ako, narinig ko na naman ang boses nung babaeng tanga sa daan.

"Ang sakit!"

Napailing na lamang ako, "Stupid and clumsy." I whispered and just rolled my eyes. I decided to stand up and walk towards this plainly clumsy woman.

One Seat Apart (GirlxGirl)Onde histórias criam vida. Descubra agora