RtB-Forty Seven

325 9 0
                                    

#RtBTrueFeelings
---------

Nakakabwisit na Carla! Bakit ba kasi ako dinala dito sa court? Para panoorin si Rowan at e cheer siya? Kung mahahila sa akin parang laruan lang. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nandito silang lahat at wala man lang isa sa kanila para batiin ako.

-_______-

Ang daming sigawan dito sa Court. Kilala ko naman yung kalaban nila kasi galing din ako sa Alumiere pero sa tingin ko kasi mananalo sila Rowan. Magaling silang kahat lalo na si Rowan.

Letche! Bakit ba Rowan ako ng Rowan. Move on na Olivia! Tingnan mo nga oh! Kung makasigaw si Lalaine kay Rowan parang walang bukas!

Napabunton hininga ako at tumahimik nanood sa laro. Di ba nila naalala ang birthday ko? Kahit simpleng 'happy birthday' lang wala din. Parang ordinaryong araw lang, sa bagay baka nakalimutan nila. Hays..

Griffins!  Griffins!  Griffins!

Lynx!  Lynx!  Lynx!

Halos mabingi ako sa sigawan dito. Nakikisigaw na rin sila Carla at Vinz. Akala ko ba? Hindi sila manood eh bakit nandito kami!

Wala akong magawa kundi panoorin sila. Mamaya ko nalang sasabihin tungkol sa dinner. Iimbitahan ko sila mamaya para naman masaya ang birthday ko.

"Omg! Ang galing ni Rowan babyloves! Wooooo!" niyugyog niya pa ako.

Sa totoo lang,  nasa kanya lang naman ang paningin ko. Wala naman akong ibang tinitigan kundi siya lang. Magaling naman talaga siya para sa akin siya ang pinakamagaling sa lahat. I'm so proud of him.

Woooo!  Griffins! Go Griffins!

Panalo na! Woo Griffins! Ang galing niyo!

Nanalo nga sila. Halos tumalon sa bleacher yung iba dahil sa saya. Bigla naman akong niyakap ni Carla at binuhat. Teka nga? Paano niya nagawang itaas ako. -___- bakla ba talaga siya?

"Waaah! The most awaited part this is it!" sigaw ni Carla na ikinagulo ng utak ko.

"Reyna Olivia! Ito na yung pinakahihintay mo! Namin din hahaha" ani ni Jetro.

Tumalon talon si Kyla at niyakap ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari at ano yung pinagsasabi nila ngayon. Naguhuluhan ako.

"Omg! Olivia! Ito na yun! Matagal na naming hinihintay ang araw nato!! Waaah! " niyakap niya ako ng mahigpit.

"teka teka lang kyla ano bang meron?" nakakapagtaka lang. Ang alam ko nirthday ko ngayon,  yun lang naman ang meron ngayon.

Hello everyone thank you for cheering us! Thanks for your support!

Napatingin ako sa gitna ng court. Si Rowan pala ang nagsasalita.

Sa totoo lang ang pagkapanalo namin ay iaalay ko talaga sa iisang babaeng minahal ko

Halos nabingi ako sa katahimikan. Sino ang babaeng minahal niya? Si Lalaine? Tama siya lang naman nagpapasaya sa kanya.

To the girl I loved since we first met, I just want to say that..I love you haha nakakahiya man sabihin pero I don't want to ruin your day My Queen it's your birthday.

Birthday din pala ni Lalaine ngayon? Akalin mo nga naman oh! Pati birthday pareho kami? Great! Just great tsk. Tumingin ako kay Lalaine kumunot naman noo ko ng makita ko siyang palapit sa akin.

Teka..

Sino yan captain! Wooo! Susuportahan ka namin!

Go Rowan tell  us! Who's this lucky Girl!

Bumaling ako kay Rowan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ayukong marinig na sabihin niya sa lahat na si Lalaine ang gusto niya. Ayuko. Masakit.

"Lalaine salamat pala ha" ani ni Carla.

Anong salamat? Bakit siya nagpapasalamat!

"Hahaha shut up Carla" pinalo niya pa sa braso.

Gulong- gulo na ang sistema ko dahil sa mga nangyayari. Ang dami kong tanong kung bakit ang weird ni Carla at bakit? Bakit sila nag-uusap ni Lalaine? Akala ko di sila friends.. Bakit ata parang ang close nila.

Sorry kung nasaktan kita, Gusto ko sanang sabihin sayo na gusto kita pero I want to surprise you. Kanina pa kita tinitingnan di kita nakitang masaya habang nanonood.

Kakilig.. Sino ba kasi yan! Captain!

He's confessing shuucccks!  Bakit ako kinikilig..

Inlove talaga si Number 4! Hahaha sana may ganyan din sa akin! Ang swerte ng babae!

Nakapako  lang ang tingin ko kay Rowan ngayon. Parang naglaho ang lahat ng tao sa Court at kami lang dalawa ang nandito. Ang lakas ng pintig ng puso ko at parang sasabog na ito sa lakas.

I like you mmm.. No I mean I love you Olivia Hachiree Dela Fuerte.

Nanlaki ang mata ko sa narinig at napatakip ako sa aking bibig. I misheard it right? Hindi ako yung sinasabi niya. Hindi ako yun.

Nakatitig siya sa gawi ko. Gulat na gulat parin ako sa sinabi niya. Paano si Lalaine diba? Si lalaine gusto niya paanong naging ako.

"Babyloves wag kang umiyak dapat masaya ka kasi Birthday mo ngayon tapos umamin na rin si Rowan sayo"

Umiling ako ng umiling. Niyakap ako ni Kyla at umiyak ako ng umiyak. Hindi ako naniniwalang ako ang gusto niya.

"Rowan really loves you Olivia" bulong ni Kyla pero umiling ako.

"Hindi ako ang gusto niya"

"Ikaw ang gusto niya"

"Hindi ako!" itinulak ko si Kyla at pinunasan ang mga luha ko.

"Anong ako? May lalaine na siya paanong naging ako ha! Hindi ako naniniwala!" sigaw ko sa kanila.

"Hindi ako ang gusto niya Olivia, hindi naman totoo yung mga nakikita mo.. Ang totoo surprisa yun para sayo bestfriend ako ni Rowan tapos may boyfriend ako sa ibang bansa Im going to leave this coming vacation and spend time with him you're lucky to have him Olivia ngayon lang siya nagmahal kaya sana mahalin mo rin siya I cant afford to see him hurt" paliwanag ni Lalaine.

Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.

"planado pala lahat?"

Tumingin ako ng dretso kay Carla. Napabuntong hininga siya at tumango.

"I'm sorry"

Tumakbo ako at wala akong pakialam kung sino ang mabangga ko sa daan. Gusto kong mapag-isa. Ganon pala? Ilang araw akong umiyak tapos ganito lang pala! I am really upset. Akala ko pa naman sincere sila pero hindi pala! Hinayaan nila akong masaktan!

Akala ko masaya na...


























Hindi pa pala..
--------
Nagustuhan niyo ba? SANA.~♥~

Much love Readers!  ( ̄3 ̄)

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now