RtB-Thirty One

338 7 0
                                    

#RtBrebelasyon
---------

Pagkatapos kong ibigay kay Carla ang libro na sinasabi niya agad akong nagpaalam sa kanya. Nagsinungaling ako baka kasi mag freak out ang bakla dahil nagkaayos na kami ni Holly. Ayaw na ayaw niya kasi kay Holly pero alam kong may tamang panahon para magkaibigan sila ni Holly.




Nagmadali akong nagtungo sa parking lot at agarang hinanap ang sasakyan ni Holly. Buti nalang bumusina siya kaya agad kong nakita.



Pumasok ako sa sasakyan niya.


"Sorry natagalan konti"

"okay lang Olivia"

Bumuntong hininga siya at seryosong tumingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko ano kaya ang sasabihin sa akin?


"about Nate Olivia"

Hindi ako umumik nanatili akong nakatingin sa kanya. Anong tungkol kay Nate? Diba boyfriend niya yun anong pakialam ko dun?

"Honesly,  Nate is not my boyfriend Olivia He's my second degree cousin"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero paanong teka nga..di ko maintindihan.

"Humingi ako ng favor sa kanya para hindi na masaktan pa si Vinz, tinulungan niya ako nagpapanggap kami,.alam kong marami na akong kasalanan kay Vinz pero gusto ko ring maka move on na siya ayukong patuloy siyang nasasaktan tuwing tumitingin siya sa akin ramdam ko yun"

Halos di ako makakurap sa mga sinabi niya. Ang buong akala ko totoo ang lahat pero hindi pala!

"Teka nga bakit ko sinasabi sa akin ito"

Nakakapagtaka naman ata?



"dahil gusto ka ng pinsan ko Olivia pero.. "

Parang tumigil ang aking mundo ng malaman kong ano daw?!  Mahal ako ni Nate? Eh bakit ang lamig ng pakikitungo niya sa akin? Kung mahal niya ako dapat hindi ganon ang pakikitungo niya sa akin.

Nagiwas ako ng tingin kay Holly. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Ano bang mararamadaman ko dapat ba maging masaya ako o hindi ko alam.

"pero ano?" halos pabulong kong tanong kay Holly.

"Kailangan ka niyang layuan"

Hindi ko mapigilang lumingon kay Holly. Ang sakit naman atang malamang kailangan niya akong layuan? Naging parte na rin ng buhay ko si Nate pero kailangan pa akong layuan? KAILANGAN?

"Nate quit being a captain Olivia two days ago si Vinz ang pumalit sa kanya dahil kailangan niyang umalis"

"Ano ba talagang nangyayari holly tungkol kay Nate bakit kailangang umalis o layuan ako? May problema ba siya sa akin Holly?" naiirita ako habang naririnig ang mga sinasabi ni Holly. Di ko tuloy namalayang to maas konti ang boses ko.

"Hindi ganon Olivia" mahinahong sagot ni Holly.

"Bakit kailangan niyang umalis at mag quit bilang captain?"

"Dahil kailangan Olivia" usal ni Holly at umiwas ng tingin.

Naguguluhan talaga ako. Kanina ko pa naririnig ang salitang 'KAILANGAN'. Ang maamong mukha ni Holly napalitan ng lungkot. Kitang kita ko yun pati ang mga mata niya.

"Holly split it out dahil naguguluhan talaga ako sayo bakit kailangan"

Hindi siya tumingin sa akin nanatili ang mga mata niya sa harapan. Parang ang lalim ng iniisip niya na hindi ko mawari kung ano yun.

"Dahil may sakit siya"

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Anon-teka anong?  Nakita ko ang mga luha na bumaybay sa mga pisngi ni holly. Hindi ko mapigilang maluha dahil feeling ko naramdaman ko ang naramdamn ni Holly ngayon bilang pinsan niya.

"Dati niya pa alam na may sakit siya pero binalewala niya, ako ang nagbabantay sa kanya nung nasa Alumiere pa kami at nung lumipat siya, lumipat din ako dahil nag-alala ako sa kanya"

Buong akala ko lumipat siya para kay Vinz pero para kay Nate?  Anong sakit ni Nate? Pinunasan ko ang aking luha at ibinalik ang tingin kay Holly na panay punas sa mga luha niya.

"Alam ko ring matagal na may gusto ang pinsan ko sayo at nakita ko siyang masaya kapag kinukulit ka niya hinayaan ko siya at hinayaan ko siyang sumali ng basketball dahil yun talaga ang gusto niya mula pa pagkabata kaya lage akong nasa tabi niya Olivia dahil nag-alala ako sa mga nakikita niyo sa amin masaya kami dahil yun ang dapat naming ipakita pero sa kaloob-looban ng pinsan ko alam kong nasasaktan siya" she pause.

Habang naririnig ko ang mga sinabi ni holly may kirot akong naramdaman. Hindi pala biro ang pinagdadaanan ni Nate nagi-guilty ako kung bakit lage ko siyang tinatarayan dati. Di ko alam na nasasaktan na pala siya. Ang sama sama ko.

"Kahit mahirap sa kanyang layuan ka ginawa niya dahil ayaw niyang lalo siyang mahulog sayo Olivia pinili niyang lumayo dahil may sakit din siya at ayaw niyang pabigat sa ibang tao.. Lage ka niyang tinanaw sa malayo Olivia dahil sabi niya na kahit malayo siya masaya na siyang makita ka"

Hindi ko mapigilang humagulhol ng iyak. Ang sakit sakit isiping ang taong minsan nagpapangiti sayo ay siya pa ang taong nasasaktan ngayon.

"Holly okay lang ba si Nate?" hindi parin tumitigil ang mga luha ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing magiging okay lang ang lahat.

"He's not okay at alam mo ba sabi niya sa akin Olivia?"

Nakatanga lang akong nakatingin kay Holly na umiiyak din. Hindi ako sumagot.

"Masaya daw siyang makita kang masaya kasama si Rowan dahil alam niya daw'ng sasaya ka kay Rowan"

Napatakip ako sa aking bibig at umiyak ng umiyak. Bakit ganito ang nangyayari ngayon?  Akala ko masaya na siya pero hindi. Ang dami kong katanungan dati sa isang iglap nasagot na lahat pero nasasaktan ako para kay Nate. Hindi biro ang pinagdaanan niya sobra na ang sakit nararamdaman niya.

"Ang daya niya Holly akala ko masaya na siya pero bakit bakit ganito..ramdam ko ang sakit naramramdaman niya"

Humagulhol ng iyak si Holly. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Bakit ganito panginoon? Bakit si nate pa? Gusto ko siyang sumaya pero bakit ganito. Gulong-gulo na ako.

"Ayaw niyang ipaalam sa iba tungkol sa sakit niya dahil ayaw niyang  kaawaan siya, pinatatag niya ang kanyang sarili dahil sabi niya sa akin na wala daw'ng kasiguraduhan ang buhay niya kaya iisipin niya daw'ng balewalain ang sakit niya Colon Cancer ang sakit niya Olivia"

Puro iyak nalang ang nagawa ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko parang nawala lahat ang iniisip ko.



"Gusto ko sanang humingi ng pabor sayo Olivia?" napatingin ako kay Holly at tumango. Kitang-kita ko namumulang mata ni Holly kakaiyak. Ramdam kong mahal niya ang pinsan niya.

Ngumiti ako kay Holly.





































OK.
------------
Don't Forget to Vote!

Para akong baliw na naiiyak habang ginagawa ko to. Letcheey Plain! (╥﹏╥)

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now