RtB-Forty

316 11 1
                                    

#RtBFriends
---------

Di ako makatulog ng maayos kagabi dahil kay Rowan. Naguguluhan parin ako sa nakita ko kahapon. Gusto ko sana siyang etxt o tawagan man lang pero maduduwag akong gawin yun.




Lumabas ako sa kwarto para magtanghalian. Wala namang pasok so dito ako sa kwarto magmumukmok. Buti nalang talaga masarap magluto itong kasama ko kaya kakain nalang ako agad.

"Babyloves sabi ng kambal pupunta lang daw sila ngayon dito" napalingon ako kay Carla.


Hala!  Oo nga pala?  Argh.. Nakalimutan ko.

Napailing si Carla at umupo sa harapan ko dala-dala ang plato. Nilapag niya ito at seryosong tumingin sa akin.


"Grabe pala ang love no? Nakakabulag!" humagalpak siya nga tawa. Sinamaan ko siya ng tingin.



Bwisit! Nang aasar ang bruha!


"Tingnan mo mata mo halos naningkit na sa kakaiyak!" tawa siya ng tawa.


Imbis na sagutin ko siya kumain nalang ako. Wala kaming kibuan ni Carla. Kainis talaga!  Kaya ayaw na ayaw kong magmahal eh putek naman kasi itong puso ko! Kusang titibok letche talaga!



*tok tok tok



Napatigil kami sa pagkain at nagkatinginan kami ni Carla. Napamura nalang ako dahil baka makita ng kambal ang mga mata ko. Pero arghh! Chillax Olivia mag isip ka ng dahilan. Oo tama magandang dahilan.

Tumayo si Carla para buksan ang pintuan. At hindi nga ako nagkamali ang kambal at.. Wait...




"Hello Reyna Olivia!" sabay na bati ni Ken at Jetro.



Nalaglag ang panga ko sa nakita. Pati sila Vinz? Teka paano nila nalamang?! Tumingin ako kay Carla, alam ko namang siya lang ang may kakagawan ng to.




"yahoooo! Nandito na pala tayo?" sigaw ni Leo at agarang pumasok sa condo namin. Sumunod naman ang kambal niyang may sayad din at sila Vinz.



Nagulat nalang ako ng makita ko sa likod niya si. Kyla?! O____O?  Anong nangyayari?  Parang may naamoy akong di dapat maamoy. Lol Olivia.




"Hello Captain hihihi" bati ni Kyla habang hawak hawak ni Vinz ang kamay niya.



"Ahm.. Olivia ano kasi"


Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Hindi niyo na kailangang magpaliwanag kasi halata naman kasing kayo ng dalawa" kumindat ako kay Kyla.


Masaya naman akong makita silang masaya sa isat-isa. Hindi ko na tatanungin kung kailan nagsimula basta ang importante masaya na si Vinz.



Pero ako..




Takteng pag-ibig yan ang malas malas ko!



"Ahh Captain umiyak kaba?" pagtatakang tanong ni Kyla.



Nanlaki ang mata ko at napatakip agad sa mukha. Tumalikod ako at pumunta sa kwarto.





Dafaq! 






Kinakabahan ako sa tanong niya. Argh!!




Tang-iney naman kasing puso to. -_-+



Lumabas ako ulit at alam ko na ang sasabihin ko o idadahilan ko? Hayss. Basta yun na yun.



Nagulat nalang ako ng seryoso silang lahat nakatingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay. Walang umimik sa kanila.


"Hahahahahaha! Prinsesa Olivia wag ka ng umiiyak kasi papanget ka hahahaha!"


"hahahahaha prinsesa olivia magsaya tayo wag ka ng umiyak kapit kalang sa akin!"

Napasapo ako sa aking noo dahil sa kambal. Habang ang sila Vinz at Carla napailing nalang habang natatawa.


Umupo ako sa tabi ni Carla at inakbayan naman niya ako agad. Habang ang kambal panay kain ng cup cakes. Hindi man lang nahiya dala pa naman yan ni Kyla.



"Tungkol kay Rowan Olivia pinasundan namin siya hihihi" panimula ni Jet.


"Oo ang gagong yun! Gusto lang naman malaman ang lahat lahat" tinaas niya pa ang kamay niya.


"sino ba kasi yung babaeng yun?" tanong ni kyla na parang ayaw din niya sa babae.


Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila.


"Sabi sa akin na Anak daw yun ng may-ari ng Lhumiree taga Engineering department yun diba Under sa Eng. Dept. Ay architecture yun naman ang course ni Rowan eh di lage silang nagkikita. Sabi din na ang babaeng yun umalis lang dahil OJT niya sa California ngayon lang nakabalik" ani ni Vinz.





"Stalker kaba ng babaeng yun ha?" tinaasan ng kilay ni Kyla si Vinz.



"Chill babe ayaw ko lang naman masaktan ulit si Olivia gusto kong bumawi gusto mo pa halughugin ko pa bahay non para malaman lang kong ano sila ni Rowan" natatawang sagot ni Vinz kay Kyla.




Umayos ng upo si kyla at tumango-tango. Baliw talaga.




"At shabi din shakin ng kashaman ko na may gushto daw yun kay Captain" Geo interupted na lamon ng lamon ng cup cake.



"Wag kang mag-alala Prinsesa Olivia ikaw lang gusto namin para kay Captain ayaw namin kay Lala" ani ni Leo.



Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano ulit pangalan niya?




"Kilala niyo siya?" tanong ni Carla sa kambal.





"Oo naman syempre! Same department kami tapos basta ayaw namin sa kanya masungit tapos ang taray di katulad kay Prinsesa Olivia maganda na mabait pa? Hihihi penge ulit ng cup cakes?" napakamot ng ulo si Leo dahil sa sinabi ng kapatid niya.




Napabuntong hininga nalang ako.  Is it too late? Hindi ko alam sa ngayon.




"Babyloves sabihin mo sa kanya ang lahat, simple lang kung ayaw niya talaga sayo then Move on! You are still young anyways" ani ni Carla.



"Tama naman si Carla Captain eh sa gandang mong yan!  Nako! Maraming pipila jan baka pati langgam pa eh" ani ni kyla.



Di ko mapigilang di matawa. Bwisit tong babaeng to. May punto naman si Carla kaya yun nalang kaya gagawin ko. Kung wala talaga siyang nararamdaman sa akin.


Tatanggapin ko kung ano man yun. Dahil  ganon talaga kapag mahal mo diba?. Kung saan masaya ang mahal mo doon ka rin. Marami pa akong makilala di lang naman siya ang lalaki sa mundong ito. Marami pa.



"Salamat sa inyo" ngumiti ako sa kanila.




"Prinsesa Olivia punta na tayo ng EK para sumaya kana! Papanget kana lalo niyan!" ani ni Leo na tawa ng tawa.


"Yahoooo! Gusto ko masaya ka Prinsesa Olivia! Sana kasama natin si Captain para lunurin natin siya doon sa wild river" humagalpak ng tawa si Geo.



Mga baliw talaga.
























I believe 'Everything happens for a reason'.
--------
Don't Forget to Vote.
Thanks (╯3╰)

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now