RtB-Twenty Nine

340 15 0
                                    

#RtBKilig2.0
---------

Lutang na lutang ako habang naglalakad palabas ng gate ng school. Paulit-ulit kong naririnig ang huling sinabi ni Rowan sa akin.

I love you...

I love you...

I love you...

Sa buong buhay ko sa kanya ko pa unang narinig ang mga salitang yun. Kahit si Vinz hindi nagawang bitawan ang mga salitang yun sa akin. Si Rowan palang ang unang-una. Pero bakit ako? Bakit ako ang nagustuhan niya? Marami namang ibang babae jan bakit ako pa!







Nagpaalam ako sa kanya agad dahil magpapasalamat lang naman talaga ako sa kanya pero iba yung.. Argh! Di ko inaasahan yung sinabi niya. Nabigla ako dun kaya nagsinungaling nalang akong kailangan kong umuwi ng maaga para makapag review dahil Semi-final na. Pero ang totoo nahihiya ako sa kanya di ko alam basta nahihiya ako.




Sino ngayong maghahatid sa akin dito. Mag tataxi nalang kaya ako? Pero wala akong tiwala sa sa mga driver ngayon. Kung may corrupt na osiyalis may corrupt ding Taxi Driver.




Umupo ako sa waiting shed dahil wala akong choic kundi hintayin si Carla. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga studyanteng dumadaan.

*Ting

Tiningnan ko ang nasa Screen.

Rowan: Nasaan ka?

Nagdadalawang isip ako kung magrereply ba ako o hindi. Sasabihin ko bang nandito ako sa labas ng gate naghihintay kay carla? Aysss.. Wag nalang kaya..

Nakauwi na ako wag ka ng mag-alala.

Shit!  Nagsinungaling ako sa kanya. Pumikit ako, dumilat  at tinitigan ang phone screen ko.

Rowan: Aking reyna nasa labas ako ng gate

Napamura nalang ako at palinga-linga.


O-oh nakatingin siya sa akin. Mukhang sinundan niya talaga ako dito sa labas.



Bumaling ako sa sapatos ko. Ayukong tingnan siya o titigan man lang. Naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Galit kaba Aking reyna?" tanong niya na parang nalulungkot.



Napabuntong hininga ako.

"Hindi ako galit sayo"

"Pero pakiramdam kong galit ka sa akin sorry na Aking reyna hindi napigilang sabihin sayo yung totoo" paliwanag niya.


Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung bakit ako ganito sa kanya. May masama ba sa ginawa niya? Umamin lang naman siya.

"Hindi mo ba nagustuhan yung sinabi ko aking reyna wag mo nalang isipin yun ha kalimutan mo lang" dagdag niya.

Parang piniga ang puso ko dahil sa mga binitawan niyang salita. Nasasaktan ako sa mga narinig ako. Dahil naisip kong,  kung ako ang nasa sitwasyon niya? Mahirap umamin pero mas mahirap yung balewalain ka at ayukong maranasan niya yun.

Tumingin ako sa kanya ng dretso.

"Rowan naiintindihan naman kita at masaya akong umamin ka pero aaminin ko hindi ko kakalimutan ang sinabi mo dahil...dahil... "

Buset naman hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil kinakabahan ako.

"dahil ano aking reyna tatanggapin ko naman na di mo gusto yun pero hindi parin ako susuko sa-"



"Dahil ikaw ang unang lalaking nagsabi sa akin ng ganon"

Hindi siya makaimik sa sinabi ko.

Kumunot ang noo niya.

"What about Vinz?"

"Hindi ako mahal ni Vinz Rowan kaya hindi niya yun nagawang sabihin sa akin"

That's the truth behind my revenge. Pero past is past na ang importante ang ngayon at bukas.


Niyakap ako ni Rowan bigla na ikinagulat ko. Mahilig ba talaga siyang mangyakap? Pero I feel safe with him para siyang knight and shinning armor ko.




"You know how lucky I am? Ako lang naman ang unang lalaking nagsabi sayo ng ganon at alam mo aking reyna masaya din akong pumunta ka pa talaga sa court para pasalamatan ako, sana hayaan mo kong makapasok sa buhay mo" bulong niya sa akin.


Hahayaan ko ba siya?

"Ok" tipid kong sagot.




Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinitigan ako. Umiwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita niya ang buong mukha kong pulang-pula na.


"Aking reyna ano ulit sinabi mo?"

"wala" tipid kong sagot.



"Sabi mo ok so hinahayaan mo kong manligaw sayo?"

Namilog ang mata ko sa tanong niya. What the?!  Yun pala ang ibig niyang sabihin!

Pero bakit hindi ko hahayaan diba?

Sisiguraduhin ko muna ang nararamdaman ko bago ko siya payagang manligaw.


"Give me time to think about it Rowan"

"Aking reyna gagawin ko ang lahat para payagan mo lang ako..pero sa ngayon ihatid muna kita sa condo mo"

Ibang-iba talaga si Rowan sa lahat. Hindi niya talaga ako titigilan kung hindi niya makuha ang gusto niya. Iba siya lahat dahil hindi siya sumusuko agad, pinapakita niya talagang importante ka sa buhay niya na parang may halaga ka talaga sa kanya. Sabi ko noon ang swerte ng magiging girlfriend ni Rowan..


Pero... Paanong naging AKO ata ang babaeng tinutukoy ko tang-iney naman.



Gusto kong tumili dahil sa kilig pero letche nasa harapan ko siya. Nakakahiya kaya yun, kanina ko pa to pinipigilan eh.




Gusto ko ng umuwi talaga para...





























Tumili letcheng kilig to.
----------
Don't Forget to Vote!!

Thank you and love lots ≥3≤

Reason To Believe (Book 2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu