RtB-Thirty Three

365 13 7
                                    

#RtBcomfort
----------

Pagkatapos magpaalam ni Carla sa akin. Nakatanggap ako ng txt galing kay Holly. Binigay ko ang phone number ko para madali niya lang akong ma contact. Hindi daw muna siya sasali sa training ngayon buti pumayag di Couch.


Paglabas ko ng gate nakita ko agad ang sasakyan niya. Sumakay agad ako nito at bumati sa kanya.



Di ko mapigilang isipin ang ginawa ko kay Rowan kanina. Kailangan ko muna siyang iwasan pero kahit mahirap, ginawa ko parin. Alam kong nagtataka si Carla sa akin pero ang isiipin ko muna ngayon ang hininging pabor ni Holly sa akin.


"Alam kong magagalit yun sa akin pero ginagawa ko lang to para sa kanya" ani ni Holly habang pokus na pokus sa pagmamaneho.



"Maiintindihan niya rin yun"

Nakibit-balikat lang si Holly at ngumiti sa akin. Pero alam kong pilit yung ngiting pinapanakita niya sa akin.


Sinama ako ni Holly sa hospital kung saan naroon si Nate.


Pagdating namin sa hospital, pinasada ni Holly ang sasakyan niya at kanya-kanya kaming lumabas.

"Tara na"

Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Pagpasok namin, maraming nurse akong nakita pero mukhang kaonti lang ang pasyente dito. Private Hospital kasi kaya mukhang konti lang. Lumiko kami sa kanan, may nakasalubong kaming mga lalaking naka white gown na parang doctor dito sa hospital, nakatingin sila sa amin pero binalewala ko lang.


Huminto si Holly at ganon din ako.


Kikabahan ako habang nakatitig sa pinto na sinasabi ni Holly sa akin. Hindi ako handa pero bahala na. Ano kaya ang magic ng reaksyon niya baka..



"Kanina pa kit-"

Hindi natuloy ang sinabi ni Nate dahil nakita niya ako nakasunod kay Holly. Nagkatitigan kaming dalawa pero agad siyang nag-iwas ng tingin.

Nakaramdam ako ng awa kay Nate na nakahega sa kama at putlang putla.


"Bakit siya nandito? Bakit mo siya dinala dito?" tumaas ang boses ni Nate.

"Sorry Nate gus-"




"Diba sabi ko sayo wag mong ipaalam sa kahit na sino pero anong ginawa mo ha! Pinagkatiwalaan kita!!"

Halos napatalon ako sa pagsigaw niya. Nakita ko ang galit sa mukha niya dretso lang siyang nakatingin kay Holly.

"sorry talaga ayaw kitang malungkot Nate gusto ko namang sumaya ka kahi-"

"Mas lalo mo pang pinalala ang sitwasyon! Paalisin mo siya dito!" singhal niya.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Narinig ko ang mga hikbi ni Holly habang nakaharap kay Nate.


Tumitig sa akin si Nate pero ang sama ng tingin niya sa akin. Kusang lumabas ang mga luha ko hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.


"Ano? Naawa ka sa akin kaya ka nandito? Diba ayaw mo sa akin ano pang hinihintay mo umalis kana!!" sigaw niya.


Parang nabato ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya. Bakit ganito siya nawawalan naba siya ng pag-asa. Hindi ako aalis dahil buo na ang loob ko.


"Nate wag mo namang sigawan si Olivia ako nalang kasi ako ang nag-"



"Wala kang pakialam dahil hanggat nakikita ko siya naalala kong hindi na magtatagal ang buhay ko! Fuck this life! Pagod na pagod na akong masaktan"

Mas lalo akong naiyak nang nakita ko ang mga luha sa mukha ni Nate. Niyakap ko siya ng walang pag-alinlangan.

"Alam kong nasasaktan ka pero Calvin nandito lang ako para sayo magpakatatag ka gagaling ka alam ko yun" kahit di ko na masyadong narinig ang mga sinabi ko dahil sa pag-iyak ko.



"Naawa ka ba sa akin Olivia?" mahinahon na tugon niya.

Sunod sunod ang iling ko.

Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilaang pisngi niya. Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Malalagpasan mo to kailangan mo lang tatagan ang sarili mo,  alam kong nanjan lang ang diyos nagbabantay sayo pagsubok lang to Calvin please wag ka ng magalit kay holly at sa akin"


Umamo ang mukha niya, wala akong narinig na tugon sa kanya. Niyakap niya ako bigla at ganon din ako.




"Wag mokong iwan Princess stay with me"
Aniya.


"Nandito lang ako Calvin at di kita iiwan"


Pero sa loob-loob ko, nasasaktan ako sa sinabi ko. Naguguluhan din ako dahil.. Ewan ko basta ang importante mapasaya ko si Nate dahil alam kong nabibigatan na siya sa sitwasyon niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya.

"Sorry Sis dahil nasigawan kita"

Bumaling ako ng tingin kay Holly na nakangiti.


"Okay lang basta kakayanin natin to!" sigaw ni Holly sabay ng pagtawa niya.


Umupo ako sa upuan malapit sa kama ni Nate. Nakahega siya pero titig na titig siya sa akin. Kahit awkward ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.


"Masaya akong nandito ka sa tabi ko princess"

"ayun ngumiti ka rin alam mo ba ang panget mong magalit!" natawa ako.



"Ang gwapo ko kaya naduling kana ata princess!" usal niya.


"Grabe ka naman naduling talaga pwedi namang nanlabo lang ang mata pero hindi ako matanda ha!" sumimangot ako sa kanya.

Masaya akong nakita ko siyang nakangiti sa kabila ng kalagayan niya ngayon.

"Sorry princess na hindi na kita pinapansin dati" usal niya ang lungkot ng mga mata niya.


"Okay lang yun no! Maganda naman ako kaya hindi moko matitiis nahuhuli nga kitang nakatitig sa akin sarap ngang dukutin ng eyeballs mo!"

Natawa na talaga siya sa sinabi ko.

Alam kong nasasaktan ka Calvin pero hindi ibig sabihing susuko kana agad. May diyos, at alam kong malalampasan mo lahat ng to kasi may tiwala ako sayo.

































Still thinking about my feelings.
--------
Don't Forget to Vote!

Sino ba talaga sa kanila-  Si Rowan Henderson o si Nate Calvin Russell.. Hayss mabuang ako kakaisip kung sino talaga! Hahaha! Sino bet niyo?

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now