RtB-Four

540 16 0
                                    

#RtBkatotohanan
---------

Nakaupo kaming dalawa ni Vinz ngayon sa damuhan habang nakatanaw sa tanawin.

Kung saan kami nagpupunta tuwing may problema kaming dalawa o tuwing malungkot kami.

Sa Fertig Mountains.

Malapit lapit lang naman ang lugar nato.

Dumidilim na rin.

Buti nalang sinamahan ako ni Vinz sa clinic kanina.

Hindi nalang namin sinabihan sila Ken at Jetro kung saan kami nagpunta.

Si Carla naman gagabihin daw siya isa daw'ng parusa sa kanya ni Ms. Reina.

Tapos kami ngayon ni Vinz habang binubunot ang mga damo.

"Olivia ang dami mo ng nabunot oh may balak ka atang kalbuhin yong Fertig eh" natatawa niyang sabi.

Sinapak ko siya sa braso.

"baliw! Ipakain ko to sayo para matauhan ka sa kabaliwan mo sa flirt mong Ex no offense ha flirt naman talaga siya" inis kong sabi.

Tawa lang ang tugon niya tapos agad namang nawala.

Bumalik sa pagbubunot ng damo.

"barber kaba?" tanong ko.



"huh?" tanong niya na may halong pagkalito.

"basta sagutin mo lang!"



"hindi" seryoso niyang sagot.

"arayyy Olivia wag mo naman akong sabunutan" reklamo niya.

"ang slow mo! Tanungin mo ko kung bakit" singhal kong sabi bwesit di agad na gets.

"oo na nga bakit?" tanong niya tapos sumimangot.


"Sana gupitan mo yong kabaliwan mo kay Holly ng umiksi at umiksi pa lalo pweding kalbuhin mo rin katulad ng ginagawa mo ngayon sa damo! Sinasabunutan mo! Ayan tanggal ang buhok" natatawa kong sabi.


"you're crazy ikaw nalang gumupit oh" alok niya sa akin.


"sure ka na ako?  Baka kasi madamay yong coconut shell mo pati utak mo magupit ko na rin sayang ang lahi mo"



Humagalpak ako ng tawa tapos pinapalo ko ang braso niya.


Di kasi siya makaimik sa sagot ko.

"maiba nga Vinz naguguluhan lang talaga ako di sa nanghihimasok ako ah pero gusto ko kang talagang tanungin kong naramdaman mo bang mahal ka ni Holly?"

Umiwas siya ng tingin sa akin.


Mukhang tama nga hinala ko.


"ahm Vinz nagtatanong lang ako kung ayaw mo nama-"


"ilang buwan akong nanligaw sa kanya nong nasa Alumiere pa siya, ginawa ko lahat para mapakita ko sa kanya na mahal na mahal ko siya."

Nakatingin lang ako kay Vinz na ngayon nakatingin sa kawalan.


"kahit na marami akong naririnig na mga balita na, marami siyang manliligaw nong time na yun..di ko siya tinigilan nun kahit ibang manliligaw niya hinaharangan ko para lang sa akin siya mapunta"

Seryoso?  Nagawa niya yun?

Sa akin hindi parang walang ka poise poise yong ginawa niya sa akin dati.

Reason To Believe (Book 2)Where stories live. Discover now