Isang picture frame ang umagaw sa pansin niya na naglalaman ng picture nina ZAC, Zavier, Kim at Monique sa isang istante. Hahawakan niya sana iyon pero pinigilan niya ang sarili niyang gawin ito. Alam niya na naman kasi na kamukha niya talaga si Monique.

"Sino ba si Monique sa buhay mo, Zavier?" tanong ni Steffi habang nakatingin sa litratong iyon. Hindi niya maialis ang tingin niya doon and at kasabay noon, ang daming tanong sa isipan niya tungkol sa nakaraan. Hindi sa kanyang nakaraan, ngunit sa nakaraan nila.

"She's the girl I used to love," diretchong sagot nito.

Lumingon si Steffi sa kanya para tingnan ang ekspresyon ng mukha niya. Base sa kanyang nakikita, inaalala ni Zavier ang nakaraan pero nakakaya parin nitong ngumiti sa kabila ng lahat.

"Pero diba girlfriend siya ni ZAC?" naguguluhang tanong niya.

"That's true. She used to be ZAC's girlfriend, Steffi. Ikaw na ang ngayon. Well, I cannot do anything, I've fallen for her at hindi ko napigilan 'yon. You know, what? Parang deja vu," sabi nito habang nakatingin kay Steffi. Nakita rin nito kaagad ang pagkalito sa mukha ni Steffi kaya dinugtungan niya iyon. "What I mean is girlfriend siya ni ZAC nang magustuhan ko siya and now, girlfriend ka ni ZAC and I also like you but don't worry, I just like you as a person."

"Why are you telling me this?"

"Since you asked about Monique, naisip ko na sabihin na rin sa 'yo. I'm not gonna lose anything and I don't want to commit the same mistake I did. I don't want you to end up dying like her."

Lalong naguguluhan si Steffi sa mga pinagsasabi nito. Paunti-unting detalye lang ang nakukuha niya pero sinusubukan niyang pagdugtung-dugtungin ang lahat para malaman ang mga nangyari noon. Napapailing-iling na lang siya habang iniisip kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Zavier. Hindi naman kasi nito ikinekwento ng deretso at detalyado.

"What do you mean? I'll end up dying like her? Paano naman mangyayari 'yon?"

"I wasn't able to protect Monique from ZAC back then so I want to protect you. Let's just say that ZAC is blaming me for her death,"

"Bakit? May kinalaman ka nga ba sa pagkamatay niya? Ano nga ba'ng nangyari sa kanya?"

Ngumiti si Zavier. "I think mas maganda kung si ZAC na ang magkukwento sa 'yo niyan,"

"Bakit hindi na lang ikaw? Bakit kailangan na siya pa?"

"You'll find out the answer to all of your questions from ZAC, Steffi. I don't want to talk about it anymore."

Hindi maitago sa mukha ni Steffi ang pagkadismaya sa naging sagot sa kanya ni Zavier. Nabitin lang siya sa pag-uusap nila. Ang nakakainis pa ay nasimulan niya na pero hindi pa itinuloy at ipinasa pa sa iba ang karugtong ng kuwento. Gustong gusto talaga nitong malaman kung paano namatay si Monique at kung bakit siya sinisisi ni ZAC. Wala naman siyang magagawa kundi tanungin si ZAC kung talagang gusto niyang malaman ang kasagutan sa mga tanong sa isipan niya dahil mukhang walang may gusto na magkwento ng mga nangyari sa kanya at si ZAC lang ang tanging makakapagsabi noon.

"Oh, before I forget, 'wag ka na nga palang mag-alala sa scholarship mo for next sem. I'll take care of everything," nakangiting sinabi nito.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, Zavier. Kung sa tingin mo matatakot ako ng tatay niyo, well no. Kaya kong i-maintain ang—"

"It's a present, Steffi. We don't know what might happen in the near future kaya sana tanggapin mo na lang ang ibinibigay ko,"

"Pero masyadong malaki ang ibinibigay mo sa 'kin. Hindi kita mababayaran sa ginagawa mo at mas lalong ayokong tumanaw ng utang na loob sa 'yo."

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon