Chapter 5

620 10 0
                                    


Nagising ako ng kina umagahang iyon ng marinig kong may kumakatok sa aking pintuan. Oo nga pala ni-lock ko pala ang pinto ng aking kwarto para hindi ako mainis sa mga mapang udyok na sasabihin nina mom at dad isama mo narin ang magaling kong kuya.

*toktoktok

"Hija, may bisita ka , kanina pa katok ng katok sayo." pag bibigay alam sakin ng isa sa mga katulong namin.

"Ahhh sige po babangon na ko!" sigaw ko naman.

Agad akong bumangon dahil sa isang katok na alam kong si Lei lang naman ang may kagagawan at siya lang ang bumibisita't nambubwisit sa akin. Hindi na ko nag atubili pang tumingin sa salamin upang i-check kung ka-aya-aya ba ang itsura ko sa paningin ng iba, tutal wala naman akong pakialam sa mapang husga nilang mata.

"Oh ang aga-aga nambubulahaw ka na!" singhal ko sa kumatok sa pintuan ko pagbukas ko, ngunit laking gulat ko ng makita kong naka dress at maputi.

"Long time no see little missy." bati sakin nito ng nakangiti.

Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi parin ma-process ng utak ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Bago ko mabuka ang aking bibig ay biglang humahangos na dumating si ate Medley na suot pa ang kanyang stilettos.

"Helena? ikaw n-na ba yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate kay Ate Helena.

Oo sya ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Well. The one & only Medley Ybañez hahaha I miss you girl." sabay yakap ni ate Helena sa ate ko.

Hindi ko na magawang sumingit pa sa usapan nilang dalawang mag best friends. Matagal na silang hindi nagkikita ,siguro ay mga 3 taon na. Kaya tahimik ko na lang tinahak ang hagdan pababa, nagugutom narin kasi ako.

"Ma'am gising na po pala kayo,tara ho sa kusina ipaghahain ko na kayo." hatak sakin nang aming katulong na halos kasing edad ko na lang.

Pinaghatak naman agad ako ni Ronald ng upuan,isa sya sa mga mayordoma dito.

(Nasabi ko nabang nakatira ako sa mansion? Kung hindi ay Oo nakatira ako sa mansion ng mga Ybañez )

"Good morning Ma'am, Your breakfast for today is pancake w/ natural honey syrup. And a fresh brewed coffee." pagpapaalam nya sakin na obvious naman.

"Drop that kuya Ronald. Wala naman si dad & mom so pwede ka ng mag jologs sa akin at mag pahinga." sabi ko sakanya. Para kasi yang kasing edad ko lang kung magsalita. Nag iiba lang pag andyan si Mom at dad dahil masyado silang perfectionist.

"Ah ehhh. Hija hayaan mo na practice narin to no. Madami daw mga bisita sina madame eh." sabi nya sakin ng pabulong.

"Ako bahala sayo." at doon tumayo na ako at tumakbo paakyat sa taas para maligo. Hindi ko na naabutan sina ate sa taas ,at baka nasa kwarto na iyon ni Ate Medley.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad nakong naghubad ng damit at naglakad patungong cr. Wala akong paki alam kung may sumilip tutal may maipagmamalaki ako.

Pagkatapos ng 1 oras sa banyo ay pumasok naman ako sa walk in closet ko at namili ng mas komportableng damit. Nakita ko ang isang skinny jeans na white at isang kulay emerald green na sleeveless. Agad ko na lang nilaglag ang towel na nakapalibot sa aking katawan .

Matapos ang 30 minutos at natapos na ako sa pagbibihis at sa paglalagay ng light make up.

Pinulot ko na  lang ang pumps na kulay green sa sahig. Hinayaan ko na lang din ang buhok kong may bahid ng pagka-brown at may kulot sa dulo na nakalugay.

We Meet AgainWhere stories live. Discover now